Wick PoV
muntikan na si Xia kanina langya may pa tangal tangal pa nang butones
kong wala lang ang mga kaklase namin nako nasapak ko na yun
kababae ginawa yun!
Pero buti nalang at di nagwala kapangyarihan niya kanina
nako kong nagkataon wala na yung cafeteria
"Hoy ano iniisip mo"tanong ni Denvher
kasalukuyan kaming nag lalakad papunta sa War field Game war ang subject namin ngayon
"si Xia"mahinang saad ko napabuntong hininga naman siya at inakbayan ako
"walang mangyayari sa kanya, let's just trust her Extincts"saad niya kaya napatawa na lamang ako
"usapang magkapatid?"sarkastikong sambit ni mam
kaya napatigil kami sa pagtawa habang ang mga tokmol kong kaklase nakabungisngis
pansin ko si Xia na nakatingin sa malayo ano kayang iniisip nito?
"yes mam wanna join?"balik naman ni Denvher kaya mas lalong napatawa ang lahat
pati ako napatawa actually yung history teacher lang talaga namin ang di namin kayang sagut sagotin
pero kanina si Xia nasagot niya iba kasi ang gurong yun baka kinaumagahan pinaglalamayan na kami kapag sinagot namin yun
"stop it, procced now"usal ni mam sabay turo sa War Field
merong dalawang Flag ang naka turok sa lupa Blue and Orange
pag pasok namin dun agad kaming nag kumpol kumpol para marinig ang sasabihin ni mam
di naman dapat kailangan kasi alam na namin pero may magbabago daw sa rules
"paunahan sa pag kuha nang flag, may mag babantay at may aatake kuha"usal ni mam
napasama naman ang awra ko anong bago dun?
Eh yun naman lagi!
"ang bago is wag niyong gamitin ang kapangyarihan niyo, HAND TO HAND"usal niya kanya kanya kaming reklamo dito dahilan para ma asar si mam
"shut up! Kong ayaw niyo madali akong kausap, RANK DOWN" asik ni mam
napatawa naman kami
as if kaya niyang gawin yun
napatingin ako kay Xia na parang wala sa sarili siniko ko si Denvher kaya napatingin siya
"what?"inis na tanong nito tiningnan ko lang si Xia kaya napatingin din siya
"Xia are you ok?"tanong niya kaya napatingin ang lahat kay Xia
umiling lang siya kaya napakunot ang noo ko
yan ang gusto ko sa kanya kong ano ang nararamdaman hindi nag sisinungaling
"What's the problem Lucky one?"tanong ni Mam
"it's my first time, na sasali sa ganito"nakayuko niyang saad lumapit si mam sa kanya na may ngiti
"then good"saad nito kaya napairap si Xia
uma andar na naman ang pagka suplada niya haha
"alright let's start"saad ni mam
napatingin kami sa screen, andun ang mga picture namin tas nag spin ito yun ang mamimili kong sino ang leader
"Erick and Nathan"saad ni mam kaya nagkatinginan kami sa isa't isa mukang magandang leader ang napili
"ok leaders, pick your comrades"usal ni mam
pagkatapos nang ilang minuto na pag pili ay natapos rin
Orange team
-Erick Cunningham
-ako
-Denvher Dawson
-Xia Crichton
-Harold Ruiz
-Michael Walter
-Jayson Villaronte
-sean Escoberde
-Luke Carter
Blue team
-Nathan Hernandez
-Floyd Machary
-Cole Graudenz
-Davis Crane
-Digby Hadow
-Lester Pickket
-Liam Herrera
-Jack Horatia
yan ang members sa bawat grupo
"mam unfair, kulang kami nang isang myembro"usal ni Nathan napaisip naman si Mam tas tumingin kay Xia
"alright new routine, Lucky one will hold the one flags, paunahan kong sino ang makakuha, Xia takbo ka hanggang kaya mo, ingatan mo ang flag dapat hindi nila makuha"usal ni mam
napatingin naman si Xia tas tumango
"para hindi masyadong mabigat sa Lucky one, kong sino ang makakarami nang knock out ay may puntos sakin"dag dag ni mam
naghiyawan naman kami dahil puntos na ang pag uusapan
nag iipon kami nang puntos para makabili nang mga gamit na gusto namin
merong mga gamit dito na kami ang bibili at hindi libre nang academy
marami na akong nabili pero dahil tao lang minsan nawalan nang contentment sa buhay
ang pera sa labas ay hindi pareha sa pera dito maaring i convert sa pera nang labas
mga hari ang nagtalaga nang batas na yan
Xia PoV
ano daw knock out? Ano naman yun
"anong knock out pinagsasabi ni mam?"tanong ko kay Harold
"ibig sabihin kong sino ang mas maraming nakapalabas sa WarField illusion ay mabibigyan nang puntos na maaring ma convert sa pera" mahaba niyang
litanya pera? Kala ko ba libre dito?
