Chapter 4

2103 Words
Chapter 4: “Can We Be Friends?”   PINILIT ni Mira na mag-focus sa pakikinig sa kanilang guro pero hindi mawala-wala ang kakaibang nararamdaman niya sa kanyang puso. She doesn’t want to feel that way because she thinks that she doesn’t deserve to be happy. Natigil ang pag-iisip niya nang bigla ay magpaalam na ang kanilang guro sa buong klase. Tanda na tapos na ang pagtuturo nito ng mga oras na iyon. “Okay, class. See you again tomorrow,” ani ni Ms. Lesly bago ito lumabas ng kanilang classroom. Hindi na niya namalayan na tapos na pala ang pagdi-discuss nito dahil sa kakaisip niya. Bigla namang umingay ang kaninang tahimik na paligid pagkaalis ng kanilang guro. Kanya-kanya ang pag-uusap ng mga kaklase niya. Some of them go to where December is, to talk with him. Maya-maya ay dumating na ang pangalawa nilang guro para sa next subject nila kaya naman bumalik na rin sa kanilang upuan ang kaninang mga nakapalibot sa lalaki. She does not bother to look at the guy beside her and stays quiet as she is in her seat. Inalis na niya sa kanyang isipan ang lalaki at pinili nang makinig sa nagsasalita sa kanilang harapan. She manages to not think about December for a while not until she receives another piece of paper from him. Are you still feeling nervous? Napakagat si Mira ng kanyang ibabang labi nang mabasa ang mga salitang nakasulat doon. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang concern nito sa kanya. As she observed earlier, December is a guy who is too kind to help other people. That’s why everyone is so fond of him. Also, he seems like a reliable one. She admires him for that, but she thinks that she doesn’t deserve to be paid any attention or be taken care of by him. For her, it’s already enough that he saved her from jumping off the hospital building before. He doesn’t need to continue being concern like this to her. Hindi siya bumaling sa lalaki dahil nararamdaman niya ang mga mata nitong nakatingin sa kanya na tila ba hinihintay ang magiging reaksiyon niya o ang sagot niya sa tanong nito. Kinuha niya ang papel na iyon at inilagay sa ilalim ng kanyang desk. Umayos siya ng upo at tumingin sa harapan. Pinili na lang niya na ituon ang atensiyon sa kanilang guro. Hindi na niya sinagot pa ang note ni December dahil ayaw niya na maging close rito o kaninuman. Hindi iyon kasama sa desisyon niya na bumalik na sa kanyang pag-aaral. As her best friend told her to live in the note she left before she died for her, Mira decided to continue her life. Sapat na sa kanya na makita si December muli at makapag-thank you sa pagsagip nito sa kanya. Kahit pa sa kabilang banda ay natutuwa siya sa pagiging friendly ng lalaki. Natatakot si Mira na baka magustuhan na ng puso niya ang nararamdaman niyang saya nang makita at makausap muli ang lalaki. Natatakot siya na baka kapag hinayaan niya na pumasok ito sa kanyang buhay ay makalimutan niya na hindi siya dapat maging masaya. She will live a sorrowful life not until she forgives herself. She’s still afraid to be close to someone again, only to lose that someone in the end. She can’t afford that. --- LAST subject na nila para sa umagang iyon at mag-lunchbreak na sila pero wala roon ang isip ni Cem. He is busy thinking about the aloof and quiet girl beside her. Hindi kasi nito sinagot ang huling note niya kaya naman nabagabag siya nang lubusan. It makes him think that he makes her feel uncomfortable for being too friendly. Honestly, he was shocked to see the girl, who was ready to die in the hospital building where he was confined a year ago, in their school earlier. He didn’t expect their paths to cross again, but he hoped that she would be okay after their unexpected encounter. She looks better now than their first meeting. Nang makita kasi niya ang babae noon ay halatang-halata rito ang pagkawalan ng pag-asa na mabuhay. He saw in her eyes that she was decided to take her life just like he was before. But he’s happy to know that she didn’t.  