Kasalukuyan akong nag-aayos sa aking sarili dahil sa dinner date na alok ni Gab kapalit ng pagligtas niya sa akin sa kapahamakan. At bilang pasasalamat na rin ay pumayag na ako kahit na sinasabi ng utak ko na hindi dapat. Hangga't maaari ay ayaw ko na sanang magkaroon pa ng koneksyon kay Gab. Kung kailan nakalimutan ko na ang nakaraan ay saka naman siya lilitaw na para bang walang nangyari.
"Hay naku! Hindi mo na kailangan pang magpaganda sa harap ng lalaking 'yun, Ashley, dahil kung talagang maganda ka para sa kaniya, dati pa niyang nakita." Narinig kong sabi ni, Ate Amor at pinatirik pa nito ang kaniyang mga mata.
Medyo nainis ako sa sinabi ni Ate Amor. Para na rin nitong sinabi na pangit ako dati kaya hindi ako nagustuhan ni Gab.
"Gab ang pangalan ng sinasabi mong lalaki, Ate Amor." irap ko. "T'saka mas okay na magmukha akong presentable sa harapan niya kaysa naman na magmukha akong bagong gising na wala pang toothbrush. Pangit naman kung bihis na bihis siya samantalang ako mukhang dugyot." Muli kong sabi.
"Baka mamaya nagising na sa katotohanan 'yang si Gab at may gusto na pala siya sa 'yo kung kaya't niyayaya ka niyang kumain sa labas. Baka napagtanto niyang karapat-dapat ka pa lang mahalin at bigyan ng pansin." Seryosong sabi ni Ate Amor habang ngumunguya ng apple at naka-dekwatrong upo sa sofa sa loob ng aking kwarto.
"Ano ka ba Ate Amor? Niyaya lang akong mag-dinner ni Gab kung saang lupalop na nakarating iyang utak mo. Huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan dahil kung talagang may gusto sa akin si Gab, sana noon pa. Sana wala tayo rito sa ibang bansa ngayon. Hindi sana ako nagpakalayo-layo para lumimot. At higit sa lahat, sana masaya ako ngayon at hindi nag-iisip na baka dumating ang araw na maging old maid na lang ako." Seryoso kong sabi habang nagpapahid ng powder sa aking mukha.
"Hay! Pasensya ka na, Ashley, hindi ko lang napigilan mag-isip ng ganu'n." Umiiling pa niyang sabi.
"Pero paano nga kung may gusto na pala sa iyo si Gab? Ano'ng mararamdaman mo?" Muli pa nitong tanong.
"Ewan ko Ate Amor. Hindi ko pa masasagot ang tanong mo sa ngayon dahil wala naman akong nakikitang ebidensya na may gusto sa akin si Gab." simpleng sagot ko sa kaniya.
Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako dahil sa wakas nagustuhan rin ako ng taong matagal kong minahal o malulungkot dahil tumagal pa ng ilang taon bago nangyari ang inaasam ko.
"Pero kung sakaling mangyari ang nasa isip ko, magiging masaya ako para sa iyo." Nakangiting sabi ni, Ate Amor na may bahid pa rin ng lungkot sa kaniyang boses.
"Kakain lang kami sa labas, Ate Amor kaya huwag kang mag-isip ng higit pa roon. Ikaw nga ang iniisip ko kung kailan mo ipapakilala sa akin ang forever mo na alam kong tinatago mo lang." ani kong may mapanuksong ngiti.
"Huwag mong ibalin sa akin ang usapan ha! Huwag ako, Ashley, nananahimik lang ako rito." Ani ni Ate Amor na namumula ang pisngi.
"Ngayon ka lang naging mestiza, Ate Amor." pagbibiro ko sa kaniya dahil sa pamumula ng kaniyang pisngi na halatang may tinatago.
"Tigil-tigilan mo ako, Ashley," sabi niyang umiiwas pa rin sa topic.
"Kapag handa ka nang umamin, Ate Amor, kausapin mo lang ako, kahit na abutin tayo ng magdamag sa kwentuhan, handang-handa akong makinig. Sabayan pa natin ng tequila with matching grilled fish at prawns para may lakas ka ng loob na magsabi." Sabi ko sa kaniya na hindi pa rin mawala-wala ang pamumula ng kaniyang mukha.