Mmm mukang marami pa akong dapat malaman
binigay sakin ni Mam ang Flag
napalunok ako nang laway dahil naiipit ako sa dalawang grupo
ang kailangan ko lang ay protektahan ang Flag mula sa kanila
mukang mabigat nga ang role ko putik
"Xia you go first, Hide and don't let them have the flag"saad niya
tumango ako at pumasok sa Warfeild Illusion naghahanap ako nang mapagtataguan
kakaiba ang warfield na to kung titingnan ang paligid parang nasa isang bayan ka na walang ka tao tao mga sirang instruktura at nakakatakot na mga tunog sa paligid
napatingala ako sa taas dahil sa napakataas na building sa harap ko
pede na rin!
Agad akong pumasok at pinilit na maka akyat dun
"War game Begins you only have 2 hours make it count"rinig kong saad galing sa speaker
nakasuot kami ngayon nang PE uniform kulay Asul na pants tas kulay Asul na may halong puti na jacket
andito ako sa pang sampong palapag masyado kasi tong mataas
napatingin ako sa baba andun sila nag bakabakan dito lang ako maghihintay kong sino mag hahanap
umupo ako sa isang mesa at dumudungaw sa baba medyo mataas ang kinaroroonan ko kaya hindi masyadong malinaw ang sa baba
dapat dito lang ako, sila ang aantayin ko tas takas kapag dumating sila
humihiga pa ako sa mesa at dinama ang hangin
kong ganitong routine lang ang gagawin hindi na masyadong Bored sa duel
ano kayang magaganap sa Duel? Mas nakaka curios ang enchanting
nakarinig ako nang kalabog sa may hagdanan mukang malapit na sila
"bilisan niyo para masaya"mahina kong sambit
napatingin ako malapit sa hagdanan bumungad sakin si Nathan at Erick na nag hahabol hinga na puno nang pasa
tama magkalaban sila
"give me the Flag!"sabay nilang sabi
nagkatinginan silang dalawa at nagsalitan nang sapak
bawal nga pala gamitin ang ability hindi sila pedeng mandaya dahil may suot silang singsing
sabi ni mam kapag suot ang sing sing na yun di sila makakagamit nang kapangyarihan
meron din naman aking kaya mahirap tumakbo habang nag aaway sila palihim akong bumaba nang hagdan
"san ka pupunta!"asik nilang dalawa sabay talon papunta sakin kaya kumaripas na ako nang takbo
pag baba ko sa siyam na palapag nandun si Kuya wick at si Liam sabay silang napatingin sakin
para sigurado tinali ko ang flag sa katawan ko nang napakahigpit
HAHAHA
nahirapan pa nga akong huminga eh, tas sinara ko ang jacket ko kaya ayun natakpan
SAFE
agad akong bumaba kaso bumungad sakin si Harold na tumilapon galing sa pang walong palapag
"nako naman!"inis na saad ko napatingin siya sakin na nag hahabol hininga
"kaya mo pa?"tanong ko tumango lang siya at tumayo
"Bumalik ka dito!"asik ni Nathan sabay habol sakin
agad akong dumaan sa harap ni Harold at sinapak siya sa mukha
"sorryy!"sambit ko at patalon na bumba
"f**k!"rinig kong asik niya sumunod si Nathan at sinikmuraan naman siya
"Tang ina niyo!"singhal niya kaya napahagikik ako nang tawa napahinto ako nang humarang si Kuya denvher
"give me the Flag"sambit niya napatingin ako sa likuran andun din si Nathan
san ako tatakbo?
"nasa taas ang flag!"saad ko sabay takbo papunta kay kuya Denvher tas sinapak siya sa mukha
nakailag siya kaya tumakbo na ako pababa
sumunod naman ang dalawa tas wala na akong matakbuhan kasi may nakaharang din na dalawa pa
napahinto ako sa gitna bumaba naman sila at ngayon ay napagitnaan nila ako
sandwich ganun
sa kabila sina Nathan,Erick,kuya wick,kuya denvher
wala na ang dalawa mukang knockout na
sa kabila naman ay member ni Nathan tatlo sila na naka harang
nagharap sina Nathan at Erick tas sabay na tumakbo papunta sakin
"Ang akin ay Akin!"sambit ko at inatake silang dalawa
sinipa ko si Erick sa tyan tas sinapak ko sa mukha si Nthan
silang dalawa dapat ang magkalaban eh
"damn it!"
