Pagkahatid sa kanya ni Rouhi sa bahay ay inaya niya itong bumaba. "I don't think your mother will like it. Bigyan muna natin siya ng panahong makapag-isip." Suhestyon ni Rouhi. "Its still early. Mamaya pa uuwi si mama, lets go." Pagaaya niya rito. "Besides, hindi mo na ako gustong makasama pa." She pouted. Si Rouhi ay bahagyang natawa sa itsura ng dalaga. "Okay, but let me remind you that I don't agree with this." Bumalik ang ngiti sa labi ng dalaga. Inabutan ng dalawa si Ena. Agad nagmano si Faith na siyang ginaya ni Rouhi. Muli, namangha ang matanda sa pagmamano ng binata. "Kaawaan kayo ng Diyos. Ang aga mong umuwi Faith." Ani ni Ena na agad napansin ang kamay ng apo na bahagyang nataranta."Anong nangyari sa kamay mo?" Nagkatinginan ang dalawa. Si Faith ang sumagot. "Aksidente lan

