-------------- ***Hera's POV*** - Kahit masama ang pakiramdam ko, pero gumising pa rin ako ng maaga para maipagluto ng agahan si Draeven. Kahit hindi naman talaga sya nag- aagahan dito sa bahay, kailangan ko pa rin syang pagsilbihan. Nasa bungad na ako ng kusina nang napatigil ako sa paghakbang, nakita ko kasi si Draeven at Cherry sa loob. Nakaupo si Draeven habang ipinaghahanda naman ito ni Cherry ng makakain. Ipinagtimpla ito ni Cherry ng kape, pagkatapos ay inihanda naman ni Cherry ang pagkain nito. Sa mahigit isang taon na nagsama kami ni Draeven bilang mag- asawa, ngayon ko lang sya nakitang kumakain ang agahan. Masakit nga lang isipin na hindi ako ang naghanda para sa kanya na tulad ng inaasahan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung tuluyan akong papasok o aalis nalang ako. N

