(Seb's POV)
~
Yes! Salamat author ha? May POV na rin ako sa wakas. :P (A/N: Shut Up Meow :P)
Mag introduce pa ba ako sa sarili ko? Fine.
Ako nga pala si Sebastian Klein, 17 years of age, College na po ako at ang kurso ko ay Aerospace Engineering. So much for that let's back get back to the present.
Nagising ako dahil tumatagos ang maamong liwanag ng araw. Bumangon na ako para makapag-ligo at makapag-bihis. Pagkatapos kong mag daily routine (A/N: Wag grin ha? Daily routine is Maligo at mag bihis.)
Kaya dali dali akong pumasok sa sasakyan kong Lamborghini Reventon. Oo mayaman kami. Di katulad ni Rayne. Lamborghini nga sasakyan ko talbog naman ako kay Rayne Lamborghini Veneno yung sa kanya.
You herd it right? Oo kilala ko yang si Rayne. Kasi kwenento yan ni Jessie sa akin. Honestly nahulog yung loob ko sa kanya.
Let's just say I like him na. Even though we only met yesterday. Iba kasi eh yung feeling na everytime you're with him you want to wipe those tears away. I wanna make him smile his sweetest smile kung ako lang sana si Rayne hinding hindi ko talaga papakawalan si Jessie.
Nabigla nalang ako kasi tumunog yung cp ko at tumatak sa screen ko ang pangalan ni Jessie. Kaya agad-agad ko itong sinagot. Narinig ko ang pag hikbi niya kaya ako na yung naunang nagsalita.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko dito sa kabilang linya.
Walang Sagot.
"Pwede m-mo b-ba-bang *sobs* akong *sobs* puntahan *sobs* dito sa Starbucks? *sobs*" umiiyak nga ang mokong. (A/N: Ay hindi siya umiiyak. Natutuwa siya. Kaya nga nag sobs siya eh kasi natutuwa siya. Lakas din ng tama mo no?) Haayz epal mo talaga kahit kailan author.
O sya. Kaya dali dali akong sumakay ng kotse at pumunta sa Starbucks. Bahala na yung mga kaibigan ko. Magcu-cutting muna ako para kay Jessie my loves :">
Nakarating rin ako sa Starbucks sa wakas. Hinanap ko kung saan naka-upo si Jessie. Nakita ko siya kung saan kami naka-pwesto the last time. Magkaharap na kami ngayon at iyak parin siya ng iyak. Wala talaga akong alam paano patahanin yung mga Gay people kaya tumabi ako sa kanya at niyakap ko siya.
Hindi lang yun yakap na basta yakap. Yung yakap na ibinigay ko sa kanya puno yun nang pag-alala, pagmamahal. Yung yakap na iyon ay nagsasabing narito lang ako sa tabi niya. Hinding hindi ko siya iiwan.
Maya maya tapos na rin siyang umiyak. Wala lang kaming imikan this past hour. Kaya may lumapit sa amin na waitress, "Sir may oorderin ba kayo?" feeling ko naiinis siya kasi kanina pa kami nandito pero wala parin kaming inorder.
"Uhm dalawang Frapuccino nalang miss at dalawang Red Velvet Cupcake." sabi ko sa kanya kaya nagmamadali naman siyang umalis.
"Okay ka na ba?" tanong ko dito kay Jessie. Tumango lang naman ito. Wala naman akong magawa. Kaya hinintay ko nalang yung mga order namin at lumipat na ako sa harapan niya.
"You know what? You can tell me everything. You don't have to take all the pain by yourself. Nandito ako. Dadamayan kita sa mga hinanakit na nagawa sayo. Share the pain Jessie because it hurts me when I see you crying and taking all the pain by yourself." s**t :x Hindi ko alam ko ano yung mga sinasabi o! It's like I'm taking advantage of him when he's still grieving. (S: Ma konsensya ka naman! Broken Hearted nga yung tao nag te-take advantage ka. napaka-heartless mo naman.)
