SEAN POV Itutuloy ko ba? O hindi? Itutuloy ko ba? O hindi? Aaahhh!! Ang sakit na ng ulo ko kakaisip. Kaya naman agad akong tumigil at umalis sa pagkakahalik sa kanya. "B-bakit?" Hinihingal niyang tanong habang nakatitig sa akin. "Bakit mo ko ginaganito? Hirap na hirap na ko." Nalilito kong tanong habang tinuturo ang damit niya na ngayon ay nakabukas na at konti na lang ulit mapapasakin na siya. Ngumisi naman siya at hinawakan pa ko sa dibdib na ikinakilabot ko. "Huwag ka ngang ganyan." Nakikiliti kong angal sa kanya. "Sabi na, hindi ka pwedeng pagkatiwalaan." Bigla niyang bulong kaya napaalis ako sa pagkakadapa sa ibabaw niya at naupo habang nakapatong pa rin sa kanya. "Lalaki kaya ako, tapos inaakit mo pa ko!" angal ko habang kinakapa na ang t-shirt ko sa isang gilid. "Inaakit? W

