Nagising ako ng maramdaman ko ang bigat sa tiyan ko. Nang lumingon ako nakita ko si Vice na tulog na tulog pa. Nakayakap siya sa akin, maliwanag sa labas hindi ko lang alam kung anong oras na maaga kasi ako natulog kagabi paguwi pa lang namin dito sa Pagudpod ay natulog na ako. Sobrang pagod ng byahe pauwi dito, nagstay pa kami ng 3 days sa Maynila bago kami umuwi dito sa Ilocos nila Nanay Rosario. Hinawi ko ang mga buhok ni Vice na tumatakip sa mata niya at nakangiting pinagmasdan siya, dinampi ko ang labi ko sa ilong niya at hinalikan ko din siya sa noo niya at sumunod sa dalawang pisngi niya. Tulog na tulog pa din siya, hindi ako nagsasawa na pagmasdan lang siya ang gwapo niya kasi. Hindi ko naiwasan ang sarili ko ng dampian ko din ng mabilis na halik ang mga labi niya at talaga naman

