"Naku madam, okay lang ba kayo?" Tanong ng kasamahang nakatoka sa restaurant na si Carla habang nag-aayos siya ng mga kagamitan sa may counter. Doon na siya dumiretso pagka-galing sa tinutuluyan ni Rouhi. Bakas ang pagka-asiwa sa mukha ng babae sa pagtataka ni Faith. "Bakit mo naman natanong?" Imbes na sumagot ay dumako ang mata nito sa isa sa mga umbrella table na nakatunghay sa dalampasigan at naka-pwesto sa labas ng restaurant. "Ah, dahil sa ex ko?" pangungumpirma niya. "Medyo tinitignan kasi kayo ng ibang staff." Nahihiyang bulong nito na bahagyang lumapit, ayaw marahil marinig ng iba ang sinabi. Ipinagkibit-balikat ni Faith ang tinuran nito. "Hayaan mo na, sila nalang naman ang hindi pa nakaka-move on. Tignan mo nga ang ex ko at may kasama ng iba." Nilangkapan niya ng tawa ang si