She looks okay now, but it’s obvious that she’s nervous around many people kaya naman he approached her and tried to look friendly as he can. Ayaw niya na lalo itong kabahan. Napabuntong-hinga si Cem nang marinig ang bell, tanda na oras na para sa lunchbreak nila. Hindi pa rin kasi niya alam ang gagawin para kausapin muli si Miracle. Ang ibang mga kaklase nila ay nagtayuan na para pumunta sa cafeteria pero siya ay nananatiling nakaupo lang roon. Kinuha niya ang kanyang notebook at muling pumilas ng isang pirasong papel sa likuran noon. I’m sorry if I make you uncomfortable. Iyon ang isinulat niya sa papel pero bago pa man niya maibigay ang note sa katabing babae ay napaligiran na siya ng mga kaibigan niya. Nag-aaya na ang mga ito sa kanya na pumunta na sila sa cafeteria ng school. “Let’s go, Cem. Baka mapuno na ang cafeteria,” aya ni JR. “Oo nga. Baka maubusan pa tayo ng upuan doon,” dugtong naman ni Steven. “Tara na, nagugutom na ako,” daing ni Angge. Si JR at Steven ay kasama niya sa basketball club kaya naman naging close silang tatlo. Habang si Angge naman ay nakilala rin nila dahil katulad nila ay part din ito ng isang sports club, sa volleyball club naman nabibilang ang babae. Napatingin si Cem kay Mira na nasa kanyang kaliwa. Hindi pa rin ito tumatayo mula roon. Inisiip niya kung aayain ba niya ito na sumama sa kanila o hindi na lang dahil halata naman na ayaw nito na makausap siya. Tiyak na mahihiya rin ito dahil hindi pa naman niya kilala ang mga kasama niya. Kahit nga sila ay hindi pa rin naman magkakilala talaga. It’s just their second meeting after all. “Cem! Ano pa ang hinihintay mo?” tanong ni Angge nang hindi siya gumalaw sa kanyang kianuupuan. Ang tatlo pala ay nasa may pintuan na at naghihintay na sa kanya. Kinuha niya ang papel na kanyang sinulatan at nilukot iyon saka inilagay sa ilalim ng desk niya. Tumayo na siya sa kanyang upuan at saka naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan. He turned to glance at her before they leave. Miracle… will you be okay alone? --- “BAKIT ang tahimik mo, Cem?” si Angge. Umiling siya. “Wala naman.” “Nga pala, pre. Kilala mo iyong bago nating classmate? Si… Si Miracle nga ba iyon?” tanong ni JR. “Oo, Miracle nga. Ang ganda ng name niya, ano? Himala. Parang ganito, ‘Himala! Kasalanan ba’ng humingi ako sa langit ng isang himala~” biro ni Steven na pinilit kantahin ang song na iyon ni Bamboo kahit na hindi naman maganda ang boses nito. “Nakatatawa iyon, Steven? Last mo na iyan, ah,” asar ni Angge. Nagkatawan naman ang tatlo at siya ay napailing lang. “Paano pala kayo nagkakilala, Cem?” tanong ulit ni JR. “Hindi ko siya kilala pero we met a year ago.” “Oh. Parang mala-Dreame lang ang kuwento ninyo, ah. Iyong makalipas ang ilang taon ay muling nagkita,” ani ni Angge. Nag-uumpisa na silang kumain pero hindi pa rin matanggal sa isipan ni Cem si Miracle. Nag-aalala siya kung kumain na ba ito dahil kanina pa siya tumitingin sa paligid ng cafeteria kung nasaan sila naroon pero hindi niya nakita ang babae na bumili ng pagkain nito. Siguro naman ay may baon siyang food? Napatangu-tango siya. Siguro nga ay nagbaon na lang ito ng lunchbox at doon na lang kakain sa classroom nila. Pero tiyak na mag-isa lang siya roon dahil most of their classmates are here in the cafeteria para dito kumain. Wala siyang kasama roon, saad ng kanyang utak. “Huy, Cem! Ayaw mo ba nito?” tanong ni Angge sabay turo sa ulam niya na hindi man lang niya nagalaw. Sa halip na sumagot sa kaibigan ay tumayo siya bigla sa kanyang pagkakaupo. “Oh, bakit? Nakagugulat ka naman, pre,” si Steven