"Salamat Seb ha? Kahit kahapon pa tayo magkakilala ang bait mo na sa akin. Kahit nakita mo ako sa mga panahon na nanghihina ako nandyan ka para sa akin. Nahihiya na nga ako sayo eh kasi ikaw ang nagiging human handkerchief ko." sabi sakin ni Jessie. Mabuti naman at hindi niya naintindihan yung mga nasabi kong, "Share the pain Jessie because it hurts me when I see you crying and taking all the pain by yourself." Suuuuus kung alam mo lang Jessie na mahal kita when the first time I met you. "Salamat na rin sa libre mo. Sige papasok na ako." sabi niya. "Wait. Hatid na kita." tumango nalang ito. Napapa-yes naman ako sa utak ko kaya hinatid ko nalang siya sa Delton Academy.
Bago siya lumabas sa sasakyan may tinanong siya sa akin, "O nga pala. San ka nag-aaral?" tanong niya sa akin.
"Ah dun sa Greyson Academy." sagot ko naman sa tanong niya. "Sige una na ako." Nginitian niya ako ng matatamis niyang ngiti at ang ikinabigla ko ay yinakap niya ako. Nakalabas na siya sa sasakyan habang ako nakatulala parin ako sa kanya nahulog nga yung mga panga ko eh. That was unexpected!
When our bodies collided, when our bodies touched. Napa-blush nalang ako sa pangyayari. Pinagpawisan ako nang todo. When I realized I got turned on by that hug. Ugh! Kakabadtrip oh! Ano nang gagawin ko dito? *sabay turo sa junior kong nagpupumilit na lumabas. Hansaklap naman. Kaya pinaharurot ko nalang yung sasakyan para makapunta na sa kolehiyo at matapos ko na yung nag pupumilit na si Junior.
(Jessie's POV)
~
Nakarating na ako sa campus salamat na din at hinatid ako ni Sebastian. Biglang tumunog yung cellphone ko at tumatak sa screen yung pangalan ni Maybell. Sinagot ko naman ito, "Hoy Bruha na Jessica? Nag cucutting ka nanaman ha? Asan ka na? Break na natin. Pumunta ka na dito sa canteen! Bilis! May chichika kami sa iyo! Bilis!" pag sigaw ni Maybell sa akin sa kabilang linya.
"Oo. Sige. Pupunta ako jan. Ako rin meron din akong i-shashare sa inyo." sabi ko naman sa kanila.
"Bilisan mo na! Sige ibaba na namin yung phone namin." sabi ni Maybell kaya. I ended the call. Nagmamadali akong pumunta sa canteenat nakita ko sa isang table si Rayne at si Rayver. Nagtatawanan lang naman sila at yung kamay ni Rayver nakapulupot kay Rayne. Ang saya nila noh?
Nakita ko silang Maybell at Angelique kinakaway nila yung mga kamay para pumunta ako doon. Sumunod naman ako at umupo sa pwesto namin.
"Girl kanina pa yang si Rayver nakikipagharutan diyan sa boyfriend mo. Nga pala bakit hindi mo siya kasama dito?" sabi ni Angelique. Oo nga pala hindi pa nila alam.
"Girl may kinalaman ba yan sa sinasabi mong chicka para sa amin?" tanong ni Maybell.
"Girls, break na kami." umaagos nanaman yung mga luha ko. Nagsilabasan na talaga yung mga luha ko. Yinakap ako ni Maybell at Angelique para patahanin ako. Napahagulhol nalang ako at tiningnan ko sila Rayne sa gilid ng aking mga mata. Nakita kong napa-smirk nalang si Rayver at hinalikan si Rayne sa pisngi.
Hindi ko na talaga kinayanan. Tumakbo nalang ako palabas ng canteen at pumasok ako sa Boys C.R sa isang cubicle at dun ko ibinuhos lahat ng mga luha ko. Hindi ko na kinayanan ang mga nangyari these past few days. Kinukurot yung puso ko sa tuwing makikita ko silang dalawa. Mahal na mahal ko naman talaga si Rayne pero na misinterpret niya yung picture. Hindi man lang niya ako pina-explain.