------ ***Hera's POV**** - "Hello honey!" pinilit kong ngumiti nang humalik si Draeven sa pisngi ko kahit hindi ko nagugustuhan ang ginawa nya. Nasa harapan kasi namin si Alexis, at ayaw kong bigyan ng rason para malungkot ang anak ko. "Flowers for you?" napipilitan din ako na tanggapin ang tatlong roses na dala nya. Saka naman sya bumaling sa anak namin na nasa tabi ko. "Hello baby!" hinalikan din nya ang noo ni Alexis "---and teddy bear for you!" ibinigay din nya kay Alexis ang isang pink na maliit na teddy bear. Tuwang- tuwa naman ang anak si Alexis, dahil mahilig ito sa mga teddy bear. "T- Thank you daddy!" masayang bulalas ni Alexis, saka ito tumayo sa sofa at humalik sa pisngi ng ama. May mga pagkakataon na nagsasalita na si Alexis, lalo na kung masaya ito, mga simpleng salita la

