Sarah Lopez PoV Natapos ang klase at katulad ng dati'y hindi parin ako nag sasalita masyado. Dahil narin siguro sariwa pa sa isip ko ang mga pangyayari, pero kahit ganun ay nag aalala parin ako sa mga posibleng mangyari kay Lexy. "So ano ng plano natin sa pag hahanap kay Lexy? Natatakot ako sa maaaring mangyari sakanya lalo na't hindi natin alam kung saan siya maaaring pumunta. Alam kong nasasaktan din si Lexy sa mga nangyayari at hindi natin siya masisisi kung nagtago man siya ng sikreto. Alam kong may dahilan si Lexy kaya nag tago siya ng sikreto at kaya umalis siya." Narinig kong sabi ni Yanyan, hindi ako masyadong nakikinig sa pinag uusapan nila dahil may kirot parin saaking puso at alam kong naiintindihan nila 'yun, maaaring isipin nila na napaka babaw ko pero wala akong pake. Pero

