Chapter 07 : The Maldives Encounter

1669 Words
Alas dos ng madaling araw at naalimpungatan ako sa kama.Wala si Bravo.Saglit akong nag isip,nasa dagat nga pala ito at naglalaro sa lalake kanina.Sumilip ako sa bintana at natanawan ko si Bravo ang sarap ng tulog sa tabi ng lalaking iyon. Nga pala,muntik ko ng makalimutan ,sya nga pala ang lalaking nakilala ko actually nakasama sa kama sa Hawaii..?My God!Ano ba ,Say!!,hay hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako na makita sya ulit. "Nagbabakasyon din kaya sya dito?", naupo ako sa sofa,ano nga ba ang dapat kong gawin. Nagtimpla ako ng kape..matapang na matapang na kape,at paghigop ko... "Aaarrrh!hindi kaya magpalpitate naman ako sa tapang ng akape na ito!Kinakabahan ako,makikilala ba nya ako?" Lalakasan ko na ang loob ko,nagtimpla pa ako ng isang tasang kape. "Bahala na!,naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga bago lumabas ng pintuan.Dahan dahan akong naglakad papunta sa buhanginan.Gising pa ang lalaki alam ko dahil nakikita kong nag sscroll sya sa kanyang cellphone.Abalang abala ito kaya hindi na namalayan na lumapit ako. Tumikhim ako para malaman nya na sa likuran na pala nya ako. "Ehem!,tara kape tayo!" Lumingon ito at napatingin sa akin. "Salamat!"sabay abot ko ng kape sa kanya. "Mukhang ang himbing ng tulog ni Bravo ahhh!",umupo ako sa buhanginan.Nakasalampak lang.Wala naman akong nakikitang ibang tao. "Salamat ahhh!",humigop ito ng kape at para bang nagpatay malisya. "Para san?" "Sa pagtulong mo sa akin kahapon!" "Talaga ba?Paano ka na naman nakakasiguradong ka bang ako ang tumulong sayo?." "Oo naman!",napatungo ako at napangiti. "Bukod sa amoy ng pabango mo,nakita ko sa dashcam ng van.Ikaw ang may buhat sa akin kahapon.Kahit na ayaw mong ipaalam na ikaw.Nagtanong na ako sa staff ng Hotel kung sino ang tumulong sa akin,ang sabi lang nila ay ung driver daw.Nagtanong din ako sa ospital eh confidential daw." "So nag investigate ka pa pala sa sarili mo." "Ou,at sa akin galing ang shorts na iyan!" Mahabang sabi ko sa kanya. "Ahaha,ou nga pala.!Mukhang wala na talaga akong sulot sayo." "Salamat ulit!",naubos ko na ang kape.Ginising ko na rin si Bravo. "Come here ,baby I miss you!", nagmulat ito ng tingin. "Ako na !mukhang tinatamad pa sya tumayo." Nag volunteer na si Jedd at Binuhat niya ang aso.Ito na ang naging palusot nya para makapag usap pa sila ng babae. "Kamusta ang pakiramdam mo?",tanong ni Jedd habang naglalakad kami patungo sa cottage ko. "okay naman na ako.naallergy lang ako.Peanuts are my enemy.Hindi ko napansin na yung inorder kong seafood roll ay may peanut crust pa lang nakahalo.Heheh,Alam mo na sa sobrang gutom!"nakakahiyang sabi ko sa kanya. "Mind if I invite you to have a dinner tomorrow night?" "Huh!"nagulat pa ako. "Baket,may lakad kaba bukas?"parang nadismaya ang lalaki sa naging reaksyon ko. Napangiti ako. "Ahh,wala naman nagulat lang ako.,o-ok cge basta dinner lang ah!" "ou naman.my treat!So sunduin na lang kita bukas?",nakangiting sabi nito. "Ok cge.mga 7or 8." "Yes!!" Nakarating na sila sa cottage.Sa totoong lang ay ang lapit lang naman ng cottage pero bakit parang lumayo ng nilakad nila. "Would you mind if I ask what's your name?" "Arrrhhh!Aarrrhhh!",tahol ni Bravo kay Jedd. "Say!",nakangiting sabi ko. "Jedd!",at nakipagkamay sa akin ang lalaki. "Ahhh,sige alis na ako!",paalam mi Jedd sa akin. "Ok..Salamat ulit ah!"nakangiti namang sabi ko kay Jedd. Pasipol sipol si Jedd habang naglalakad pabalik sa Hotel.Napakasaya nya.Halos tumalon