"letche!" asik nilang dalawa
sabay sabay na umatake sakin ang lahat kaya napa talon ako sa taas
kaya ang resulta ayun nag rambol sila napad pad ako malapit sa binatana
napatigil sila sa paglalaban at tumingin sakin
"don't!"sabay nilang sabi
haha alam pala nila ang balak ko tatalon lang naman mula sa Pitong palapag
wonder kong anong mangyayari sakin
"why?"inosente kong tanong
"Xia don't do it!"saad ni kuya Wick na may tono nang pagbabanta
"just fight i won't jump"nanlaki naman ang mga mata nila na nakatitig sakin
"no? Ok fine"saad ko na may nakakalokong ngisi at akmang tatalon
nang sapakan sila kaya napahinto ako ilang minuto na lang ang kailangan, mabilis din ang oras langya
sa ilang minuto nilang bakbakan si Erick, Nathan at Kuya Denvher ang natira
natanggal si Kuya wick? Sayang!
"two versus one"nakangisi kong saad malakas din tong Nathan
"10"
"9"
countdown simbolo na patapos na salamat naman at wala kong galos
"5"
"4"
napatingin ako sa baba paano kong itutuloy ko ang pagtalon total patapos na
"2"
"1"
pagdating sa one agad akong tumalon
nagulat ako nang di parin ako nahulog
"Kainis ka!"asik ni kuya denvher na hawak hawak ang kamay ko
napakurap ako nang ilang segundo hinila niya ako pataas at niyakap
eh? "ok lang naman ako"usal ko,
nag hahabol hininga siya kasama si Erick at Nathan
nagulat ako nang nag iba ang paligid tas nasa ground lang pala kami
nakasobsob parin ako sa dibdib ni Kuya Denvher
dama ko ang bilis nang t***k nang puso niya
nakakamatay ba yun?
"hoy Denvher ikaw ah dumadamoves ka kay Xia"panunukso ni Harold sabay lapit samin
ano daw?
napabitaw siya sa pagkakayakap at tiningnan ang kabuan ko
"ang pagtalon sa isang lugar na gawa sa Illusion ay nakakamatay Gaga"usal niya sabay gulo nang buhok ko
napatingin ako sa kanya, dahan dahang nawala ang mga pasa niya ganun din kina Erick at Nathan
"Job well done lucky one and also the whole section"saad ni mam sabay palakpak
"asan ba kasi ang Flag di niya naman hawak"inis na saad ni Nathan kaya
napahagikik ako nang tawa hinubad ko ang jacket ko tas ayun kita nila ang Flag
kanya kanya silang reklamo pero di ko nalang pinansin
"nakarami nang knockout ay si Wick"saad ni mam kaya napapalakpak ako
natangal nga siya pero siya naman ang nakarami nang knockout
"lagi nalang"nakabusangot na saad
nang ilan
lagi? Talaga lang huh
"di kaba nasaktan sa laro?"tanong ni Kuya Denvher napatawa naman ako sa tanong niya
"HAHAHA HINDI SI HAROLD NA SAPAK KO KANINA"natatawa kong saad
napatingin naman siya nang masama sakin at kay Nathan
"magaling ka pala pagdating sa takbuhan"usal naman ni Nathan
tumango lang ako na may ngiti sa labi
busy sila sa daldalan kaya nagkaroon ako nang tyempo para tumakas sa kanila
ayaw nilang humiwalay ako sa kanila, nakakabadtrip
may Duel pa mamaya andito ako sa may locker area
hala may locker?
Bakit ako walang ganyan? Ang unfair naman!
"owss hi Lucky one!"rinig kong saad galing sa likuran ko
napatingin ako sa kanila, mula sa emerald category mga lalaki din lahat walang babae
"pasalamat ka at hindi ka napunta samin, kong samin ka nako talagang kawawa ka"daldal nang isa
napakunot naman ang noo ko at tumingin sa likuran ko wala namang tao
"sino ba kinakausap mo?"pang iinsulto ko sa kanya
"ikaw sino pa ba?"balik niya, napahagikik ako nang tawa dahilan para uminit ang ulo niya
"makikita natin ang galing mo mamaya"saad niya sabay hagis sakin nang kulay green na card
"ano namang gagawin ko dito?"tanong ko
"tsk kainin mo"pamimilosopo niya sakin
"5M, sa inyo na yan kapag natalo kami, kita kits sa venue"nakangisi nitong saad at nilagpasan ako
napa ayos ako sa eye glass ko at tinitigan ang Green card
anong gagawin ko dito?
Nakasulat sa Card 5M,building2 floor2, 8pm
hindi ko maintindihan!
Tinago ko na lamang siya para di makita nang iba
pagdating ko sa room walang tao
asan sila? Baka sa duel room, san naman yun? Bagong salta pa nga ako dito eh
"san kaba galing, diba ang sabi wag kang lalayo samin"galit na saad ni Kuya wick
hinila niya ako kaya hinayaan ko lang