Lagpas na hating-gabi nang dumating sila Al sa Pitogo. Hindi kasi biro ang daloy ng trapiko noong araw na iyon kaya mas naging mahaba kesa sa karaniwan ang naging biyahe nila. May kalayuan sa kalsada ang bahay na tutuluyan nila. Kaya naman kahit pagod ang katawan sa biyahe ay kinailangan pa nilang maglakad ng labing-limang minuto papunta sa lugar mula sa binabaan nila. Madilim din ang lugar at napapaligiran ng maraming puno. Bagama’t may mga ilang bahay silang nadaanan ay wala ng ni isa sa mga ito ang may bukas na ilaw. Mabuti na lang at may ilaw ang mga cellphone na dala nila Al at Mae at kasalukuyang maliwanag ang sinag ng buwan. Habang naglalakad sila ay napansin nila na ang kaninang bato na daanan ay naging madamo na. Wala na ring ibang mga bahay sa paligid at tanging huni na lang nga

