Chapter 13: Confused

1220 Words
SAMANTHA LOPEZ I was in the middle of something ng tawagin ako ni Nenang. "Kanina pa kita tinatawag di mo man lang ako pinapansin." malungkot na turan bi Nenang sa'kin. Tahimik lamang ako ngayong araw, hindi ko alam pero lumilipad namaman yung isip ko sa tuwing naalala ko si Pat. "Ang lalim nanaman ng iniisip mo. May problema ka ba?" takang tanong ni Nenang sa'kin. Ngumiti lang ako saka pumasok sa Kusina uang kumuha ng makakain. Pati gutom ay di ko na naramdaman, dala ito ng stress at pagiisip masyado sa babaeng iyon. Masyado ka ng stress Sam. You need to focus! Ang dami ng nakakapansin sayo. "Magsilapit kayo." sigaw ng bakla naming manager. Nasilapit na kami sa counter. Pasara na din kasi ang store namin. "Kinausap ako ng may ari at gusto niya pang maghire tayo ng mga bagong staff. At ngayon, naglulunsan kami ng mga interviews. Medyo nakakastress na nga e. Dahil marami na kaming trabaho. Ngayon, magpopromote ako ng isa sa inyo para maging TL niyo. Now, sino ang gusto niyong maging TL?" nakikinig lang ako sa sinasabi ng manager. Nakapawalumbaba pa ako habang nakikinig, dala na din ng pagod at antok. Natahimik ang lahat, saka nagtinginan ang lahat sa'kin na ikinataka ko. "Oh ikaw daw ang gusto ng taong bayan." sabi ng bakla. Boset! Stress nanaman to. "A-ako? Bakit ako?" sabi ko sa mga kasama ko. "Ikaw lang nakikita naming dedikado sa trabaho kaya gusto namin na ikaw maging TL." ngiting sabi ni Angelo. Sang ayon ang lahat sa sinabi na iyon ni Angelo. Na siyang dahilan para di na ako makatanggi. "Okay, from now on ikaw na ang TL. I'll set my high expectations to you Ms. Samantha ha? At saka ikaw na ang magtetrain sa mga bago." sabi naman ni bakla. Nakakainis naman. Napakamalas ko naman! Nagsiuwian na kami, habang naglalakad ay naiisip ko nanaman si Pat. Naaalala ko lagi yung nangyari samin sa Bar at sa bahay niya. Nung gamutin niya nga sugat ko. Di ko alam kung kikiligin ako e. Habang naglalakad pauwi, medyo madilim na din kasi ay nakakita ako ng isang stuff toy. Matanda ang nagbebenta. Color pink ito, unicorn ang itsura kaya napukaw ang atensyon ko. "Neng bilhin mo na yan. Bigay ko nalang sayo ng 200." sabi nung ale. Halatang pagod na pagod na ito kakahintay na makabenta siya. "Wala pa akong benta kahit isa. Hinihintay na ako ng mga anak ko sa bahay." halata ang lungkot sa kanyang tinig ng sabihin niya ang mga iyon sa'kin. "Ah---eh." hesitant pa akong bilhin pero dahil gusto ko ng makauwi si Manang para sa kanyang mga anak. Nagbigay ako ng 300 sa kanya kahit 200 ang bigay niya sa'kin. "Heto po, umuwi na ho kayo." Naalala ko na may pagkain pala ako sa bag ko. May free meal kasi kami sa trabaho at di ko iyon nakain. Kaya agad agaran ko itong kinuha sa bag ko, saka ibinigay sa ale. "At saka heto pa pong pagkain, dalhin niyo na ho iyan." Tuwang tuwa ang ale kaya may binigay pa siya sa'kin na isang stuff toy. Galak na umuwi siya, lumakad na din ako palayo. Magkapareho ang ibingay niya sa'kin. Bilang pasasalamat niya daw iyon sa nagawa kong kabutihan sa kanya. Tiyak na matutuwa daw ang mga anak niya dahilmay kakainin sila ngayong araw. Nakakatuwa at nakakagalak ng puso na makatulong ka sa ibang tao, at sa simpleng bagay lang na ginawa mo ay todo pasalamat na sila sayo. Habang naglalakad ako ay hindi ko namalayan na nakasunod na pala sa'kin si Pat. "Bulaga!" sabi niya. Halos maitago ko yung dalawabg stuff toy na hawak ko. "Ano