"Hay naku! Lalabas na nga ako baka dumating na ang bisita mo." Ani nito sabay dampot pa ng isang slice ng apple. Natawa na lang ako dahil halatang umiiwas siya sa aking sinasabi.
Bago pa makalabas sa pinto si Ate Amor ay muli ko siyang tinawag.
"Bakit?" tanong niya na kumakamot pa sa ulo.
"Nahiya ka pa sa apple, Ate Amor, simutin mo na, kawawa ang isang pirasong tira." pagbibiro ko sa kaniya.
Walang sabing kinuha nga 'yun ni Ate Amor at binitbit na rin palabas ang platong may laman na isang pirasong slice apple. Umiiling na lang ako sa pagiging jolly ni Ate Amor.
"Ubusin ko na dahil alam kong mabubusog ka naman mamaya sa dinner date niyo." Dagdag niyang sabi bago siya tuluyang lumabas at sinadya pa nitong diinan ang 'dinner date'.
Umiiling na lang akong may ngiti sa labi. Walang araw na hindi ako pinapangiti ni Ate Amor kahit sa simpleng bagay ay napapangiti niya ako.
Hindi pa ako tapos sa aking pagbibihis nang muling kumatok sa pinto ng aking kwarto si Ate Amor.
"Andiyan na ang bwisita mo." saad nito.
Natawa ako dahil halata pa rin sa mukha niya ang pagkainis kay Gab. Sinabihan ko na lang siya na bigyan ng kahit anong maiinom. Agad naman na tumalima si Ate Amor. Ilang minuto lang nang bumaba na ako. Nadatnan kong nagbabasa ng magazine si Gab. Umangat lang siya ng tingin nang marinig niya ang tunog ng takong ng aking suot na sapatos.
"You are very beautiful." He said while staring at me.
Nakita ko ang paghanga sa mga mata ni Gab. Paghanga na kailanman hindi ko pa nakita sa tuwing titingin siya sa akin.
I am wearing an above-the-knee salmon pink dress na tinernuhan ko ng white purse and white heels. Naglagay lang din ako ng konting lipstick at powder sa aking mukha at nag spray ng paborito kong pabango.
"Ay, bongga! Ang gandang dalaga, bulag na lang ang hindi makakakita sa iyong ganda!" eksaheradang sabi ni Ate Amor na bigla na lang sumusulpot sa kung saan.
"She's really beautiful." sabi naman ni Gab.
"Tumpak! Pero gandang hindi mo nakita noon. Anong nakain mo at hindi ka na bulag ngayon?" Pang-iinis na naman ni Ate Amor kay Gab.
"She's always beautiful in my eyes." Dinig kong sabi ni Gab.
Ngumiti ako nang palihim, ngiting may bahid ng lungkot. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nasisiyahan sa tuwing pinupuri ako ni Gab, bagkus sakit at lungkot lang ang aking nararamdaman. Hindi kaya'y ito 'yung mga katagang gusto kong marinig nung panahon na lihim ko siyang minahal kung kaya't nasasaktan lang ako sa mga papuri niya ngayon?
"Aysus! Baka namalikmata ka lang ngayon. O baka nakainom ka ng potion na pampalinaw ng mata." muling hirit ni Ate Amor.
"Let's go Gab. Ate Amor, magsara ka ng pinto. Huwag kang magpapasok ng kahit na sino, kahit pa 'yung mga kakwentuhan mong kasambahay diyan sa tabi. Or kahit 'yung nililihim mong lover." Sabi ko na lang para hindi na humaba pa ang debate nina Gab at Ate Amor.
"Is she okay?" tanong ni Gab na ang tinutukoy ay si, Ate Amor nung nasa loob na kami ng kaniyang sasakyan. Sasakyan niya ang gamit namin dahil ayaw niyang maghiwalay kami ng kotseng gagamitin. Katwiran niya, sa iisang lugar lang naman daw ang pupuntahan namin.
"Yeah, hayaan mo na si Ate Amor. Baka may crush lang 'yun sa iyo at kunwaring mainit ang dugo sa iyo." nakangiti kong sabi kay Gab.
Tumawa naman ito sa aking biro. Napalingon ako sa kaniya dahil sa kaniyang pagtawa. I once heard that laugh when we are in college. At parang musika iyon sa aking pandinig. Minsan ko lang marinig na ganu'n tumawa si Gab, kaya naman hindi ko naiwasan na mapalingon sa kaniya.
Katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Ilang minuto pa ang aming biyahe nang makarating kami sa isang eleganteng restaurant. They call it a modern restaurant. Napakagandang tanawin, nagkikislapang mga palamuti sa kisame at dingding, naggagandahang chandelier, at ang mga mesa at upuan na tanging sa mamahaling restaurant mo lang makikita. Halatang mayayaman lang din ang afford na kumain dito dahil na rin sa mga taong kumakain na nagkikislapan ang mga palamuti sa katawan. Para silang nagpapasiklaban ng mga diamante. Hindi ako nahiyang makipagsabayan sa kanila dahil alam ko naman na nasa lugar ako na kaya kong maging natural at presentable. Gab has a taste when it comes to luxury things.
Nasa kalagitnaan na ako sa aming paglalakad papunta sa aming table kung saan kami naka-reserved nang may mamataan akong bulto ng lalaking kilalang-kilala ko ang itsura. I stared at him. Napatingin din siya sa akin na nakakunot noo. Sa mga oras na 'yun ay may kausap si Gab sa kaniyang cellphone at saglit siyang nagpaalam sa 'kin.
Ilang hakbang na lang ang aming table kaya nagmadali na akong lumapit doon. Saktong tapos na rin si Gab sa kaniyang pakikipag-usap nang akmang uupo na ako.
"I'm sorry, my secretary called." ani niya sabay hila ng aking upuan.
Nakaharap ako ngayon sa kinaroroonan ni Jack 'di kalayuan sa amin. May ka-date itong magandang babae na halatang may lahi. Napakaganda ng babaeng nasa harapan nito. Mestiza, mahaba at medyo curly ang buhok at kahit sa malayo ay halatang napakakinis ng kutis. Nagsalubong ang aming tingin nang muli akong tumingin sa kanila. Tinaasan ko lang siya ng kilay at mabilis na nagbawi ng tingin.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Gab.
"Yeah," simple kong sabi sabay tango.
"Are you hungry? I will order food now." Gab asked me.
"It's up to you. I'll be the one to order mine."
Tiningnan lang ako ni Gab. Kinuha niya ang menu sa ibabaw ng mesa at simpleng binasa ang nakasulat doon. Maya-maya lang ay ibinaba na niya ito Tinaas niya ang kaniyang braso upang makatawag pansin sa waiter. Agad namang may lumapit na waiter at agad na kinuha ang kaniyang order.
"Hello, Madam, good evening, can I take your order, maam?" saad ng waiter sa akin pagkatapos niyang kunin ang order ni Gab.
"Can I have a Reuben sandwich and banana split for dessert?" Ani ko.
Mabilis na tumalima ang waiter pagkatapos niyang kunin ang aming order. Ilang saglit lang ng dumating na ang pagkain.
"Thank you and have a great evening ahead. Enjoy your dinner lovers." magiliw na sabi ng waiter.
Nagtinginan kami ni Gab at sabay na ngumiti. Napagkamalan pa kaming magjowa nang wala sa oras. Hindi alam ng waiter na kapalit lang ng pagligtas sa akin ni Gab ang dinner date na ito. It is just a thank-you dinner date.
"Nagustuhan mo ba ang pagkain nila rito?" maya-maya tanong ni Gab sa akin pagkatapos namin kumain.
Ngumiti ako, "Yeah, they served delicious food here. And by the way, thank you again."
"Nakailang thank you ka na ba sa akin? Kahit sino ang nasa katayuan ko nang gabing iyon ay ganu'n din ang gagawin." nakangiti nitong sabi. "Dapat nga ako ang magpasalamat sa iyo dahil pumayag ka na mag-dinner tayo kahit na alam kong napilitan ka lang." ani niya.
