---------- ***Third Person's POV*** - "Anong hindi? Anong hindi ka pwedeng maging abogado namin ng nanay ko?" naiiritang tanong ni Cherry kay Atty. Kendrick Montenegro. Pinatawag nya ito dahil ito ang gusto nyang maging abogado. "Dahil ba kami ng nanay ko yong suspect kaya ayaw mong maging abogado namin.Are you judging us?" "No. I am not, Cherry." sagot nito. "Wala kaming karapatan na manghusga ng suspect without the due process. Kaya lang, hindi talaga ako pwedeng maging abogado mo dahil hindi ako criminal lawyer, isa akong corporate or business lawyer. Hindi ako humahawak ng mga kriminal case. Pasensya na. I hope you can find the right lawyer for you. If you excuse me, may case pa akong pupuntahan." Walang nagawa si Cherry. Kuyom na kuyom ang kamao nya sa galit. Gusto nyang magsusum

