Xia PoV
malalim na ang gabi and as usuall nandito na naman ako sa labas
di ko akalain na ganun pa la ang ability ni Vanellope
kaya lagi kong napapansin na nagsusuot siya nang sing sing
FLASHBACK
"sino Xia! Just tell us!"usal naman ni Tyler tumingin ako sa kanila tas nagbuntong hininga
"Si Marvin"sambit ko
napatigil naman sila tumahimik ang room, kahit ni isa walang nag salita titig lang silang lahat sakin
"wag kayong magalit"agad na sambit ko sabay pikit
napansin ko kasi na kapag iba ang mood nila tahimik lang sila at seryoso ang mga awra
"Why?"mahinahong tanong ni Harold
"it's my fault kong bakit siya papatayin ni Dylan"sagot ko napakunot ang noo nila, pero di ko nalang pinansin
"wag na kayong mag tanong, malalaman niyo lang din naman"usal ko at akmang tatalikod
"Xia aminin mo nga, may relasyon ba kayo ni Marvin?"seryosong tanong ni kuya wick
napatawa tuloy ako sa tanong niya hahaha
RELASYON? EH? HOW COME?
"Hahahaha, bakit mo natanong? Kapag si Erick tinulungan ko mula sa kamatayan may Relasyon din ba kami ganun?"tanong ko
napatampal naman siya sa noo habang ako tumatawa lang
"normal lang na iligtas mo siya kasi kaklase natin pero si Marvin? Tsk he don't deserve it"usal naman ni Sean napatingin ako sa kanya
ang bad niya! Tss
"Everyone deserve to live, you have no right to say that thing, everyone has point of view so before talking some s**t! know their life behind!"sambit ko
maaring hindi ko alam kong anong buhay ni Marvin
basta pinanindigan ko na may usapan kami at deserve pa niya na mabuhay
"bakit Xia, alam mo ba kong sino si Marvin? Kilala mo ba kong ano siya?"balik ni Sean sakin nag ayos ako nang tindig at humarap sa kanya
"hindi, that's why i saved him, because i don't know him, tyaka isa pa meron pa siyang dapat ipapaliwanag sakin"sambit ko
napatingin naman sila sakin at mas lalong kumunot ang noo
"Ano yun?"tanong naman ni Brian naintindihan ko na mausisa sila dahil kaklase nila ako
kaya pagbigyan ko!
"gusto niyo malaman ang totoo?"tanong ko
di sila umimik kaya nag buntong hininga ako
mag sisinungaling or magsasabi nang totoo?
Napatingin ako kay harold kasi Mind reader siya
napataas lang siya nang kilay kaya napahagikik ako nang tawa
"actually di ko alam kaya nga tatanungin ko siya"saad ko tas ngumit
"damn it Xia!"asik ni brian sabay sapak sa pader
napatingin naman sila nang masama sakin kaya tumawa lang ako
"ito na po, hahahaha, Marvin knows that They are going to r**e me, yun ang itatanong ko sa kanya kong bakit niya alam, eh di naman sila mag kaklase"usal ko
nagkatinginan sila sa isa't isa napatingin ako sa pinto tas bumungad sakin si Vanellope
"can we talk"mahina niyang tanong papasok na sana siya nang nagsalita sa Brian
"step in para clinic ang bagsak mo"malamig na usal ni Brian
tsk! Isa pa to!
Di naman sa kanya ang room maka asta akma akong lalabas pero nagsalita si Elton
"Where are you going?"tanong nito
tanga tanga niya kainis!
