9 | Trip

2072 Words
Join this f*******: Group to read my stories fkor free: Juanna Balisong STORIES [A/N: Hi there, Juanna here! Maraming salamat sa matiyagang paghihintay❤ Pasensya na po talaga at sobrang natagalan ang update dahil super nabusy lang po ang tamad ninyong author T^T] ENJOY READING! (/>oMATAPOS mananghalian ay tinulungan naman nila Andrea at Damien si Kakang Douglas sa pag-ani ng mga tanim na kamote at patatas. Mataas na ang sikat ng araw at medyo nakakapaso na rin sa balat ang sinag niyon, mabuti na lamang ay mayamaya rin ang pag-ihip ng hangin na nagbibigay ng kapreskuhan sa kanila. Bitbit ang basket na siyang pinaglalagyan ng kanilang mga inani ay tumayo si Andrea mula sa pagkakalupasay at hinubad ang suot na gloves sa kamay. Pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo gamit ang likod ng kamay at hinubad ang suot na sumbrerong yari sa balanggot at ipinaypay sa sarili. "Hooo..." Nilingon niya si Kakang D na patuloy pa rin ang pagbungkal ng lupa upang makuha ang mga bunga ng mga itinanim. Kahit sa tindi ng sikat ng araw ay ganadong-ganado pa rin ito sa pagsaka kahit na masunog ang balat sa pagbababad sa araw. 'Kung magtanim ay 'di biro, puwes mag-ani rin hindi!' Muli niyang pinunasan ang pawis sa noo at leeg. "Goodness..." Pakawala niya ng malalim na buntong hininga at sunod-sunod ang pagpaypay sa sarili ang ginawa. She's sweating to death! 'Juice colored!' Mula sa pagbubunot ng mga ligaw na damo ay napalingon si Damien sa dalaga. Holding the half-full basket of their harvested crops, Andrea was standing there, fanning herself with the hat he lend to her. Ibinaba nito ang hawak sa basket gayon din ang sumbrero sa tabi. Gamit ang isang piraso ng pantali sa buhok, she gently pulled all her hair up to tie a bun. Her long wavy silky hair were dancing along with the breeze. Animo ito may sariling buhay na sumasabay sa bawat pagkumpas ng kamay ng dalaga sa pagtali dito. Despite of how hotㅡyet windy the weather is, Andrea still look so hot and sexy na tila ay hindi ito dinadampian ng asim ng pawis. She look more attractive kahit na pawisan sa init. Natigilan si Damien sa pagtitig sa dalaga nang sikuhin siya ng katabing matanda. "Kung ikaw baga'y kumikilos na at hindi iyong nakatunganga lang diyan, ay 'di sana may ka-labing-labing ka na," ani Kakang D nang mapansin siyang titig na titig sa dalaga. Napailing na lamang si Damien na bumalik sa ginagawa. "Masyado po ba akong halata?" Tanong niya sa mababang tinig at patuloy sa pagbubunot ng mga ligaw na damo "Aba'y mas halata pa sa pusang nagnanakaw ng ulam!" Pagak na tawa ng ginoo. Matapos maiipit ng ayos ang buhok ay muling kinuha ni Andrea ang inilapag na basket at muling isinuot ang sumbrero. Napalingon siya sa kinaroroonan ng dalawang lalaki nang marinig ang tawanan ng mga ito. Animo wala lang sa mga ito ang pagod at sakit ng katawan sa pag-aani at nagagawa pang tumawa. Nilingon niya sa hindi kalayuan ang kalabaw na hayahay na nakahiga sa mga tuyong dayami habang ngumunguya ng damo. "Ba't hindi ka magsalita d'yan nang may makausap naman ako," aniya rito na animo makakasagot din ito na parang tao. Muling siyang nag-squat sa kanyang pwesto upang ilagay sa basket ang mga kamote at patatas. Maarte ang kamay na kinuha niya isa-isa ang mga may bahid pang lupa na mga kamote at inilagay sa basket. May ipinahiram naman sa kanyang gloves si Kakang D kaya nga lang ay namamawis na ang kanyang kamay. Ayaw n'ya namang magkaroon ng amoy ang kamay n'ya lalo na at pawis, samahan pa ng mainit na panahon. Hindi naman sa nagiinarte siya... She actually enjoys being there at maranasan ang simpleng buhay-probinsya. Compared sa buhay niya sa showbiz... Magulo. Maraming mga lihim ang hindi ipanapaalam sa tao. Maraming kaganapan ang patagong ginagawa. Tatanggapin ka lamang ng tao base sa kung ano na ang naabot mo bilang artista. Aaminin niya... Hindi madali ang buhay-artista. Kung inaakala ng iba na "it is just all about fame" well nagkakamali sila. Sa oras na pinasok mo ang industriya ng showbiz ay hindi