Elvis pov. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag kay Mitch, ang lahat ng nangyari. Kung bakit napunta sa ospital ang ex-boyfriend niyang si Max. Nang gabing makita kong lasing sa bar si Mitch ay nakita ang mahinang pagtawa ng dalawang taong kasama ni Mitch sa mesa. Matapos makita ako ni Mitch at tumayo ngunit natumba sa kalasingan, nakaramdam ako ng inis nang gabi na iyon. Ipinag 'walang sa bahala ko na lamang at agad nilapitan si Mitch, inakay ko ito palabas ng bar at agad isinakay. Akmang sasakay na rin ako ngunit nakita kong lumabas ng bar ang isang lalaki. Sumigaw ito at pilit binubuksan ang pinto ng sasakyan ko. Pinigilan ko ito at sumenyas sa dalawang tauhan ko na h'wag makialam, binalingan ako ng lalaki at pilit binubuksan ang pinto ng sasakyan ko para kunin si Mitch. Nagpakilala a

