Natulala ako rito habang nakatitig. Mabilis ako nag alis ng tingin rito at nag salita. "Kung hindi ka pa tapos ako na lamang ang lalabas ng banyo," wika ko rito ngunit agad pinigilan nito ang braso ko. "Saan ka pupunta?" kunot noo na tanong nito. "Lalabas ng banyo," mahina kong turan rito. "Hindi na kailangan, ako na lang ang lalabas," saad nito at nasa akin ang tingin nitong muli nagtapis sa katawan ng tuwalya. Lumabas ito ng banyo at naiwan akong nag iisa, natahimik ako at hindi agad nakagalaw. Nag pasya akong tanggalin ang kumot naka balot sa katawan ko at binuhay ang shower. Bumubos sa katawan ko ang tubig at binasa nito ang buong katawan ko. Tahimik akong nakatayo at iniisip si Elvis, anong klaseng lalaki ito. Anong klaseng tao ito, napapa isip ako. Kaba at takot ang nararamdama

