Timothy POV. Parang gusto kong i-untog ang ulo ko nang makapasok sa sasakyan ko. Gusto kong i-surprise si Aratiles kaya pagkagaling ko sa airport ay diretso ako sa opisina niya. Pinapauwi ko ang company driver na siyang nagdadala ng sasakyan ko sa airport. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko namalayan na makatulog ako pagdating ko sa opisina ni Aratiles. Nakapag taka nga na sa mga oras na ito ay wala pa siya. Nagising na lang ako sa sigaw ni Aratiles. Noong una ay clueless ako sa nangyari kaya ng napagtanto ko ay nagpapaliwanag sana ako ngunit mas nagulat ako na may batang kasama si Aratiles at ang mas worst ay 'Mommy' ang tawag nito sa huli. Nagalit ako sa kanya hindi dahil may anak siya kondi dahil sa pagsisinungaling niya. Ilang beses kaming magkasama ngunit hindi man lang niya nagawang

