PATRICE FLORES VILLAFUERTE
This past few weeks ang lalim ng iniisip ko, most of the time kasi ay iniisip ko kung paano ko mapapasagot di Sam ng matmis niyang Oo. I want to make an effort, not just typical type of Patrice lang.
"Rizz can we talk for a bit?" sabi ko sa kanya na habang busyng busy ito sa pagsisilbi sa kanyang gf na si Bianca dito sa canteen. Lunch break na kasi e so medyo madaming tao na.
"Yes? Why?" tugon naman niya saka kami lumabas ng canteen upang makapagusap.
"What is it Pat? May problema ba?" takang tanong ni Rizz.
"Ah--eh..." nagaalanganin ako, hindi kasi ako sanay na magsabi o magpaturo man lang sa kanila na mga kaibigan ko sa mga problema ko, but this one is different. I need to ask for help. "I just want... Ahm... To ask you something."
"What? Gutom na ako Pat. Ayokong pinaghihintay---" pinutol ko na ang sasabihin niya at aad na sumabat sa kanya.
"Paano ba m-manligaw?" I am stuttering right now. This is my first time! For pete's sake!
Napatakip siya ng bibig at pinipigilang di matawa. Hello? Seryoso kaya ako?
"Pat? Seryoso ka? Nagpapaturo ka... Manligaw?" sabi ni Rizz habang nakatakip ang mga kamay nito sa bibig niya.
"Yes! I'm f*cking serious." sabi ko saka siya inirapan.
"Okay okay, relax I just want to make sure kung seryoso ka dan sa sinasabi mo. Well, syempre you need to do some effort ." proud na sabi niya, dahil syempre may experience na siya kay Bianca noon at hiningi niya din ang tulong namin nun. So ako naman ang kailangan ng tulong ngayon dahil hindi ko talaga alam kung paano manligaw o manuyo ng babae. Sa kaartehan kong ito, hindi mo aakalain na magiinsist akong mapa Oo si Sam. My gad.
"Eh teka, sino ba ang new girl mo ngayon at kailangan mo pa ng ligaw?" takang tanong ni Rizz sa'kin.
Sasabihin ko ba sa kanya? Kasi pagkakaalam ko, eh magkakilala sila ni Sam.
"Well, amm... Si ano..." sasabihin ko na sana ng biglang bumukas ang pinto mg canteen at iniluwa nun si Bianca para tawagin na kami upang makakain na.
"I'll just... Text you later." sabi ko nalang saka pumasok sa loob ng canteen.
Lutang ako maghapon sa klase ko, wala akong ibang maisip kundi si Sam at kung paano ko ba makukuha ang matamis niyang Oo gayong aminado na ako sa sarili ko na mahal ko siya. Yes, mahal ko na si Samantha at ayoko ng pigilan pa ang kung anong nararamdaman ko para sa kanya.
"Hey, Pat? Are you okay? Not feeling well?" nagaalalang tanong ni Queenie sa'kin habang kinakapa ng mga palad niya ang noo at leeg ko.
"Nah... I'm okay, I just need some rest, I feel tired." pagdadahilan ko nalang sa kanya."
Natapos na ang klase at heto nanaman ang uwian. Medyo excited na din kasi akong umuwi, its 6:30pm in the evening and I want to spend my time with Sam. Hays. I feel so inlove.
Dumaan muna ako sa flower shop, kung saan bumibili kami ng flowers ni Mommy noong bata pa ako. Mahilig kasi si Mama sa bulaklak lalo na kapag fresh pa.
"Hi Ma'am Patrice Villafuerte!" bati sa'kin nung nagaassist dito sa flower shop.
"Please arrange a flowers for me." sabi ko doon sa nagaassist. "And please dapat may red roses dyan ha?" sabi ko habang masaya akong kinuha ang phone ko sa bulsa ng blouse ko saka nagtype upang itext si Sam.
"Sammie, andyan ka pa ba sa work mo?"
Habang hinihintay ang reply niya ay naisipan kong dumaan din sa isang gift shop kung saan bibilhan ko siya ng isang human sized teddy bear.
