Blue’s Point of View Iniluwa ito si Propesor Edium. “Bakit gising pa kayo?” ang tanong niya sa amin. “Mas makakabuti kung hindi niya sinasayang ang mga enerhiya niyo sa pakikipagkuwentuhan. Ipapaalala ko lang sa inyo na wala kayo rito para magbakasyon. May nakaambang na digmaan kaya naman kaialngan niyong maging handa. “ “Naiintindihan po namin,” ang tugon naman ni Faust bago napasulyap sa aming direksyon. Kaagad naman kaming nagtungo sa aming mga kama. Napatingin naman sa aking direksyon si Propesor Edium nang makitang mahulog mula sa kama ang itim na kuwaderno. Napatingin naman siya roon. Para naman akong nabato sa aking kinalalagyan nang makitang nakatitig si Propesor Edium sa itim na kuwaderno. Kaagad naman siyang napaisip, makikita niya kaya ang sumpang naroon. Hindi naman nagtaga

