"Ganito ba talaga ang magkaroon ng boyfriend? Grabe naman araw-araw ang kilig, araw-araw masaya! Sana hindi na to' matapos. I'm so happy and contented with him, I always pray to God na sana si Vice na talaga ang taong makakasama ko habang buhay. Lord you're so great I asked for a way to move on pero binigyan mo ako ng sobra-sobra, tomorrow is already our 6th annimonsary ang bilis lang diba?"
Masayang isinusulat ito ni Karylle sa kanyang diary, ang bilis lang kasi ng panahon parang kailan lang para silang aso't pusa. Asar siya kay Vice, pero ngayon masasabi niya na nagiisa na lang ito sa puso niya. Ang tanging lalaki na nagpatibok talaga ng puso niya. Iba kasi ang t***k ng puso na ikaw lang magisa ang nagmamahal kesa sa t***k ng puso na may kasabay ng tumitibok din at yun ang partner mo.
Oo minahal niya si Yael noon pero siya lang ang nagmamahal never itong sinuklian, never niya naramdaman how to be loved.
Nahiga na siya sobrang pagod siya buong araw, meron kasing event ngayon sa resort may naganap na beach wedding dito kanina isang sikat na singer. Tumulong siya sa pagaayos. Hindi na din siya nakakain sa sobrang pagod kaya umuwi na lang siya at hindi na hinintay si Vice na nakikipaghuntahan pa sa mga bisita.
Nanaginip na siya when she felt something heavy landed on her tummy. And those warm breathe giving her tingling feelings on her right ears.
"I love you too much myloves." He whispered. Nawala ang antok niya.
She slowly opened her eyes and saw the love of her life beside her.
"I love you vicey ko." She whispered back. Humigpit ang pagkakayakap ni Vice sa bewang ng kasintahan, pinatagilid niya si Karylle to face him.
"I brought you food sabi kasi ni Ren hindi ka pa daw kumakain." Nag-aalala naman ang tono ni Vice hindi kasi sila masyado nagkita ni Karylle today due to the event awhile ago, tinanong nito ang receptionist na si Ren if kumain na ito kanina ng malaman na hindi pa ay agad na umorder sa restobar ng food para dito.
Pero hindi sumagot si Karylle instead ay sumiksik lang ito sa leeg ni Vice na parang naglalambing.
"Let's go to the dining room, sasamahan kita kumain." Yaya ni Vice.
"Ayaw ko kumain I'm so sleepy, just stay here." Mahinang sambit ni Karylle, nakikiliti naman si Vice everytime dadampi ang mainit na hininga ng kasintahan sa leeg niya.
Kiniliti naman ni Vice sa tagiliran si Karylle para tumayo na ito at makakain na sila, siya din kasi ay hindi pa kumakain as much as he wants gusto niya lagi sila magkasabay kumain. Hindi na nga sila sabay nakakain ng lunch pati ba naman ng dinner.
"Ehhh ayan na naman ang panlaban mo sa akin eh." parang talunan na sabi ni Karylle. Napaupo na kasi siya sa sobrang kulit ni Vice.
"Let's go na myloves gutom na ako." Umupo na din si Vice at ready na tumayo.
"Buhat moko" malambing na request ni Karylle habang nakaluhod sa kama. Vice grinned, naglalambing na naman talaga si Karylle. Ito ang isa sa sobrang minahal ni Vice sa kasintahan. Malambing kasi si Karylle, kahit hindi nito alam na ganoon siya it just comes out naturally.
"Sure kaw pa ang lakas mo sa akin, dapat talaga mag gym na ako para lumaki ang biceps ko ang bigat mo kasi hehe." Tumayo na si Vice at tumalikod sa kama para iready ang sarili sa pagsampa ni Karylle sa likod niya.
"Yehey!" Masayang tumayo si Karylle sa kama at sumampa na sa likod ni Vice, hinawakan naman ni Vice ang dalawang legs niya at nagsimula na maglakad palabas papuntang dining area.
