Nagising akong hindi ko maigalaw ang katawan ko, kaya inilibot ko rin ang mata ko sa paligid, nasaan ako bakit nandito ako sa gitna ng swimming pool at nakatali ang paa at kamay ko. Nakaupo rin ako sa upuan na hanggang tuhod ang tubig. "Ooohh.. gising na pala ang reyna ni Harris Martin," rinig kong sabi ng lalaking na kilala ko. Kaya tumingin ako rito. "Ano pa bang kailangan mo sa akin, Darwin?" galit na tanong dito. "Malaki ang kasalanan sa akin ng hayop na si Martin ang gagong Mafia lord na iyon. Kung hindi siguro ako nakatakas sa hayop na iyon, malaman ay patay na siguro ako at pinaglalamayan na. Mabuti na lamang nag mga bagong tauhan ng hayop na iyon ang nagdala sa akin sa bartolina at hindi si Andy, dahil gago rin iyon, mana sa among demonyo! Kaya naman maniningil ako sa kanya.