"syempre lalabas, alangan naman papasok"pamimilosopo ko sa kanya
nag react pa sila pero di ko nalang pinansin nasa gilid kami nang pintuan ni Vanellope nag uusap
"so pano mo nalaman?"tanong ko nakayuko siya at tila malungkot ang awra
"i can see the future xia, everytime i see it agad agad nagaganap"malungkot na usal niya hala! Ang ganda kaya nun
"bakit ka malungkot that was very rare ability tas maganda pa"nakangiti kong saad
umiling naman siya kaya napakunot ang noo ko
"walang maganda kapag minuminuto, nakikita mo ang maaring masamang mangyari sa nakapalibot sayo"usal niya dahilan para matigilan ako
tama! Pati ang masamang mangyayari makikita niya
"pansin mo ang singsing na to? Lagi ko siyang sinusuot dahil ito lang ang paraan para ni isa wala akong makita"malungkot na usal niya
napayakap naman ako sa kanya dahil umiiyak na siya
"hindi naman siguro lahat nang nakikita mo nagkatotoo"usal ko habang nakayakap sa kanya
"mali ka, lahat nang nakikita ko nagkatotoo, nakikita ko ang ilan sa kaganapan, but not the whole scene"usal niya sabay kalas nang yakap at pahid nang luha
kita ko sa mga mata niya ang takot, sakit, at lungkot ganyan din ang nararamdaman ko, pero dahan dahan itong nawala dahil kay Kaye at sa mga malalapit sakin
pilit nilang pinapamukha sakin na hindi dapat ganun ang nararamdaman ko napangiti ako kay Vanellope at humawak sa dalawa niyang kamay
"wag kang matakot na makita ang hinaharap, You have that ability on purpose"usal ko
napatingin siya sakin tas nagsitulo na naman ang luha niya
"ayaw kong makasakit Xia, dahil nakikita ko ang hinaharap, marami ang nagtatanong sakin kong ano ang magiging buhay nila, ayaw kong sabihin na may masamang mangyayari sa kanila"mahaba niyang litanya pinahid ko ang mga luha niya tas niyakap siya
"di mo na kasalanan kong anong mangyayari sa kanila, at least aware sila and maybe they can do something to prevent it diba"usal ko habang hagod hagod ang likod niya
kumalas ulit kami sa yakapan habang siya nakayuko lang
"A very special friend to me always says when i am afraid, FACE IT, FACE IT WITH ME, ngayon sayo ko naman sasabihin to, Face it Vanellope face it with me"nakangiti kong saad sa kanya
mas lalong tumulo ang mga luha
"Xia"naiiyak niyang sambit panay ako sa pag pahid nang luha niya
"it's ok Van, lahat tayo nakakaramdam nang takot, we just need to face it"usal ko
tumigil siya sa pag iyak, tas kasabay nun na dumating si Kaye
ang bilis naman nila
siya lang mag isa nakatingin siya sa deriksyon namin tas isang ngiti ang sumilay sa labi niya
"Kayong dalawa, nag uusap kayo nang hindi ako kasali"usal niya na tila nang aasar
humagikik lang ako nang tawa nakalapit na siya samin tas tumingin siya kay Vanellope
"Xia was once like you, iyakin"natatawa niyang saad
napatingin naman ako sa kanya nang masama
"Alam mo bang ang isang matibay na pagkakaibigan nagsimula sa iyakan"nakangiti niyang saad
habang si Vanellope di siya makapaniwala na kinakausap siya ni kaye
"ako ang kinakausap mo diba"usal niya tumango lang si Kaye sabay tingin sakin
"kyahhhhhh, sabi ko na mabait ka eh"usal niya sabay yakap kay Kaye
ako lang kasi kinakausap ni kaye, kahit na katabi ko si Vanellope di niya pinapansin
"so what's the problem"tanong ni kaye
kumalas naman sa yakap si Vanellope tas humawak sa braso ko na tila nangigilgil
gigil sa saya hahaha
ang sarap sa pakiramdam kapag yung ina akala mong wala nang pag asa na maging kaibigan mo ay kinakausap ka
"alam mo bang yung linya mo ginamit ko para mapagaan ang loob niya"natatawa kong saad pati siya natawa habang si Vanellope nakatingin lang samin
"like what?"natatawa niyang tanong
"FACE IT WITH ME, HAHAHA"usal ko
nakaramdam naman ako nang kirot sa gilid dahil kinurot ako ni Vanellope
"siya pala yung sinabi mong special friend haha halata naman"usal niya
"Vanellope right? If you have a problem, Face it with us"usal ni Kaye na kinangiti ni Vanellope
"bukambibig ka ni Xia, madaldal ka daw"usal niya kaya napaiwas ako nang tingin vey bad kaye, harap harapan talaga
"kaye naman"usal ko napatawa naman siya
nagtawanan kaming tatlo sa tingin ko, mas magiging close ko pa si Vanellope along with Kaye
END OF FLASHBACK
nakaupo ulit ako sa damuhan at tanaw ang bituin
napagdesisyunan kong, ako na mismo ang kikilos para malaman kong anong dahilan
sa likod nang mga sigaw na naririnig ko gabi gabi tumayo ako at nilibot ko ang tingin
pansin ko ang isang nilalang na nakasuot nang itim na damit
umakayat siya isang hagdanan papunta ata yun sa roof top,kaya sinundan ko
pangalawang gabi na walang sumita sakin
asan na kaya ang estrangherong yun
nakarating ako sa rooftop, tas kita ko ang isang lalaki na nasa edge at parang
magpapakamatay ba siya?
