Naku may hindi matutulog mamaya.” Pasimpleng tukso ni Gem nang magka-tyempo itong tumabi sa kanya. Everyone is just happy around them kahit sila-sila lang ang nagce-celebrate doon. “Hoy! bawal pa sa isip mo yang iniisip mo.” Balik-bulong niya rito at pilit itinago ang excitement na biglang naramdaman dahil sa sinabi nito at bumaling kay Rouhi na kasalukuyang kausap ang mama at lola niya. Gusto niyang pagktakhan ang madalas pag-usap ng tatlo pero hindi siya nagtangkang lumapit. Makakasama naman niya mamaya ang asawa niya and she might ask him. Asawa! May init na humaplos sa puso niya sa naisip. At parang may mga dagang nagkakarera sa sikmura niya. Hindi siya makapaniwala. Asawa na niya si Rouhi. She is now Lorena Faith bin Futtaim al Hashimi. Sa kanya lang ito at hindi siya makakapayag

