Chapter 8

2545 Words
Charles Raven Torres PoV Kinabukasan matapos naming kumain ng umagahan ay tinawag ako ni Sadi, inilabas niya yung phone niya. Tumingin naman sina Alexy and Rhian doon na sumunod saakin nung tinawag ako ni Sadi at nag lakad kami papuntang cafeteria, tatambay daw muna kami dun. "Let's start" saad ni Sadi, tumango naman yung dalawa at ipinatong ni Sadi yung phone niya sa table namin. Out of curiosity tinignan ko kung anong nasa phone, oww 'yun yung code na sinulat ni Ace. I already knew who killed Ace, I have a solid evidence. But hindi ko muna sasabihin kina Sadi at sa kaibigan niya, because I want to try them kung magaling talaga sila. Sa totoo lang gusto ko nang makulong yung pumatay kay Ace. Oh I mean gusto kong mamatay siya pero alam kong ayaw ni Ace na mangyari yun. "CR (Charles Raven) alam mo ba kung tungkol saan tong nakasulat nato?" tanong ni Alexy na kinakunot ng noo ko. What the fvcking fvck! CR talaga? Ang dami namang pwedeng itawag sakin bakit CR pa? Ang baho naman. "Hindi, and please Alex call me Charles or Raven not CR yakk." saad ko. "Wait, a-anong tinawag mo sakin? Paki ulit nga?!" saad ni Alexy na parang galit? May narinig naman ako na nag salita ng "oh ow." Why? I don't get them. "Ang sabi ko Alex." pag uulit ko at lalo ata siyang nagalit, wala naman akong sinabing masama ahh. "Ahm Ven, tawagin mo nalang siya ng Lexy" saad ni Sadi. "Okay?" Naguguluhang sabi ko nalang, weird. Rhian Dela Cruz PoV Hindi pa na ku kwento ni Lexy kung bakit ayaw niyang tinatawag siyang Alex, ewan ko ba siguro tatanong ko nalang sa susunod na araw. Pero napansin ko yung mukha niyang galit pero yung mata niya puno ng lungkot, ewan ko hindi ako sure. But I really think that there's a story behind the Alex thing. Nag concentrate ako sa code na pinicturan ni Arah. Ilang saglit lang nakuha ko na kung ano yun. Kaya sinabi ko na sakanila. I love codes kaya hindi ako masyadong nahihirapan. I already memorized those. "I know who's the culprit" seryosong sabi ko sakanila, matapos paka suriin yung picture, ilang araw na rin yung crime na nangyari na yon, at ngayon lang namin nakuha ang sagot, plus yung mga nangyari pa saming di naman dapat. "Sino?" Tanong ni Arah. "Who?" Tanong naman ni Lexy. "It's Tifanny, his girlfriend." Sagot ko na parang wala lang sakanila. "I knew it, alam kong siya na pero kailangan ko lang talaga ng sapat na ebidensya." saad ni Arah. "Rhian, call your tito Sammy now," utos sakin ni Lexy. Na tinanguan ko lang. Sabay kuha ng cellphone at tinawagan si tito. "Oh, Rhi napatawag ka?" Saad ni Tito. "I need you right now Tito, we knew who the culprit is." Saad ko. "Okay, ill be there in five, wait for me bye" Sabi ni Tito hindi na'ko nagsalita pa at pinatay na ang tawag. Napansin ko namang nakangiti si Charles, tss parang baliw lang. "Bat nakangiti ka Charles?" Tanong ko. "Actually guys, kaya ako nandito kase alam ko kung sino talaga yung pumatay sa kaibigan ko." saad niya na ikinabigla naming tatlo. So pinahirapan pa niya kami? "Is our conclusions are right, Ven?" tanong sakanya ni Arah. "Yeah, the three of you are right." saad ni Charles. "But, how did you know? Pinahirapan mo pa kami. You can just tell us who fvcking culprit is." Inis na wika ni Lexy sakanya. "Simply, because I was there before the crime. Actually planado yun. Naglagay ako ng maliit camera sa gilid at nakakonekta yun sa cell phone ko. Hindi alam ni Ace na may camera doon dahil gusto niya private yung paguusap nila ni Tiffany kaya hindi ko na pinaalam kasi baka magalit pa siya saakin, at si Ace yung nagsulat sa sahig. Yung time na naguusap kami sa building may napapansin na kaming naka titig samin. Nung pagkaalis nung apat naming kaibigan sinabihan ko si Ace na magsulat