Sandali ako nito tinitigan habang nakaupo sa sofa. Nakalapat sa sofa ang dalawang kamay. Hindi ito umiimik at nakatitig lamang sa akin. Nakatayo lamang ako at nakatitig rin rito. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa taas baba nitong uri ng pag titig sa akin. "Ba-bakit?" kunot noo at nauutal na tanong ko rito. "Don't tell me pinag tatanggol mo ang lalaking 'yon? So, bakit? O baka naman pinapasok mo talaga s'ya sa kwarto mo? O, sa banyo?" mariin nitong sambit at natigilan ako. Aba siraulong ito, anong pinag sasabi nito. Bakit ko iyon gagawin? Alam kong hindi ako kagandahan pero hindi ako ganoon uri ng babae para papasukin ang hindi ko naman na lalaki sa banyong pinaliliguan ko. "H-ha?!" gulat kong sambit rito. "Then hayaan mo ako kastiguhin ang lalaking iyon, Mitch," saad nito. "Wala s'y

