CINDY POINT OF VIEW 'Dalawang Buwan' Halos dalawang buwan ko nang tinitiis ang lahat ng pagsusungit niya sa akin at hindi pagpansin. Dalawang buwan na rin akong nasasaktan tuwing makikita siyang nakangiti sa ibang babae. Ano ba ko sa tingin niya? Kung hindi ko lang talaga siya mahal... "Natakot kaya siya sa akin?" Nalilito kong bulong habang iniisip ang nangyari. "Ako ba ang pumatay kay Roston? Mababaliw na ko." Inis kong tawa sa sarili ko. Kanina pa ko nandito sa park dahil ayokong umuwi. Paniguradong nandoon na naman si Amanda. "Matagal ka ng baliw." "Sean?!" Gulat akong humarap sa nagsalita pero nadismaya rin ako dahil sa ibang mukha na bumungad sa akin. "Magkaboses ba kami ng asawa mo?" "Sinabi ko bang umupo ka sa tabi ko?" "Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin?" "Jo