ng clue sa sahig, at sakto namang may nakita siyang bato kaya ayun na yung pinangsulat niya, alam niya ding isa akong detective at magaling ako sa clue kaya naturuan ko sila ng kahit konti. Umalis na din ako sa rooftop at nagtago, and I know that Ace knew who's the person hidding." Mahabang paliwanag niya. "And please Lexy, don't curse. I did that to test the both of you." He pointed me and Lexy. "So you're underestimating us??" Banat nanaman ni Lexy. Napikon ata talaga siya sa pagtawag ni Charles sakanya ng Alex. "What? No!" Depensa ni Charles at napabuntong hininga. Mukhang alam niya nga, kasi bawat detalyeng sinasabi niya, magkatugma sa mga nakita namin. "And that time na umalis ako, naglagay na din ako ng camera. Yeah, Ace is taking drugs, pero kaibigan ko pa din siya." Saad niya. "So you're tolerating your friends bad habit?? Wala kang kwentang kaib—" hindi natuloy ni Lexy ang litanya niya ng takpan ni Arah ang bibig niya. "Eh? Yung nakita naming butones na kulay itim?" Tanong ko para mabaling siya sakin. Baka magkaroon ng maling expression si Lexy kay Charles. Baka isipin niyang war freak siya na medyo totoo naman. "Ahh, yun ba? Sa kaibigan ko yun kay Mark Villanueva, natanggal siguro nung pagkaalis nila Una, ko talagang pinaghinalaan yung apat na lalaki, nung nakita ko yung butones. Pero nung nakita namin yung sulat, napagtanto kong hindi sila yung pumatay. Ganto kasi yung naka sulat sa sahig. HUNNYBUNCH Hindi naman pwedeng hunnybunch niya yung mga lalaki na yun. Ano yun bakla sila? Tsaka may girlfriend siya kaya posibleng yun yung endearment nila. Si Tiffany yung nagtatago at hinihintay lang na umalis yung mga kaibigan ni Ace. Hindi siguro nila nakita si Charles na kasama ni Ace kaya apat lang na lalaki yung sinabi nung napagtanungan namin. "Bat ngayon mo lang sinabi samin Ven?" Tanong sakanya ni Arah. "Beacause, i want to try if ya'll really a good detective nga" saad niya. "Pero, ok lang sayo na namatay yung kaibigan mo?" tanong sakanya ko. "Hindi, pero gusto niya yun e. Gusto niya na daw pagbayaran yung mga nagawa niya. Kaya hinayaan nalang namin siya, yun yung rason kung bakit kami nandun nung araw na yun para magpaalam na sakanya. Kaya kami nasa building kasi balak nya na talgang mag pakamatay, kaso ayun nga may nararamdaman kaming kakaiba kaya gumawa kami ng plano." paliwanag niya, nagulat nalang kami ng bigla siyang sinuntok ni Arah sa tiyan. "Urgh, para san yon? Sadi it hurts!" Nasasaktan na sabi ni Charles. Narinig kong tumawa si Lexy. "Weakling." Sabi niya pa. "Para yan sa di pag sabi sakin ng plano niyo! Bestfriend mo ba talaga ako Raven!?" Inis na sabi ni Arah. "Sorry na, tinitesting ko lang kayo, kung magaling nga talaga kayo eh." saad ni Charles sabay tayo at niyakap si Arah. Sarah Lopez PoV "Alis" pagtataboy ko sa pagkayakap sakin ni Raven. Pero namiss ko to, ngayon na lang niyako ulit nayakap. "Tss, ang sungit" saad niya. Habang naguusap kami, may nararamdaman akong nakatitig samin, teka parang pamilyar yung titig nila. Tumingin tingin ako sa palagid ng cafeteria at natuon ang attention ko sa tatlong lalaking nakatingin samin, infernes gwapo sila. Pero hinayaan ko nalang sila. "Sadi, kukunin ko number mo." sabi saken ni Rave. "Akina cellphone mo." saad ko sabay type ng number ko pagkakuha ko sakanya. Binalik ko naman na yon. "Tara na puntahan na natin si Tiffany ng mapagbayaran na niya yung nagawa niya." saad ni Lexy. "Naghihintay na din si Tito sa labas, tara." Aya din ni Yan-yan. At nagsitayuan na kami palabas ng cafeteria, nakita namn namin yung tito ni Yan-yan na naghihintay sa labas. "Tito!" tawag sakanya ni Yan-yan. May kasama din syang dalawa pang pulis. "Oh, Rhi nandyan kana pala, sino yung pumatay?" tanong sakanya ni inspector