“Sabi ko get a room.” Singhal niya sa akin. “Ah talaga. Let’s go Chris. Let’s get a room.” Inis na inis na hinila ko si Christian palabas ng bar. “K, wait. Vice was just joking.” Pagpigil niya sa akin ng medyo makalayo na kami sa bar. “Hindi nakakatuwa ang biro niya Chris. Eh ano kung makipaglandian siya sa iba’t ibang mga babae wala akong pakealam, eh ano kung nagsasayaw tayo anong pakealam niya don diba?” medyo nataasan ko ng boses si Christian parang umakyat ang alak bigla sa utak ko. Binitawan ko si Christian at nagsimulang tumakbo. Hinagis ko ang wedge ko ang hirap kaya nasa buhanginan na ako. The sounds of the sea made me remember a lot of things. A lot of painful memories. “K, saan ka pupunta?” sigaw ni Christian sa akin but I won’t bother looking back. I keep on running. Hin