Bumaba na si Karylle at inalalayan naman ni Vice na makaupo ito, isinalin na niya ang dalang pagkain at kumain sa iisang plato. Sinubuan ni Vice si Karylle ng pagkain, pinatong naman ni Karylle ang legs niya sa lap ni Vice at inihilig ang ulo sa balikat ni Vice.
"Bakit myloves, kain ka pa?" tanong ni Vice.
"Namiss lang kita vicey ko." Vice smiled when he heard it. Ang sarap pakinggan lang.
"Ako din sobrang miss kita, sorry if I'm busy nitong mga nakaraan na araw. I'll make it up to you promise." He said at hinalikan si Karylle sa noo nito.
Napapapikit naman si Karylle. At nakangiting umangat ang ulo nito at tinignan si Vice.
"Wag ka magbabago sa akin ah. Whatever happens, kahit anong mangyari, kahit anong pagsubok ang maranasan natin please stay with me." Karylle said, seryoso ito habang nakatingin sa mga mata ni Vice.
"Oo naman hindi kita iiwan, I won't promise you na lagi tayong masaya. I'll just do all my best for this relationship to work. Kahit ano pang mangyari." Mahihimigan ang sensiridad sa boses ni Vice. For the past few months that they were together pinipilit ni Vice na maging tunay na lalaki para kay Karylle sa gawa at sa kilos.
"Salamat, thank you for loving me. Hindi ako magsasawa na ipaalala sayo how happy I am to have someone like you." Nagiging emosyonal na si Karylle, until now kasi in shocked pa din siya she never imagined na meron isang tao na magmamahal sa kanya. Ang gusto niya lang ay makalimot pero ang tadhana ay binigyan siya ng isang Vice na nagbigay kulay sa buhay niya.
"Myloves! Yan ka na naman I don't like to see you crying please" he cupped Karylle's face. Nagbabadya na kasi ang mga luha sa mga mata nito.
"Kasi ang sarap sarap mo magmahal" humihikbing sabi ni Karylle.
"I know ganoon ka din, I love every little thing about you." Pinipigilan niya mang-gigil kay Karylle dahil ang cute nito magdrama.
Karylle gave him a quick kiss on his lips. "Para yan sa pagiging gentleman mo."
Another smack. "Para yan sa pagiging thoughtful at caring mo sa akin."
Isa pang mabilis na kiss. " For being my knight in shining armour."
She kissed again Vice but for her surprised, hinawakan siya ni Vice sa batok niya to deepen their kisses.
He's caressing Karylle's hair while searching for her tongue, mas lalong naging intense ang kaninang simpleng halik lang. Para silang mga uhaw sa halik ng isa't isa.
"Don't do this to me myloves, baka hindi ko na mapigilan." Vice said in between their kisses.
"Ehh" Karylle replied at sinakop ulit ni Vice ang mga labi niya. And she just willingly response.
***
Nagising si Karylle sa alarm clock niya, she really set this up dahil yayaain niya si Vice na magjogging. After niya maghilamos at magtoothbrush ay agad niyang pinuntahan sa kwarto niya ang kasintahan.
That's what he like most about Vice, he never took advantage with the fact that they were living in the same roof. Sa sariling kwarto pa rin nila sila natutulog, eventhough lagi siyang sinasabihan nito na baka hindi na ito makapagpigil ay hindi naman ito natutuloy. Malakas naman kasi ang self control nilang dalawa.
Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa kwarto ni Vice at tahimik na tumabi dito. Ang cute nito matulog naka-nganga pa. Kung may langaw lang baka nagfield trip na ito sa bibig niya.
Dinantayan niya ito ng binti niya pero hindi man lang naramdaman ang presensya niya.
"Vicey ko gising na. Vicey ko gising na." paulit-ulit na bulong niya sa tenga nito. Hindi man lang ito nagising.
