"Hindi ko alam, okay. Wala akong oras para magpaliwanag pa sayo," mahabang turan nito. "Anyway, how do you feel right now?" dugtong nito. "Maayos na," saad ko at nag alis ng tingin rito. "Ikaw ang mag pahinga dahil sa sugat na tinamo mo," wika ko rito habang wala ang tingin ko rito. Lumipas pa ang ilang oras at sinara ko na ang kurtina ng bintana. Binalingan ko si Elvis habang mahimbing na ang tulog. Nakapikit na ito at dahan-dahan ko nilapitan. Inayos ko ang kumot nito at napatitig sa malapad na dibdib nito. Pataas sa maamong mukha nito. Pinagmasdan ang maamong mukha nito at makakapal na pilik mata. Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo sa harap nito. Nag buntong hininga ako at akmang tatayo na ngunit naramdaman kong humawak ang kamay nito sa kamay ko. Natigilan ako at napatingi