Sammy. "Ah, mamaya ko na sasabihin Tito, sumama ka nalang samin." saad ni Rhian na tinanguan namn ni inspector Sammy at pumunta na kami kung saan madalas naka tambay si Tiffany, sa ssg office. Ng makarating kami sa ssg office kagad naming hinanap si Tiffany. Sakto namang may lumabas na babae at nagtanong na kami. "Ah, excuse me miss, nandyan ba si Tiffany?" Tanong ni Lexy. "Ah, oo nasa loob siya, pasok kayo" saad niya at pumasok na kami. Di nakami nahirapan kasi kagad namin syang nakita. "Hi, Tiffany." Pagbati ko sakanya. "Oh, kayo pala, anong maipaglilingkod ko sainyo?" Tanong nya na akala mo'y napakainosente. "Ah, gusto kalang sana naming makausap tungkol ulit kay Ace." Mukha pa siyang nabigla ng makita niyang may kasama kaming inspector. pero kagad syang nakabawi at ngumiti. "Sige, go ahead." Sabi niya samin ng nakangitin pero mababakas sakanya yung kaba. "Alam na namin kung sino yung pumatay sa boyfriend mo." biglaang sabi ko na ikinabigla niya. "S--sino?" Utal na tanong niya. "It's you Tiffany Reyes." Seryosong sagot naman ni Lexy. Hayy kahit kailan pa bigla-bigla talaga to. "Ako? Huh? Excuse me miss A-Alexy? bat ko naman papatayin yung sarili kong boyfriend? At may ebidensya ba kayo diyan sa walang kwentang pinagsasabi niyo?" Sinenyasan ko namin si Rave na ipakita yung video, kaya naman kinuha nya na yung cellphone nya at pinlay yung video. "Yan yung ebidensya namin." sabi ko. Pagkatapos nyang makita yung vid. Naiyak nalang sya sa ginawa niya. Mukhang di na sya makakapag sinungaling. "Oo na! oo, inaamin kona, ako nga yung pumatay sakanya. Pero nagawa ko lang yun kasi sumosobra na sya. Palagi niya akong sinasaktan at pinagbantaan niya din yung mga magulang ko na papatayin niya. Kaya ko nagawa yon." "Kailangan mong sumama samin, kailangan mong pagbayaran yung nagawa mo." saad ni inspector Sammy sabay labas ng posas at inilagay sa kamay ni Tiffany. 'Di na nagpumiglas pa si Tiffany at sumama na din sya. Nagulat naman yung mga kasamahan ni Tiffany na Student Body kung bakit sya naka posas. Inexplain na din namin sakanila kung bakit at umalis na ng lugar na yon at maaari ng makulong si Tiffany dahil 19 na siya. "Napakagaling mo talaga Rhi. Maasahan ka talaga. Salamat sa tulong niyo girls." Pagpapasalamat samin ni Inspector Sammy. "Wala po iyon Tito." Nakangiting sabi ni Rhian. "Napakagagaling niyong mga bata kayo.Teka, detective rin kayong tatlo?" Tanong ni Inspector sabay turo saamin. "Yas, tito." saad ni Yan-yan "Hmm kaya pala haha. Osya sige, mauuna na kami. Tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka. Ingat kayo!" Nakangiting sabi ni Inspector. "Opo, salamat. Ingat din po kayo bye bye." pagpapaalam ni Rhian. At umalis na si inspector. "Nice, ngayon nalaman ko ng magagaling talga kayo. Hahaha sorry ulit." Natatawang sabi ni Ven. Tss baliw talaga, pero mahal koto kahit ganito to. Bilang kaibigan syempre. "Sige na mauuna nako, nagskip tuloy kayo ng class dahil sakin HAHAHA." sabi niya sabay tawa. "Ayus lang, enjoy naman CR eh." Natatawang sabi din ni Lexy. "Ayan ka na naman sa CR." naiinis na sabi ni Rave na syang ikinatawa ko. "Para unique hahaha ako lang tatawag sayo nyan." natatawang sambit ni Lexy. "Tss, fine. I'll go now. Bye" saad ni Rave sabay halik sa pisngi ko. Ganyan naman talaga kami palagi. Palagi niyakong hinahalikan at palagi ko syang sinusuntok. "Bye, ingat." saad ko matapos nyakong halikan sa pisngi. "Bye CR hahaha!" pagpapaalam ni Lexy. "Bye bye!" saad namn ni Yan-yan. Napagpasyahan na naming di na pumasok at pumunta nalang ng dorm para magpahinga. Kinuha din ni Rave yung number nila Lexy kung sakaling kailanganin. "Grabe ang sweet ni CR parang mag on kayo." saad ni Lexy. "Tss. Ganun talaga yun." Sabi ko. "Magbibihis lang ako." Pag sasabi ni Rhian. Pagkatapos magbihis ni Rhian napagpasyahan niyang magluto na. "5:25 PM na pala. Magluluto lang ako ng makakakain na tayo't makapag pahinga." saad ni Rhian sabay tayo papuntang kusina. Di namin na malayan na oras na pala. Habang nag luluto si Rhian, nagbihis naman kami ni Lexy. Ng matapos magluto si Rhian ay kumain na kami. Katulad ng dati ako na yung naghugas ng pinggan at si Lexy naman yung nagpunas. Pagkatapos non nagsitulog na kami. Kinabukasan habang naglalakad kami sa hallway pinagtitinginan kami ng mga tao at yung iba pawang naka ngiti. "Are we some kind of artist?" Nagtatakang tanong ni Lexy habang naka kunot ang noo. "Ba't kaya nila tayo tinitignan?" Tanong naman ni Yan-yan. Ilang saglit lang may lumapit saming tatlong babae na may dalang notebook at ballpen, eh? "Pwede pong pa autograph?" Tanong niya samin na siyang pinagtaka naming tatlo. Maganda siya at maputi. Actually silang tatlo maganda. "Ah, eh bakit? Hindi naman kami artista ah?" Naguguluhang tanong ni Lexy. "Sikat po kayo ngayon dito sa campus dahil sa galing niyo sa pagiimbistiga. May tinuro naman siya na nakasulat sa bulletin board at may picture naming tatlo." The 3 Detectives with our pictures. What the?! Sikat na kami?! Dapat ba kaming matuwa o mainis??? Kinuha namn ni Lexy yung notebook nung tatalong babae at pinirmahan na yon, ganun din ang ginawa ni Yanyan kaya gumaya nako. "Halos kapantay niyo na po yung B3." nakangiting saad niya "Sinong B3?" Tanong ni Lexy. "Yung tatlong lalaking gwapo po, sikat sila dito sa campus. 'Di niyo po alam?" Tanong samin ni girl. Ngayon lang namin sila napansin, wala kasi kaming kalam alam na may sikat dito. Sa school ko dati sikat kami ni Rave. Binansagan kaming detective duo pero wala kaming pakialam don. Waahhhh! Ayan na sila! Shit ang gugwapo. "Ayan po sila, ang gwapo po diba? Actually kuya ko po yung isa sakanila."!Sabi nung girl na nasa gitna. Napatingin naman ako sa tatlong lalaking naglalakad malapit samin. Teka sila yung nasa cafeteria. "Anong pangalan nung nasa gitna? Yun ba yung leader nila?" Tanong ko sa girl. Nakuha kase ng atensyon ko yung lakaking yon. "Ah, siya po yung Kuya ko si Gray Richard Solomon, siya po yung leader nila. Yung nasa right side naman po si Kuya John Waine Park. Tas yung nasa left po si kuya Haarsha Velasco." "Anong pangalan niyo?" Tanong sakanila ni Yanyan. "Ako po si Miya" pagpapakilala nung girl na nasa gitna. "Ako naman po si Chiechie" sabi ni girl na nasa left side. "Ako po si Dianne." sabi ni girl na nasa right side. "Nice too meet you girl's, ako si ate Lexy." pagpapakilala ni Lexy at sabay shakehands sa tatlong girls. "Nice too meet you din po ate Lexy." sabi ni Dianne kay Lexy. Ngumiti naman yung dalawa sakanya. "Ako namn si ate Rhian, you can call me ate Yan." Pagpapakilala naman ni Yanyan sabay shakehands den sa tatlo. "Nice too meet you girls." Saad ni Yanyan sabay gulo sa buhok nila "Nice too meet you din po ate Yan." Sabi ni chiechie kay Yanyan, mukhang magkakasundo tong dalawa ah. Pareho ding may salamin ehh. "Ako naman si ate Arah niyo, nice too meet you girls." saad ko sabay shakehands din syempre. "Nice too meet you din po ate Arah." Sabi ni Miya saken, ang cute niya. "Nice too meet you mga ate." sabay na sabi nila, napangiti naman kaming tatlo. "Anong grade na kayo?" Tanong ko. "Grade nine Section Honesty po." saad ni Miya. "Sige po, una na kami. Salamat po. Bye" saad niya sabay takbo. "Gosh, what was that?" Pabulong na tanong ni Lexy. Siguro di parin sya makapaniwala na sikat na kami dito sa campus. Pati naman ako. Napatingin ako dun sa Kuya ni Miya. Ang gwapo niya at ang tangkad. Pero parang suplado...but.... i like that. #
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD