Masama ang loob ko kay Elvis, hindi dahil sa ayoko sa kaniya kung hindi dahil sa uri ng pag kikilala namin nito. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko alam paano nangyari, tila nagising na lamang ako isamg araw nasa buhay ko na si Elvis na kahit sa isipan at panaginip ko ay hindi ko alam na mangyayari ito. Hindi ko alam kung anong namamagitan sa amin. Sinasabi nitong gusto niya ako pero hindi ko kaya paniwalaan iyon. Ang nais ko lamang ay maging masaya habang nasa piling ko pa ito ngunit tila mapaglaro ang tadhana. Paanong nakapag paalam ito sa Mommy ko? Paanong nalaman ni Mom at naniwala siyang nobyo ko si Elvis. Magulo ang isipan ko ngayo'y nakatitig sa malaking salamin. Mula sa likuran ko at sa salamin ay nakita sa likuran ko si Elvis. Nakapamulsang nakatayo at nakatitig sa akin.

