Chapter 13 -Miguel- Ibang pakiramdam talaga ang meron ako ngayon, lalo pa at unti-unti na kaming nagkakaayos ni Firstcy. Hindi ko talaga ito tinigilan hanggang hindi ito napapasa akin. Kahit alam kong may pag-aalinlangan ito sa akin, ay ayos lang ang mahalaga ay kasama at nasa tabi ko ito. Ngayo masisimulan ko na kung paano ito mapapaibig gagawin ko pa rin ang lahat para hindi ito mawala sa buhay ko. “Honey, where do you want to eat dinner?” Tanong ko dito habang hawak ang kamay nito at ang isa naman ay nasa manubela. Tumingin ako dito at nguniti, gumanti naman ito ng ngiti sa akin pero nakikita kong may dinadala ito. Napatingin ako sa maganda nitong mukha, at nakita ko sa mat anito na may takot na hindi ko alam kung para kanino at para saan. Hindi ko na lang muna ito tinanong dahil nat