na madali pang makababalik sa dati mong buhay. You'll become their puppet na susunod lamang base sa kung ano dapat ang iyong gagawin. If you failed to obey them, you'll surely PAY. Hindi lang ito tungkol sa pera at kasikatan. Kayang-kaya ka nilang sirain at pabagsakin sa kahit anong oras na gustuhin nila. It's about you being their artist. Hindi mo na hawak maski ang pribado mong pamumuhay... Dahil literal na aangkinin ka nila. Marami na rin ang mga artistang naging sunod-sunuran sa mga nakatataas sa kanila. Tipong umabot na sa puntong maski sarili nilang buhay ay kinitil na dahil hindi na kinaya ang sobrang pressure at nakakasakal na na pag-handle sa mga artist. At maski kaluluwa't buong pagkatao mo ay gagamitin nila because in showbiz... Everything is just for entertainment. Bata pa lamang nang sumabak siya sa pag-aartista ay alam niya na ang bagay na iyon. Ang mommy niya ang unang naging manager niya bago pa si Jerome. Maaga pa lamang ay iminulat na siya ng Ina na hindi lahat ay magiging kakampi niya sa showbiz. Kahit pa kaibigan niya ay kayang-kaya siyang talikuran para lamang sa kasikatan. Artist competition ang tawag nga nila. Nasa mindsets na iyon ng mga artista na kailangan mong mataasan ang iba pa at umangat kaysa sa kanila. And knowing her mom Anastasia, napakagaling at napakatalino nito sa mga ganoong bagay. She can handle everything at hinding-hindi maiisahan ng mga entertainment manager at producer na gamitin siya para sa ikakaasenso ng mga ito. 'If mom was still here, for sure ay may solusyon na agad siya sa sitwasyon ko ngayon...' Mag-iisang buwan na simula noong mag lay low siya sa spot light. Ni-wala na nga siyang balita kung ano na ang takbo sa industriya nila dahil bibihira na lang din siya magcheck sa mga social media. Tuloy lamang siya sa malalim na pag-iisip habang patuloy sa paggawa. Animo siya nalunod sa sariling kaisipan at tanging katawang-lupa niya na lamang ang naiwan. Muling napaangat ng tingin si Andrea sa gawi nila Kakang D at Damien nang marinig ang tawanan ng mga ito. May kung anong sinasabi si Damien sa matanda na hindi niya marinig ng maayos dahil sa distansya, but what ever Damien was saying, it made Kakang D laugh so hard. Mahahalatang magkasundong-magkasundo ang dalawa na aakalain mong dikit na magkaibigan dahil sa closeness ng mga ito. Animo balewala lamang ang malaking agwat ng edad ng mga ito kung mag-usap. Napangiti si Andrea nang makita ang mala-kenkoy na pagtawa ni Kakang D. Kakatuwang makita kung papaano ito tumawa na animo mawawarak na ang panga, na kahit sa sisenta y dos na e bentang-benta pa rin ang mga hirit. Nga naman... wala sa edad ang kaligayan, nasa tao. Na kahit gaano kabigat at karami ang problema at pagsubok sa buhay ay nagagawa pa ring tumawa. Ika nga, "You Only Live Ones." Kaya't hanggang maaari ay magpatuloy ka sa pag-explore at pagsubok ng mga bagong bagay sa buhay mo---but in a good way. H'wag lang tayo makuntento sa comfort zone natin. We should enjoy life. Make new memories that you will treasure to death. Pinuno ni Andrea ng sariwang hangin ang dibdib. Right. Hindi dapat siya magpaapekto sa kung ano ang naririnig at sinasabi ng iba sa kanya. She should enjoy the freedom she has now. Malayo sa buhay na mayroon siya noong nasa spot light pa. Nagsisimula na naman siyang pawisan. She lift up her head and wipe the sweat on her forehead. Sa pag-angat niya ng ulo ay sakto namang namataan niya si Damien na nakatayo at may hawak na mga ligaw na damo sa kamay. Mula sa kanyang posisyon ay kitang-kita ni Andrea ang barakong-barakong tikas ng katawan ni Damien. Bumabakat sa damit nito na basa na ng pawis ang mala-adonis nitong katawan. Tiyak na papasa na ito sa mga international models kung sakali. Umihip ang malakas na simoy ng hangin dahilan upang liparin ang sumbrerong suot niya at sandaling mabalik siya sa ulirat. Hindi na niya nahabol pa ito dahil sa mabilis na paglipad nito sa himpapawid. Just then, animo nag-slow motion ang lahat sa paligid niya. Damien sexily remove his wet white shirt, showing his masculine torso. Animo ito si Apollo na diyos mula sa mitolohiya ng mga griyego na bumaba sa lupa. Dadaigin pa ng naguumapaw sa kagandahang lalaki nito ang mga French models na minsan na niyang nakatrabaho. Mala-pandesal na mas mainit pa sa tanghaling iyon ang mga umbok na bumubukol sa tiyan nito. At tila gugustuhin mong madulas at mapasandal sa malapad nitong dibdib at damhin ang kalaparan niyon. 