Hinalikan niya ito sa buong mukha nito. Waley pa din hindi pa din gising.
Nakanguso na nagiisip si Karylle, she kissed him on his lips. "I love you Vicey ko wake up na."
Tatayo sana siya pero nagulat siya ng hatakin siya ni Vice pabalik sa kanya. Nang tinignan niya ito ay nakangisi ito kanina pa pala gising ini-enjoy lang ang mga halik ni karylle.
"Daya mo! Gising ka na pala." Nagtatampo na sabi ni Karylle.
Tinawanan lang siya ni Vice. Tatayo ulit si Karylle ng hilahin siya ulit ni Vice at nasobrahan ang lakas kaya napapapatong siya kay Vice. Agad naman nanlaki ang mga mata niya, kasi may naramdaman siya na matigas sa pagitan ng hita ni Vice sakto pa to na nakatutok sa gitna ng hita niya din. Kahit si Vice ay nabigla din.
"Sorry myloves si junjun kasi gusto maghello sayo." Nahihiyang sabi ni Vice. Hindi naman makagalaw si Karylle feeling niya kasi gumagalaw ung alaga ni Vice sa gitna niya. Para naman siyang naiiyak na, hindi niya alam paano tatayo at makaalis na sa nagising na alaga nito.
"Patulugin mo yan si junjun mo ngayon din." Hapong-hapong sabi ni Karylle. Ang lakas kaya ng t***k ng puso niya. First time niya kaya makaramdam ng ganito isang naghuhurementado na junjun.
"Opo wit lang." agad naman na inalis ni Vice sa Karylle sa ibabaw niya at tumayo para pumunta sa banyo. Naiwan naman si Karylle na tulala pakiramdam niya ay napagsamantalahan siya ni junjun.
"Ikaw junjun tinatakot mo ang myloves ko. Sige ka magkaphobia yun, baka hindi ka pa makapasok sa kaharian niya." Suway ni Vice sa junjulego niya. Ibinaling ang atensyon na lang sa paghihilamos, hindi napigilan na mapapahalakhak ng makita niya ng pumikit siya ang itsura ng girlfriend niya ng magtagpo ang junjun all the way niya.
Paglabas ng kwarto niya ay wala na si Karylle, naabutan niya ito na ng titimpla ng kape.
"Bakit ang aga mo nagising?" tanong ni Vice.
"Magjogging tayo." Sabi nito pero hindi man lang makatingin ito sa kanya.
Napakabit balikat na lang siya at humigop ng mainit na kape. Pinipigilan niyang mapangiti baka kasi maasar na si Karylle sa kanya. Epic talaga. Napailing-iling na lang siya habang slowmo sa utak niya ang mga nangyari kanina.
Lumabas na si Karylle na naka ¾ na black leggings, white running shoes at black sando with her white sunvisor. Meron din itong bimpo na nakaikot sa leeg nito.
Hindi maiwasan na mapatingin mula ulo hanggang paa si Vice sa girlfriend nito. Ang kurba! Naguumapaw.
Tinapik ni Karylle si Vice na kasalukuyang nakatulala. " Tulaleng ka na naman? Let's go. Gusto ko magpapawis." Tumakbo na si Karylle at iniwanan na si Vice na nakatingin lang sa likod.
Karylle's hair are swaying while she's moving. Sumunod na din siya at hinabol si Karylle paakyat sa main road. Doon kasi sila tatakbo mahirap kung sa buhanginan kasi.
"Myloves may lakad ka ba? Ang bilis mo naman eh." Hingal na hingal na si Vice wala pa silang kalahating kilometro ay sobrang pagod na siya. Napahawak na siya sa dalawang tuhod niya, tumigil naman si Karylle at nilingon siya.
"Bakla ka ba? Ang bagal mo tumakbo." Pang-aasar ni Karylle dito. Umasim naman ang mukha ni Vice.
"Sinong bakla? Tubuan ng dimple sa panga." Sigaw ni Vice, inipon niya ang lakas niya at hinabol si Karylle. Pabelat-belat pa ito habang nakembot.
"C'mon and get me get me get me baby I'm yours c'mon and get me." Kumakanta pa si Karylle habang pinagmamasdan na si Vice na tumatakbo papalapit sa kanya.
"Pag nahuli kita anong prize ko?" ani Vice.
"Ang puso ko." Malanding sabi ni Karylle.
"Hmm I already have it since the first time you saw me patay na patay ka na sa akin diba?" ganting pang-aasar ni Vice.
"In your dreams Josemarie." Kinikilig na tumalikod si Karylle at tumakbo ulit. Para silang mga praning sa gilid ng daan, since konti lang ang mga sasakyan na dumadaan ay wala silang humpay sa pagsisigawan.
Pagpapalitan ng pang-aasar sa isa't isa.
"Andito na kami ni junjunbells all the way." Tawa ng tawa na sabi ni Vice malapit na siya kay Karylle unting kembot na lang.
"Yuckkkkk. Layuan mo ako." Maarteng sagot ni Karylle. Gusto man niyang bilisan ang takbo pero bigla siyang nanghina naalala niya kasi ang awkward na esksena kanina.
Huli na ng mahagilap niya ang kaunting lakas. Kasi yakap na siya ni Vice mula sa likod niya.
"Huli ka balbon." Vice wrap his arms on Karylle's waist.
Saglit na yakap lang yun, pumunta siya kaagad sa harap ni Karylle para punasan ang pawis nito sa mukha, sa leeg, braso at sa likod nito at ganoon din ang ginawa ni Karylle.
"Thanks vicey ko."
"Wag na tayo tumakbo super pagodchi na ako." Reklamo ni Vice. Pumayag naman si Karylle nagholding hands na lang sila habang naglalakad.
Naglakad pa sila hanggang sa makarating sila sa isang 24hours na bulalahon. Mahigit isang oras na din kasi silang tumakbo at naglakad kaya gutom na gutom na sila. Bago sila makapasok sa loob ay may bumusina sa kanila hindi naman nila makita kung sino ang nasa loob.
Binaba nito ang bintana sa passenger's seat.
"Hi Vice, hi karylle." Bati nito.
"Oh Christian." Gulat na sabi ni Vice.
"Where are you two going?" tanong nito.
"Kakain lang dito." Si Vice ang sumagot.
"Can I join?"
"Oo naman" si karylle naman ang sumagot. Nagpark na si Christian at sumunod sa dalawa.
Umorder na si Vice ng agahan nila habang si Christian ay may kausap sa phone.
"Nga pala Vice magcheckin kasi kami sa resort mo for maybe two days with my crew, papunta na talaga ako doon buti nakita kita." Bungad ni Christian pagupo palang.
"Talaga anong meron? Akala ko bumalik kana sa US."
"Yah I just came back to shoot my new music video. And I suggested na sa resort mo gawin." He said while browsing the menu.
"Wow. Pwede manood?" masayang sabi ni Karylle, after kasi ng pageant ay nakita nito ang mga music video ni Christian huling huli na siya to know na napakasikat na singer pala nito ni Christian ang ganda ng mga kanta nito, pinakita kasi ni Anne ito dati.
"Of course, actually I'm trying to convince Anne to get your number gusto ko kasi ikaw sana kaduet sa mga sinusulat ko na kanta I'm going to release my first album here sa Philippines." Ani Christian madami pa sana siya sasabihin pero sumingit si Vice.
"Hindi pwede busy siya." Mabilis na tanggi ni Vice.
"Hmm, possessive boyfriend huh." Komento ni Christian.
"Telege." Ungot ni Vice.
"Tama nga si Anne, kaya pala ayaw ibigay number mo Karylle. Tong boyfriend mo. Haha grabe Vice I really can't imagine you really changed. Congrats to both of you pala." Lumapit na ang serbedora ang kinuha ang order ni Christian.
"Myloves bakit hindi ko itry malay mo may future ako sa singing?" sabi ni Karylle, Vice rolled her eyes at sumama ang mukha nito.
"Nope ang future mo ay nasa akin lang ang maging housewife ko. Wala ng iba."may pagdidiin sa huling sinabi nito.
"Wow cheesy Vice, nice huh ang sweet mo." Natatawang sabi ni Christian.
"Wala kang pake." Pairap na sabi ni Vice. Kinilig naman deep inside si Karylle sa sinabi ng boyfriend niya.
Tahimik na lang silang kumain. Sumabay na sila kay Christian papunta sa resort, hinayaan na nila muna si Christian sa reception at nagpatuloy lang sila Vice maglakad sa dalampasigan.
Lagi nila itong ginagawa pag may free time sila ang magpahangin at pagusapan kung ano-ano under the sun. Nakarating na sila sa tambayan nila ang mabatong part ng resort. Kung saan sila pwedeng umupo at magtampisaw.
"Vicey ko." Tawag ni karylle kay Vice.
"Yes myloves."
"Happy 6th monthsary." Nahihiyang sabi niya.
"Ohh myloves ang bilis ng panahon anim na buwan na tayong naglolokohan." Nakangising sabi ni Vice, inirapan naman siya ni Karylle at tumalikod dito.
"Joke lang to naman hindi na mabiro." Pag-aamo ni Vice, inangkla niya ang kamay niya sa braso ni Karylle.
"Ang sakit you know." Mahinang sambit ni Karylle. Mukhang nagtatampo.
"Sorry that was a joke." Seryosong sabi ni Vice.
"Joke are half meant." May hinanakit sa sinasabi nito.
"Hmm halika nga dito nagtatampo ang mahal ko." He wrapped Karylle on his arm and hug her tight.
"Sorry na myloves joke lang talaga yun promise." Inihilig niya ang ulo ni Karylle sa dibdib niya maybe she can hear his heart to prove that he's saying the truth.
"Promise joke lang yun?" parang bata na sabi ni Karylle.
"Oo promise. Honesto!" tinaas pa ni Vice ang kamay niya act na he's saying the truth and a promise.
Nakangusong inangat ni Karylle ang ulo niya at tinignan si Vice." Niaaway mo ko."
Umiiling lang si Vice."Bad ka!" sabi ulit ni Karylle.
"Ang cute ng myloves ko." He said at sabay halik sa mga labi ni Karylle.
"Happy monthsary my bebeloves." Ani Vice at sumilay na ang mga ngiti sa labi ni Karylle.
"Ang pogi talaga ng vicey ko. Loveyou vicey ko." Bumalik na ang good aura ni Karylle.
"I love you too much" tumayo si Vice at niyaya si Karylle sa mga puno na nasa paligid.
Nagtataka naman si Karylle bakit sila andito, naghahanap naman si Vice ng isang matulis na bato meron kasi siyang gusto na gawin regalo niya para kay Karylle.
"Pwede talikod ka. For maybe mga 10minutes." Vice asked. Kahit naguguluhan ay napapayag si Karylle she sat on a little rock just near Vice.
Kahit hirap sa ginagawa ni Vice na sorpresa sa girlfriend niya ay hindi niya ito ininda ang sakit ng kamay niya sa sobrang higpit na hawak sa bato. Nang matapos siya ay lumapit siya kay Karylle at tinakpan ang mga mata nito.
"This is the sign of my undying love to you myloves, you may now open your eyes." Kumurap-kurap muna si Karylle medyo lumabo kasi ang mga mata niya.
She was in state of shock, kilig and happiness when she saw it. Inukit kasi ni Vice sa puno ang isang malaking puso with;
Vice Pogi
Loves Kurba
♥
Wala siya ma-say, she just hugged Vice and whispered how she loves him.
"One day, someone will walk into your life and make you see why it never worked out with him. And that day already came myloves."