Chapter 19 -Miguel- Nang sabihin ni Fristcy na hindi pa ito makakauwi ay nakaramdam ako ng kaba na baka may mangyari dito. Kaya naman muli ko itong tinawagan at narinig ko sa boses nito na lasing na ito, mabilis ko namang kinuha ang susi at saka muling lumabas ng bahay. Mabuti na lang at naibigay nito sa akin kanina kung sang bar sila mag-iinuman, halos paliparin ko ang kotse ko papunta kung saan ito naroroon. Iba na rin ang tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling yon, hindi ko mapapatawad ang aking sarili oras na mapahamak ito. Hindi ko na iparada ng maayos ang kotse ko at mabilis din akong pumasok sa bar, hinarang pa ako ng mga guard pero hinawi ko lang ang mga ito at saka tinignan ng masama. Umalis naman ang mga ito at saka ko hinanap ang asawa ko. Mabuti at madali ko itong nakita k

