Pagka-galing ng dalawa sa Camp Aguinaldo ay dumiretso na sina Rouhi at Faith sa Clark International Airport. Doon sila lilipad gamit ang private jet ng mga bin Futtaim. And as much as Faith is excited to go back to UAE, mas pinanabikan niya ang sasakyan. It will be an experience of a lifetime, tulad nang una niyang sakyan ang Lorena. Habang nasa daan ay ginoogle search niya ang maari niyang makita sa loob ng isang private jet. Napahawak siya bibig habang nag-scroll sa cellphone at excited na nilinga si Rouhi na nagda-drive. "Excited?" Tanong nito. Sunod-sunod na tango ang ginawa niya. Wala pa man ay nag-umpisa na siyang panginigan ng kalamnan. "Pero okay lang ba na gamitin natin yun. Baka may masabi ang tiyuhin mo. Or his family." "Rashid have his own private jet Faith. Ang gagamitin n