na nasa kanyang tabi. “Mauna na ako sa inyo sa classroom,” paalam niya sa tatlo. “Ha? Bakit?” tanong naman ni Angge. “You can have this, Angge. Salamat,” tugon niya rito. “Hintayin ko na lang kayo roon, ha? May nakalimutan lang ako na dapat gawin.” “Okay, sige,” sagot ni JR. Nagmamadali siyang tumakbo pabalik sa classroom nila nang makapagpaalam na sa tatlo. Hingal na hingal siya nang makarating doon at pagbukas niya ng pinto ay agad niyang ibinaling ang kanyang mga tingin sa kinauupuan ng babae. As expected, she was there sitting alone. She had her lunchbox above her desk and eating quietly while looking outside the window. Hindi ata napansin nito ang pagdating niya dahil mukhang occupied ang isip nito. Gusto man niyang lapitan ang babae at samahan ito roon ay pinigilan niya ang kanyang sarili. Baka hindi pa nito matapos ang kinakain kung lalapitan niya ito agad kaya naman lumabas na lang siyang muli at isinara ng dahan-dahan ang pinto. Sumandal siya roon. He plans to stay outside until the girl finished her food. That way, he won’t feel guilty about leaving her alone like that earlier. It’s not a big deal to him to wait for a couple of minutes while standing there. Dapat ay inaya na niya na sumama sa kanilang kumain sa cafeteria kahit na i-reject pa siya nito pero naunahan siya ng kaba. Nang sa tingin ni Cem ay tapos nang kumain ang babae sa loob ng classroom ay napagpasiyahan na niyang pumasok doon. Napalingon naman si Miracle sa kanya nang buksan niya ang pinto. Agad nitong inilayo ang mga tingin mula sa kanya na halatang iniiwasan siya. Huminga muna siya nang malalim bago naglakad papunta sa kinaroroonan ng upuan niya kung nasaan din nakaupo ang babae. Hindi muna siya nagsalita for a minute hanggang sa humarap na siya rito. “I’m sorry for making you uncomfortable,” paghingi nang paumahin ni Cem kay Miracle na nanatiling nakayuko sa kanyang tabi. “Hindi ko naman sinasadya na ma-awkward-an ka. Natutuwa lang ako na makita kita rito,” dugtong niya pero hindi pa rin ito sumasagot. “Hmm… sorry talaga. Kung ayaw mo nang kausapin kita ay okay lang. Naiitindihan ko naman dahil naging feeling close ako. I-I’m really sorry.” Tumayo na siya sa pagkakaupo nang walang makuha na sagot sa babae at nag-decide na umalis na lang doon dahil hiyang-hiya siya. Gusto siguro nito ang mapag-isa pero heto siya’t ini-invade ang space nito. Hindi pa man siya nakalalayo ay nagsalita si Miracle na kanyang ikinagulat. “S-Sorry din,” ani nito na lumakad palapit sa kinatatayuan niya sabay abot ng isang note sa kanya. Iyon ang papel na ibinigay niya rito kanina na hindi nito sinagot. I’m sorry. Hindi kasi ako sanay nang may kumakausap sa aking iba. Hindi rin ako sanay sa maraming tao. Matagal na rin no’ng huli akong pumasok sa school kaya siguro kinakabahan ako ng sobra. Hindi mapigilan ni Cem ang mapangiti nang sumagot ang babae sa kanya sa pamamagitan ng note na iyon. Hindi na niya inaasahan na papansinin pa siya nito at lalong hindi niya inaasahan na mag-open ito sa kanya nang nararamdaman nito ng mga sandaling iyon. “It’s okay. It’s okay not to be used to this. Hindi mo kailangang puwersahin ang sarili mo na kausapin ako o kami sa ngayon. We can talk like this if you want hanggang sa makaya mo na ang kausapin ako.” Iniangat niya ang note, tanda na puwede silang mag-usap sa pamamagitan noon. Yumuko lang ang babae at hindi na muling sumagot pa sa kanya. “I hope we can be friends soon, Miracle.” Ngumiti siya sa babae. Umangat ang tingin nito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. He can still see the sadness in her eyes, just like the first time he met her on the rooftop. And somehow, he wants to help her because he can see himself in her—a lost soul like him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD