Aratiles POV. Maaga akong pumunta sa opisina ko. Nakalimutan kong may maaga akong meeting with the investors. Medyo masakit ang ulo ko, gawa ang may hang-over pa ako. f**k that tequila konti lang naman ang ininom ko pero parang biniyak ang ulo ko sa sakit. Ayaw ko pa sanang bumangon ngunit kumpanya ang nakasalalay dito. Nagpahatid na lang ako kay Mang Ferdie dahil wala ang kotse ko. Sinabihan ko si Yaya Erly na mag-taxi na lang kung di pa makauwi agad si mang Ferdie mula sa paghatid sa akin, minsan kasi kahit maaga pa ay traffic na sa daan. Kagigising lang ni Andie ng umalis ako. Pagdating sa kumpanya ay may iilan ng mga empleyado ang pumapasok. Ang iba ay nagsiyukuan ng madaanan ko. Habang ang iba ay binabati ako. “Good morning, Miss Ara,” bati nila sa akin. Hindi na ako gumanti ng