Wow. Sobrang effort ko naman. Sabi ko sa isip ko pero lihim din akong napapangiti sa mga ginagawa ko.
Makaraan ng ilang oras na paghihintay, sa wakas ay natapos din nila ang pinapagawa kong bouque ng rosas, bitbit ko ang nabili kong human sized teddy bear pati na din yung bulaklak. Medyo mahirap dahil hindi ko makita ang daan at sa dami ng bitbit ko, dahan dahan na lamang akong naglakad paroon sa kotse ko.
Nang makarating ako sa sasakyan ko ay dahan dahan kong inilapag yung flowers at teddy bear saka binuksan ang compartment ng kotse ko at maingat na inilagay yung teddy bear doon, nang matiyak ko na okay na ang lahat ay pumaroon na ako sa driver's seat saka iniligay yung bulaklak sa passenger's seat. Pinaandar ko na din ang kotse, habang hinihintay kong uminit ang makina ay tsinek ko muna yung cellphone ko kung may text ba si Sam ngunit wala.
Ano kaya ang ginagawa non? Supposedly wala na siyang work sa mga oras na ito.
Tinigil ko muna ang pagiisip saka pinasibad ang sasakyan patungo sa resto na pinagtatrabahuan niya.
Makaraan ng ilang minutong byahe ay ipinark ko ng maayos ang sasakyan, hinfi ko muna nilabas yung teddy bear, yung bulaklak muna ang kinuha ko.
Habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan ng resto ay isang mabilis na pagtibok ng puso ko ang kumawala. Kinakabahan ako kasi perstym kong manligaw.
Pagpasok ng resto ay agad kong hinanap si Sam. Bakit hindi ko sya makita?
Pumaroon ako sa waiter station at agad kong tinanong ang isang crew doon, "Hi! Where is... Sam?" sabi ko habang hawak yung bulaklak.
"Ay si Sam po? Nagtetrain pa po siya ng mga bago at OJT namin dito, siya kasi naatasan ng boss superior namin na magtrain sa kanila." sabi nung isang bruskong lalaki doon, may itsura naman sana kaya lang mukhang beki.
"Hintayin niyo nalang po muna siya."
Tumango nalang ako dun sa guy, medyo nadisappoint lang ako kasi di ko sya agd nakita.
I've checked my wrist watch and it's already 8:30 pm in the evening pero wala pa rin siya.
Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko, hindi pa ako nag hintay ng ganito katagal sa isang babae, wala pang 30mins inip na inip na ako at iiwan ko talaga pero pag siya? Bakit parang di makagalaw ang mga paa ko na umalis at iwan nalang ang bulaklak dito? Pwede ko naman gawin iyon pero hindi ko talaga kaya.
Medyo pagod na din ako, whole day class kasi ako ngayon mula 7:30am ng umaga hanggang 6pm ng gabi.
Imbis na mainip ako, mas minabuti ko na manood na lang ng movie sa cellphone ko para di ako mabore. Yung pinapanood kong movie is a Lesbian type of movie, yung tema niya is masyado na silang fall sa isa't isa pero hindi pwede kaya nageenjoy naman akong manuod nito, about love e.
Habang nanonood ako ng mga nakakakilig na scenes, naiimagine ko na kami ni Sammie ang nasa eksena, magkaholding hands, magkayakap, magkahalikan.
Tumibok na naman ng mabilis ang puso ko ng maisip ko ang salitang halikan. s**t! Naalala ko tuloy kung gaano kalambot ang mga labi niya na nakalapat sa labi ko.
Nakaearphones ako kaya wala akong nariuinog na kung sino man ang nagsasalita sa harapan ko.
Makaraan ng ilang oras na panonood ay wala pa rin siya. I called her phone for several times pero no answer siya. I even asked the other crew kung dumating na ba sya at baka hindi nahagilap ng mga mata ko ang pagdating niya pero ang sagot nila ay hindi pa daw at mukhang matatagalan pa daw ito bago makabalik.
Kung kailan naman handa na akong manligaw saka naman siya wala! Kakainis.
Yamot na naupo ako sa upuan ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang antok at pagod.
Sana pag gising ko, andyan na siya.