“Pota naman K! Huling nakita kita umiiyak ka tapos ngayon nagkita ulit tayo umiiyak ka na naman.” Galit na galit na singhal ni Vhong sa kaibigan. Lumuhod si Vhong sa harap nito para yakapin si Karylle, ganito din ang itsura ni Karylle noong bata pa sila noong nadapa ito dahil sa binubully ng mga kapitbahay nila. Doon nagsimula ang pagkakaibigan nila, the time that he helped her to get up at binigyan ng assurance na starting that day siya na ang tagapagtanggol niya sa mga umaapi sa kanya. Ganitong-ganito din ang itsura ni K noon nakaupo at nakasubsob sa mga tuhod niya. Pero iba na to ngayon, ibang dahilan na bakit umiiyak ang kaibigan. Hindi na lang itong simpleng pangbu-bully. Ibang usapan na to’ hindi na lang isang sugatang tuhod ang pinaguusapan dito. Damang-dama niya how broken her fr