ang puso nya sobrang kasayahan nararamdaman nya. "Ang bilis ng t***k ng puso ko!",naglakad na ako pabalik sa Hotel. "Sir!Good Evening ho!",bati sa akin ng mga staff. Ngumiti lang ako sa kanila.Mga Filipino rin ang staff namin dito sa Hotel.May mga Maldivian din lalo na sa security. Nag shower ako at humiga sa higaan. "Say Altagracia Montenegro!Ang tagal kitang hinintay at ngayong nakita na kita,hindi na kita papakalan." Nagbalik sa mga alaala ko ang gabing nakilala ko si Say.Matapos ang mainit na gabing pinagsaluhan namin ay hindi ko na sya nakalimutan. Ako ang lalaking nakauna sa kanya.Hindi ko ineexpect iyon .Pero nagulat ako dahil ilang round din ng nagawa namin.Iyon ang pinakamagandang gabi na nangyare sa buhay ko.Sa dami ng babaeng naikama mo,sya lang ang hinalikan ko sa labi.Tanda yun ng pagiging special nya sa akin.At hanggang ngayon yun pa rin ang kinasasabikan kong maulit pa. At alam kong may kakaiba along naramdaman para sa kanya.Para bang na love at first sight ako sa kanya. Sising sisi ako ng makuha sya sa akin ng mga lalaking yun,sana ay hindi ko na lang sya pinalabas mg kubo o kaya pinigilan ko na lamang sya. Masyadong confidential ang pagkatao ni Say.Nakita ko na lamang ang sarili kong hinahanap sya.Sa dami ng napuntahan ko eh dagat lang din pala ang magtatagpo sa amin.Sino magsasabing ang pagkakapunta ko dito sa Maldives ang magiging tulay para makita ko sya ulit. Hindi ako agad nakatulog sa kakaisip sa babaeng iyon.Hindi ko agad sya nakilala kahapon,siguro kase ay may lalo kase syang gumanda ngayon.Ang mahaba nyang buhok ay pinaiksian na rin nya ng hanggang balikat na lamang. Kung hindi ko pa nakita ang dalawang taling nya sa may braso hindi ko pa makukumpirma na sya iyon. Natawa pa ako,siguro ay nalilito na ang isip ko dahil sa dami ng babaeng nakilala ko. Mag aalas singko na ng umaga, kailangan ko ng matulog dahil hindi ko naman talaga alam kumg saan sya dadalhin sa dinner namin bukas. Kinabukas ay tanghali ng nagising si Say.Umaga na rin sya ng dalawin ng antok.Excited na sya sa date nila mamaya pero at the same time ay kinakabahan sya.Naalala kaya sya nito o ang agreement na kapag nagkita sila ay kailangan nyang pakasalan ito. Sa loob ng 2years ay wala rin naman syang naging nobyo.Nagfocus sya sa pag aaral ng Fine Arts.Nakatapos sya agad dahil sinabay sabay nya ang units ng mga subject nya. Ang ipinunta nya dito sa Maldives ay makapagbaskayon. "Saan kaya kamo pupunta?Paano ko malalaman kung anong isusuot ko,mamaya ay magdress ako tapos sa beach lang kami kumain.??",pabali balikwas pa ako kung paano.San nga ba ako dadalhin ng lalaking ito?Naalala ko pa kagabi ng umalis ito ay talaga namang mamamatay matay ako sa sobrang kilig..Grabeh! "Good afternoon po,Ms.Montengro!!!" Naulinagan ko na may tumatawag sa labas. "Sino kaya yon.?" "aaaaarrrhhh!",tahol naman ni Bravo. "Yes,sino yan??", "Delivery ho!" "Delivery??"kapag kuwa'y binuksan ko ang pintuan,"wala po akong order,Sir??" "ahhh,pinabook lang ho ito sa amin!!sa inyo po nakapangalan!!" "ahhh ok!,Patingin nga po!" Kinuha ko ang box,sa akin nga nakapangalan ang box. "pakipirmahan na lang po!",pinirmahan ko na nga lang papel na inaabot ng delivery man."Salamat po!" "Wait,"sabi ko at kumuha ako ng 20$ sa bulsa ko.Iniabot ko sa rider bilang tip ko sa kanya at tuwang tuwang umalis na ito. "ano kaya ito?",binuksan ko at isang pink dress na hanggang tuhod.cold shoulder na may malaking bulalak sa kanan(sa may bandang kilikili. "wow!!!ang ganda!ahh",napatili ako at sinukat ito at umikot ikot sa hangin."alam ko na kung siong may bigay nito!"pagkaikot ay napahiga ako sa kama.Ang saya saya ko,grabe!! Hindi ko na maantay na maggabi,excited na ako. Samantala hindi alam ni Say na mula sa roofdeck ng hotel ay nakatanaw pala roon si Jedd. Kumaway ang rider kay Jedd,nakathumbs ups..Napangiti lang si Jedd.Sadyang sya ang pumili ng dress na ito kaninang umaga.Nagsadya talaga sya sa boutique at sya ang personal na pumili nito.Ang delivery rider ay ang messenger nila sa hotel,pinagmukha lang nya itong rider para kunwari ay galing sa malayo. Agad nagpunta si Say sa camper van. Kinuha nya ang pangmake up.Isang puting sandals na 4inches heels at isang white na handbag ang naisip nyang iterno sa dress.Isang diamond earrings at simple cut bracelet. Alas sais na,binihisan nya muna si Bravo ng chekkerd na white polo at bowtie.Nag masiyahan sa aso ay sya naman ang nagbihis.Simple pero napakaelegante ng kanyang itsura. Saktong alas-siyete ng gabi ng may pumaradang isang sports car black ferrarri malapit sa cottage nya. "Oh my God!,Eto na sya,sinulyapan ko pa ang aking sarili sa salamin. Bumaba si Jedd sa kotse.Nakasuit ito ng black.Napakagwapo nito.Isang matamis ang ngiti ang nakaguhit sa mukha ni Jedd. "Diyos ko...parang nanginig ang tuhod ko!", "Hi!",lapit nito sa akin.Ngumiti na lang ako. "Shall we?",iginiya nya ako sa patungo sa kotse.Pinagbuksan nya ako ng pintuan. "Napakagentleman nitong lalaking ito!" Sumakay na ito sa loob ng kotse.Tahimik lang ito habang nagmamaneho. Wala rin naman akong naisip nasasabihin kaya tahimik na lang din ako. Pumarada kami sa isang bakanteng lote. Hindi naman ako kinakabahan pero napapaisip ako. "Nervous??",dahan dahan nitong tinanggal amg seatbelt na nakakabit sa akin.Mas dito pa sa eksenang ito ako kinabahan.Dahan dahan na lumapit ang mukha ni Jedd sa akin.Nang magkatapat na kami ng mukha ay biglang syang ngumiti sa akin! "You're safe with me!",napapikit ako dahil akala ko ay hahalikan nya ako pero tinanggal lang nya ang seatbelt na nakakabit sa akin.At nang magmulat ako nagkatapat ang mukha namin.Nagkatitigan kami at nang akmang ilalapit na nya ang mga labi nya sa akin ay... MAY NGUSONG PUMAGITNA SA AMIN.! Maitim na ilong,at mabalahibong nguso! "ahhhrrrrhhg!",nakapagitna si Bravo. Nagkatinginan kami ni Jedd at agad napangiti na lamang.Kasama nga pala namin si Bravo muntik ko ng makalimutan. "ohh,sorry buddy!"sabi ni Jedd.at agad lumapit sa akin si Bravo. "Baby,bawal kang magpakalong kay Mommy,dahil malalagyan ng balahibo ang damit ko.Love you !",At hinalikan nya sa noo si Bravo. Bumaba na kami ng sasakyan.Madilim ang paligid.Parang wala namang tao o establishment dito. "We're are we going??" "Just wait.Come on!",at pinakapit ako ni Jedd sa braso nya.Naglakad kami kasama si Bravo. Bumukas ang ilaw sa parking lot at naroon pala ang isang chopper na nag aantay sa amin.Agad kaming sumakay sa chopper.Dahan dahan na umikot ang elisi ng chopper nasa loob na kami nito.Unti unti na itong umangat sa kalangitan.Takot ako at mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Jedd.Pakiramdam ko kase ay mahahati ang katawan hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil ang taas na namin.Hinawakan ni Jedd ng mahigpit ang kamay.Sa tantya ko ay nasa 15 minutes din ang biyahe namin,pero enjoy din naman kahit nakakatakot sa una,pero kung kasing gwapo naman nya ang kasama,ay okay lang. The chooper landed on the sand at iginiya kami ni Jedd sa pagbaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD