YES ARIA I don’t exactly know what’s running inside George’s mind. I also don’t quite understand just what he’s doing. Basta kaninang umaga, nabigla na lamang ako nang lumabas sa living room at nakita ang sandamakmak na designer boxes and paper bags roon. He didn’t tell me anything about the packages kaya nabigla ako roon. Ilang sandali ko pang tinitigan ang mga iyon habang kunot na kunot ang noo. I knew they were for me. Kanino pa ba? Ako lang naman ang narito. Nagdalawang- isip pa ako kung bubuksan ang mga iyon pero sa huli ay nagpadala na din sa kuryosidad. Naupo ako sa sofa at unang inabot ang pinakamalapit na box. On the outside was the familiar logo of one of my favorite brands, Christian Louboutin. Sa ibang pagkakataon, or let’s just say, kung ako ang bumili niyon or inireg