'Oh d*mn those biceps!' Wala sa sariling napalunok ng laway si Andrea. Tila siya biglaang nakaramdam ng matinding uhaw sa nakita. 'Lord! Bakit ganito at pinahihirapan n'yo po ako?' Tahimik na nausal na lamang niya sa sarili. Oo na! Inaamin niya na! She's hella attractive to this hot mechanic! Sino bang hindi? E kung ganito at naguumapaw sa gandang lalaki at napaka buting tao pa ay sinong hindi maaattract sa damuho? 'But no,' she promise. 'I'm only attractive to him. Nothing more, nothing less. Period.' Muli ay isa-isa niyang pinulot at inilagay sa basket ang mga patatas at kamote, ngunit ang mga mata ay nananatiling nakatanaw sa nakatayong lalaki. Isinukbit ni Damien ang hinubad na damit sa balikat at sinuklay ang buhok gamit ang kamay. 'Oh Jesus f*cking Christ!' Hindi mapigilang mahigit ni Andrea ang hininga. Bakit ba ang lakas ng karisma at umaapaw sa appeal ang damuho? Ni-hindi na alam ni Andrea kung tama pa ba ang pinupulot n'ya at basta na lamang inilalagay sa basket ang madampot. Para siyang namboboso at binobosohan si Damien sa hindi kalayuan. Nakita ni Damien ang nilipad na sumbrero ni Andrea. Nang lumapag ito sa tumpon ng mga damo ay lumapit ang binata roon at pinulot iyon. Tila naengkanto na si Andrea at nawala na sa ulirat ng mga sandaling iyon. As Damien get the hat, he then walks toward her. Sa bawat hakbang na ginagawa ng binata palapit sa kanya ay siya namang pagbilis din ng pagrigodon ng kaniyang puso. He was looking at her intensely na animo si Andrea na lamang ang tanging taong nakikita ni Damien. Her lovely and attractive face facing him and looking only at him... Her small figure... Her smell... Her touch... Tila umakyat na ata ang lahat ng dugo ni Andrea sa kanyang mukha habang papalapit nang papalapit si Damien. Idagdag pa ang nakalantad nitong mala-adonis na katawan na talaga nga namang kaakit-akit. Huli na niyang napagtanto na karit na pala ang kanyang nadampot imbis na patatas dahilan upang siya'y mapahiyaw sa sakit. "AAAHHHH!" Mabilis na lumabas ang dugo mula sa sugat na kanyang natamo sa kamay. "Ayos ka lang ba?" Isang baritonong boses ang nagpalingon kay Andrea. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Damien at hawak na agad nito ang kamay niyang nasugatan. Bigla siyang nanigas sa kinalalagyan nang kakaunting espasyo na lamang ang pagitan nila ni Damien. He's holding her gently on his arms. Ang isang kamay nito ay nakapulupot na sa kanyang baywang bilang suporta, samantala ang isa ay hawak ang kanyang kamay na may sugat. Damang-dama ni Andrea ang init ng katawan ni Damien sa kanyang pagkakadikit sa hubad na malapad at matipono nitong dibdib. Para siyang sinilaban at hindi na mapakali ang puso sa sobrang pagwawala niyon. "Andrea are you okay?" Mababakas na malalim nitong tinig ang pag-aalala. Nanatiling nakatitig lamang si Andrea sa mui gwapitong mukha ng binata. Wari baga'y hindi pa rin makapaniwala kung papaanong nangyaring nasa bisig na siya nito. "You're bleeding!" Saka lamang siya nabalik sa katinuan nang mahina siyang yugyugin ng binata. "Ha... Huh?" "Ang kamay mo." Doon na lamang naramdaman ni Andrea ang hapdi ng sugat. "O-oh my gash! AAAAAAAAWWW!" Impit na hiyaw niya nang makita ang sugat. "Anong nangyari d'yan?" Tanong ni Kakang D at lumapit sa kanilang kinaroroonan. "Saan po ang tubig dito?" Tanong ni Damien at inalalayang makatayo ang dalagang umiinda sa sakit. "Naku ka hija! Nadali ka ba ng karit? Hala siya, doon sa tabi ng kubo at may balon sa gilid. Hali kayo," nagpatiunang maglakad ang ginoo at iginayak sila sa balon. ** CONTINUATION BELOW ⬇
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD