Isang linggo simula nang umalis si Sir Roberto at si Jack pansamantala ang humalili sa kaniya, hindi bilang doctor kundi bilang business partner ko. Wala naman kasi siyang alam sa pagiging doctor dahil lumaki siya na sa kompanya lang nakatuon ang pansin. Kailangan ko na rin sigurong sanayin ang sarili sa loob ng isang buwan dahil kay Jack. Madalas kaming magkasalubong sa hallway, at kung hindi man ay madalas kaming magkasabay umuwi. Katulad na lamang ngayon. Malayo pa lang alam kong si Jack iyong nakasandal sa hood ng kotse at nakapamulsa. Nang makalapit ako sa aking sasakyan na medyo malapit sa kaniya ay agad itong umayos sa pagkakatayo pero nasa bulsa pa rin ang dalawang kamay. Lumapit ito sa akin na nakangiti. "How was your day? Mahirap ba ang maging doctor?" Sabi niyang may bahid ng c

