Aratiles Valencia Busy ako sa opisina ng biglang kumakatok si Rica, ang secretary ko. “Miss Ara, nasa labas po si Miss Stella,” imporma niya sa akin. “What do she want?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. “Gusto ka daw po niyang kausapin,” sagot naman ni Rica. “Alright, let her in,” sagot ko sa kanya. “Okay po,” sagot naman ni Rica at lumabas na. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan si Zari. “Yes, friend?” bati niya sa kabilang linya. “Come to my office now,” utos ko sa kanya. “But, why?” tanong niya. “Just come. We have unexpected visitor,” sagot ko sa kanya. “Okay,” sagot nito at ibinaba ng tawag. Saktong pagbaba ko ng telepono ay s'yang pagpasok ni Stella sa loob. As usual, sophisticated itong tingnan sa pananamit niya. Ang fierce ding tingnan ng