Medyo mataas ang building na to pero for sure hindi siya mamatay siguro ma injured lang
akma siya tatalon, kaya agad akong tumakbo at hinawakan ang damit niya tas hinila
"Tokmol ka! Sayang buhay mo woy"usal ko
"putik!"asik niya
napatigil ako nang marinig ang bosses niya
"Kieffer?"gulat na tanong ko tumayo siya tas humarap sakin
"bakit moko pinigilan"asik niya
seryoso siya gustong magpakamatay?
Parang hirap paniwalaan
"di naman nakakamatay ang pagtalon eh, ma injured ka lang"usal ko
napasama naman ang awra niya
yeah sa mga katulad niya na maharlika, malakas ang pangangatawan nila
"tsk paki mo"sungit nitong saad
napa irap naman ako
meron pala siyang dinadala na problema pero di naman halata eh
"of course i do care, your a prince i'm a commoner, and a commoner like me looking forward to a prince that bring the brighter future of the city"mahaba kong paliwanag sa kanya
umismid lang siya tas tumingin sakin
"hindi ka nagmula sa kaharian ko, nagmula ka sa kaharian ni Shaira"usal niya
yeah our city was ruled by the parents of princess Shaira
"ok, i still do care, i trusted you, kaya i care"usal ko
napatingin naman siya sakin tas umupo at tumingin sa malayo
"diba sabi ko wag kang magtitiwala nang kong sino"usal niya
"tsk, wala ka na dun"usal ko sabay tabi sa pag upo niya
titig lang ako sa kanya di talaga ako makapaniwala na nawalan na siya nang gana sa buhay
"tingin tingin mo"tanong niya nag iwas lang ako nang tingin
"ako na pinagkaitan nang kalayaan,napasok sa impyernong paaralan, muntikan nang magahasa di nga nagtangkang mag pakamatay"wala sa sarili kong sambit
napatingin naman siya sakin na nakakunot ang noo
"My point is, pagkitil sa sariling buhay is not the solution, ano bang problema mo?"mahina kong tanong
di lang siya umimik tas humiga at titig sa kawalan
"i don't know, parang wala lang ako sa sarili"mahina niyang saad napakunot naman ang noo ko tas binatukan siya
"gago ka pala eh"asik ko tumawa naman siya sabay titig sakin
"Thank you"sambit niya
ano daw? T
hank you kasi tinawag ko siyang gago?
Hahahaha baliw!
"thank you for saving me"usal niya napaiwas ako nang tingin at ngumit din
"bakit ka nag lalakad nang mag isa! Di ka parin ba nadadala sa nangyari sayo?"inis na tanong niya sabay bangon
di lang ako umimik dahil pipigilan niya ako for sure kapag sinabi ko
"ihahatid kita, tara na"usal niya sabay tayo nagulat ako nang may biglang umilaw sa harap namin tas isang card ang lumutang
"Shard?"taka niyang sambit
akma niya itong hawakan pero tumatagos lang ang kamay niya
hinawakan ko ito, nakuha ko naman
"ano to?"tanong ko
"card that can summon a Guardian, at para sayo yan"usal niya
"MOONSHARD"basa ko dito kagaya nung nakita ko sa hukay, pero iba ang pangalan
"guardian?"tanong ko ngumiti naman siya tas ginulo ang buhok ko
"a guardian, palagi mong kasa kasama, it can protect you too, magagamit mo yan araw araw, kailangan mo lang pumunta sa Summoner shop"usal niya
napanganga naman ako dahil sa sinambit niya
"you earn a shard, hindi yan mabibili, kusang ibibigay sayo yan"usal niya tas humawak sa kamay ko at hinila ako
"ihahatid na kita, gabi na"usal niya hinayaan ko lang siya na hilahin ako
ang kamay niya pero
hindi naman ganun ang kamay nung estranghero
malabong siya yun
"naisip ko na Air ang ability mo tas magpapakamatay ka"saad ko habang nag lalakad kami
hawak niya parin ang kamay ko
"anong Connect Xia?"tanong niya napahagikik naman ako nang tawa
"Air gave Life, wonder why the manipulator of that ability lost hope to live"sambit ko
napatigil siya sa paglakad at humarap sakin, tas nagbuntong hininga
"just forget about it Xia"mahina niyang saad
napahawak ako sa kanya nang mahigpit nang nakarinig kami nang sigaw
"You can't Hide younglady"usal nito na may malademonyong tono
this is it!
I want to know, i want to see
bakit marami ang humihingi nang tulong
"We better go Xia"usal ni Kieffer tas hinila ako pero nag matigas ako
"you go, i have something to do"usal ko at akmang aalis
pero natigil rin nakatayo ang isang lalaki na medyo may kalakihan ang pangangatawan
nakasuot siya nang Itim na damit, gaya nung unang mga lalaki na nagtangakang humawak sakin
that was my first day
"s**t!"sambit ni Kieffer