-------- ***Melody's POV*** - Naging madalas ang paglalabas namin bilang pamilya kahit hindi araw ng linggo, tulad nalang ngayon na nag- request si Dexter na ipasyal sya sa Ocean Park, kaya agad- agad na kinansel ni Denver ang lahat ng appointment nya today para mapagbigyan ang anak kahit namasyal na kami nung isang araw. Halos magtatalon sa tuwa si Dexter habang pinagmamasdan ang mga isdang malayang lumalangoy sa tunnel ng Ocean Park. Tuwang- tuwa ang anak ko dahil mahilig ito sa isda. Meron nga itong malaking aquarium sa kwarto nito na may iba't- ibang klase ng isda. Mayamaya lang, naiihi daw si Dexter kaya sinamahan ito ng yaya nito na pumunta sa CR at naiwan kaming dalawa ni Denver. Matiim ang titig ni Denver sa akin, at ewan ko kung bakit ganito nalang nya ako titigan na parang ma

