CHAPTER 34 Nakatulog ako ng gabi na iyon, nagising na lamang ako suot pa rin ang damit ko kagabi. Agad ako nagpalit at lumabas ng kuwarto. Tahimik ang buong bahay, 'walang tao at tila nakakabingi ang katahimikan. Naglakad ako patungo sa dining room at uminom ng isang basong tubig sa mesa. Tulala akong inaalala ang lahat ng nangyari kanina bago ako makaulog sa kwarto ko. Nakita ko rin sa orasan na alas-siyete na ng gabi. Nag tatanong sa isipan ko kung nasaan si Mommy, batid kong malawak at malaki naman ang bahay namin ngunit 'wala naman ibang pupuntahan ang Mommy ko kung hindi sa sala lamang para uminom ng alak roon. Ngunit nasaan siya ngayon? Nang matapos ko uminom ng tubig ay nilibot ko ang kabuan ng bahay. "Mom!" malakas kong tawag habang hinahanap si Mommy sa kabuan ng bahay namin.

