Chapter 30 -Miguel- Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pintuan ng aking library, dito na rin ako nakatulog kagabi dahil hindi ko talagang kayang tumabi kay Megan. Kahit pa sabihin nating pagpapanggap ang lath ng ito ay hindi ko magagawa dahil sa pakiramdam na nagtataksil ako sa aking mahal na asawa, at mual noong naging asawa ko na ito ay hindi na talaga ako tumingin sa ibang babae o kahit na sabihin pang matinik talaga ako noon sa mga ito, pero ngayon parang nawalan ako ng ganang makisama sa ibang babae lalo na dahil alam kong magagagalit lang ito sa akin. Kakaisip sa mahal kong asawa ay napapayakap na lang ako sa naiwan nitong jacket na nakita ko dito sa loon, alam kong kanya ito dahil amoy pa lang nito ay alam ko ng sa kanya ito, mahigpit ang pagkakayakap ko dito kaya namna

