-------- ***Third Person's POV*** - "Saan ka ba galing mom? Dalawang araw kang wala. Alam mo bang namumublema ako ngayon." naiiritang sabi ni Cherry sa ina, kapapasok lang nito sa bahay nila. Dalawang araw itong wala. Kung kailan kailangan nya ito, saka naman ito umalis at hindi nya alam kung saan ito pumunta. Hindi din nya ito matawagan. Hindi naman sya nag- alala kung may nangyari na masama dito, mas matindi ang problemang kinakaharap nya ngayon. "Relaks, ano bang problema mo?" wala man lamang syang nakitang pagkabahala sa mukha nito. Tila masaya pa nga ito. "Hindi na sa akin ang jewelry shop mom. Hera stop the transaction of the shop, kahapon pa ito close, binayaran lang muna ang mga empleyado bago daw sila ililipat sa ibang kompanya. Kaya hindi na ako makapunta doon, wala na akon