yan?" sabi niya. Hindi ako nagsasalita pero mapilit siya. Hanggang sa sumuko na ako at naipakita ko sa kanya ang stuff toy na bitbit ko. Kinuha niya ang pink at akin daw ang cream na color na isang hawak ko. Para siyang bata at tuwang tuwa na hawak yung stuff toy. "Bakit nasa labas ka pa?" sabi ko sa kanya. "Wala lang, wala ako magawa sa condo e." sabi niya sa'kin. Di ko naman maiwasan magaalala lalo na't pansinin siya ng mga lalaki sa daan. "Tignan mo nga yang suot mo! Halos expose na yang katawan mo! Lalabas ka na nga lang---" napatigil ako sa mga sinasabi ko ng bigla siyang sumabat. "So... Concern ka?" parang bata na nakangisi ang loko. "Letse!" inis na sabi ko at nagdere- deretcho ako sa paglalakad. Kahit anong tawag niya sa'kin ay di ko siya pinapansin. "Sam! Tulong! Sam!" napatakbo ako bigla sa direksyon niya, nawala din siya sa paningin ko. Hinanap ko siya. Kinabahan ako. "HAHAHAHA." Tawang tawa pa siya na pinagtitripan ako. "Aba eh ang galing mo naman umarte. Letse ka! Umalis ka nga sa daraanan ko at uuwi na ako. Wala akong panahon makipag biruan sayo!" inis at nang gigigil na sabi ko sa kanya. Naglakad na ako paalis ngunit hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Niyakap niya ako mula sa likod. "Namiss kita Sam." dama ko ang paghinga niya mula sa tenga ko. Hindi ako makagalaw sa mga oras na iyon. Parang tumigil nanaman ang oras at pintig ng puso ko, hindi ako makapalag dahil parang gusto ko din yung ginagawa niyang pagyakap sa'kin. Walang nagsalita, walang gustong kumalas sa yakap na iyon, walng gustong bumitaw. Dinadama ang bawat sandali na parang kami lang ang nasa lupaing ito. Di ko namalayan na nagsalita na ako at nasambit ko ang mga katagang "I miss you too." sa mga sandaling iyon, alam ko sa sarili ko na totoo ang mga sinabi kong iyon. Pinaharap niya ako, tinignan sa mata. Kitang kita ko ang ganda niya sa malapitan. Namangha nanaman ako sa ganda na meron siya. Ano ba ang meron siya na wala sa ibang babae na nakilala ko? Maganda siya oo, pero yung ugali na meron siya puro negativity nalang abg naririnig ko about sa kanya. "Alam ko, mahirap paniwalaan, pero..." humugot muna siya ng malalim na hininga bago niya sabihin sa'kin ang mga salitang... "I think I'm in love with you Sam. I can't help thinking about you everynight, missing you everyday. Parang hindi kumpleto ang araw ko pag di kita nakikita. Yes, I admit it. May nararamdaman na ako sayo, it feels so right na sinasabi ko to sayo ngayon kasi I want you to know what I feel about you. I always make time to see you kahit sa malayo. Lagi na akong lutang sa kahit saang lugar kasi bigla bigla ka nalang napasok sa isip ko ng walang dahilan. Weird right? Pero totoo lahat yan. I can't help falling in love with you." napaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ako makapagsalita. "I know na nabigla ka sa sinabi ko. Pero... Handa ako maghintay sayo. Wag ka magaalala, hindi ako lalandi o titingin man sa iba." assurance niya na ako lang ang gusto niya. Hindi ko alam na may side pala siya ng pagiging seryoso niya bukod sa pagiging maldita at maarte niya. Hindi ako sumagot. Bagkus, isang ngiti nalang ang naging sagot ko dahil nalilito pa ako. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya lalo pa att alam ko na may mga senyales sa'kin na gusto ko din siya. Pero sa ngayon, mas okay na kilalanin muna namin ang isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD