Alexy Tan PoV Pagkabalik namin sa dorm naka amoy kami ng mabango kaya sinundan namin 'yung amoy na 'yon naabutan namin sa kusina 'yung tatlo na nagluluto. "Bango ah, ano 'yang niluluto niyo?" Tanong ko. "Oh andyan na pala kayo, may nakita kaming manok sa ref niyo tsaka pineapple tid bits sa cabinet kaya inadobo namin with a twist." natatawang sabi ni Cr. "Nice, 'dipa pa ba luto? Gutom na'ko" sabi ni Arah at umupo na, kaya umupo na din kami ni Yan yan. "Malapit na 'to Ds, sandali nalang ipaghahain kita" sabi ni Zach kay Arah. "Sige Zachy" sabi ni Arah. "Done" sabi ni Jacob at inilagay sa gitna ng mesa 'yung ginawa nila. Nung nakita ko 'yung itsura naglaway ako potek. "Mukhang masarap ah, tikman nga natin" sabi ni Arah na akmang tatayo para kumuha ng plato pero pinigilan siya