"Honestly, you're right. Napilitan lang ako pero ayaw naman na magmukhang bastos pagkatapos mong iligtas ang buhay ko." seryoso kong sabi.
"I'll understand. But still, thank you for joining me here." He said with a smile on his face.
"Excuse me, I'll just go to the bathroom." Paalam ko kay Gab.
Pagdating ko sa banyo ay agad akong nag-ayos sa aking sarili. Naglagay lang ako ng konting powder sa mukha at lip tint. Nakatingin ako sa salamin at tinitigan ang aking sarili.
"Bakit ka pa nagpakita? Bakit kung kailan limot na kita at handa na akong harapin ang kasalukuyan ay saka ka naman lilitaw?" Ani ng aking isip.
Hangga't maaari ay umiiwas ako kay Gab. Ayaw ko nang maulit pa ang nakaraan. Tapos na ang pahina ng kahapon at gusto ko nang punitin iyon at iwalang bahala na lang. Nagmadali na akong lumabas. Ayaw ko naman na paghintayin si Gab sa mesa na parang boyfriend na naghihintay sa kaniyang girlfriend.
"Ano na naman iyang nasa utak mo." sita ng tinig sa aking isip. Umiling-iling na lang ako upang mawala ang tinig sa aking isip.
Paglabas ko ay saktong nakasalubong ko si Jack sa labas ng cr. Papasok naman ito sa cr ng mga lalaki. He looked at me as if I had done something wrong. Tinitigan ko siya pabalik. Bago ko pa ihakbang ang aking mga paa upang iwasan sana siya ay narinig ko naman siyang nagsalita.
"Your dating someone, huh? Who are you dating?" Sunod-sunod nitong tanong. Tumaas ang kilay ko nang marinig ko 'yun sa kaniya. Sino ba ang lalaking ito para question-in kung sino ang ka-date ko?
"Do I need to answer your question?" Taas kilay kong sabi. "Hindi kita kilala at kaibigan para tanungin ako nang ganiyan. Ang kapatid ko ang kaibigan mo, kaya huwag kang umasta na kakilala mo ako." seryoso kong sabi.
Hindi siya sumagot bagkus ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
"Does Nikki know that you dating someone?" He said again in a calm voice.
"Ano bang pakialam mo? He's just my friend. Walang magagawa ang mga kapatid ko sa kung sino ang gusto kong ka-date. Makikipag-date, ako kahit kanino ko gusto, naiintindihan mo?" Inis kong sabi.
"I'm just asking you, okay? You dont need to exaggerate. You can go to every man here. Do whatever you want. Kaibigan ko ang kapatid mo, and maybe she had the right to know that you're dating already. What if something happens to you with this guy?" Kunot-noo nitong sabi.
Natameme ako sa huling kataga na lumabas sa kaniyang bibig. Pero hindi lang ako nagpahalata.
"Ikaw ang huwag masyadong overacting. Nagdinner lang kami ng kaibigan ko rito at hindi nag-date. Hindi kailangan na ipaalam ko pa sa mga kapatid ko ang mga bagay na hindi na dapat. May sarili akong desisyon." seryoso kong sabi. Umalis ako sa kaniyang harapan nang walang sabi-sabi. Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya dahil baka mauwi lang sa sagutan.
"Duh! I don't even know him. Si Nikki ang kaibigan niya hindi ako." sigaw na naman ng aking isip.
"Are you okay?" Gab asked me when I got to our table.
"Yeah, can we go home now? Biglang sumama ang pakiramdam ko." sabi ko kay Gab. Agad naman siyang sumang-ayon at hindi na nagtanong kung bakit.
Jack ruined my mood. I feel like I want to punch him in the face. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagkakatagpo ang landas namin ay nauuwi sa hindi magandang usapan.
"I'll make sure na huling pagkikita na natin ito, Jack Dela Fuente. Dinaig mo pa si Ate Amor, ang sakit mo sa bangs." Naggigigil na sigaw ng aking isip.