"Wait for me here. Stay here no matter what," diin niyang pagkakasabi. He closed the car door at pumasok na sa isang building.
Napatingin ako sa pinasukan niyang building. Two-storey siya, ang itsura parang abandonado. Nakakatakot naman dito. Wala pang mga katabing building. Bale puro puno lang makikita mo sa paligid at ito lang ang nakatayong building sa lote na ito.
15 minutes na ang nakakalipas pero wala pa rin siya. Ano na kayang nangyayari? Pilit kong tinitingnan ang loob pero wala akong makita dahil halos walang ilaw sa loob.
Errr. Paano kung may nangyaring masama na pala sa kanya sa loob? Or worse, baka wala siyang malay kaya hindi na nakabalik dito! That's it, I'm going in.
Medyo maingay sa loob parang nagtatalo-talo sila. Nagtago ako sa gilid at sumilip papasok. Dahan-dahan akong naglakad para hindi makagawa ng ingay etong crutches ko.
"Ano na!? Anong gagawin natin? We are receiving threats Drey, threats!"
Parang hide-out dito. Nakablack silang lahat, actually si Drey din. Sila yung mga nakita kong kasama niya dati, mga kabarkada niya. Nasa may billiard table sila. Yung iba nakaupo lang sa gilid, yung iba nagsisigarilyo.
"Alam mo ba kung ano-ano nang naririnig ko sa kabilang kampo!? If you have just got here 15 minutes earlier baka naexecute sana natin ang plano!"
Ang sakit sa tenga. Nagsisigawan na talaga sila. Napaatras ako sa takot. But to my surprise, may natabig akong kung ano na nagdulot ng malakas na ingay. Oh no.
"Who's there!?"
Asdfghjkl! May papalapit!
*lingon-lingon* Wala nang mapagtataguan. T.T
"Sino ka!? Sinong maysabing pwede ka dito!?"
Bigla niya akong hinila palabas sa sulok sanhi para mabitawan ko ang isa kong saklay. Medyo nasilaw pa ko sa ilaw. Ang sakit ng pagkakahawak niya sa akin. Hindi ako makapagsalita, nanginginig ako.
"She's with me, Irvin! Let her go!"
I saw this guy smirks.
"Now I see."
Pabigla niya akong binitawan muntik pa akong ma-out of balance. Yung iba nilang kasamahan pinagtitinginan na ko, kaharap ko ngayon tong Irvin daw. Sa likod niya naman si Drey na medyo malayo pa sa amin. Natatakot na ako.
"So eto pinagkakaabalahan mo ngayon? Kaya nakakalimutan mo na itong grupo natin!?" pasigaw niyang sambit habang dinuduro-duro ako.
"She has nothing to do with this, okay?"
Puro sigawan nalang sila. Nagpupumiglas ako dahil gusto ko nang umalis dito.
"Let her go. You're hurting her!"
Sa wakas lumapit na si Drey at siniksik ako sa likod niya.
"Look, I'll find a way to solve this."
I was dumbfounded when he aggressively carried me on his shoulders with his right arms. He grabbed my crutches and walked away immediately. Asdfghjkl! Mukha ba kong sako??
"Drey, ano ba!?"
Sigaw ko sa kanya nang makalabas kami. Mas nagulat ako nang walang ingat niya kong binaba at napasandal ako sa pinto ng kotse. Dinig ko ang pagkalampag ng mga kamay niya sa kotse. Na-trap ako ngayon sa mga braso niya at dama ko ang init ng paghinga niya. Nakatingin lang siya. This time, I can clearly see his anger.
"Hindi mo ba ako narinig kanina!? O matigas lang talaga ang ulo mo!?"
Halos mapantig ang tenga ko sa sigaw niya. I just looked at his eyes. I can see through him his frustrations. Trembling, I placed my right hand on his chest and pulled his shirt. Sumandal ako sa dibdib niya.
*sniffs*
"Drey, I'm tired. Please, let me go home."
I felt him calming down as he pulled me closer with his hand on the back of my head.
"Sorry."
---------------------------------
8:05 am
*sneezes*
Nyemas. Ang malas ko talaga. Huhuhu. Hindi pa nga nakakarecover ang paa ko, lagnat naman ngayon. T.T Hindi na ko pumasok, magmumukmok nalang muna ako sa kwarto. Tinawagan ko na si Ree para gawan ako ng excuse letter. Syempre pumayag naman, love ako nun eh. What friends are for. ^.^
Napatingin ulit ako sa phone ko. 48 missed calls. Hindi ko naman sadya na hindi sagutin ang mga tawag niya kasi nga natutulog pa ko kanina tapos nakasilent ang phone ko. Nung napansin ko naman ang mga tawag niya, pinanindigan ko nalang din na wag sagutin. Hmp. Gawin na nating 50 missed calls saka ko sasagutin.
*49 missed calls*
Kasalanan niya naman hindi niya ko sinipot kagabi.
-
-
-
-
-
Aba. Mukhang tumigil na. I pouted. Ako na ba ang tatawag? Pero parang hindi naman tama? Siya may atraso eh.
*50 missed calls*
Okayyy. Sabi na di ako matitiis. ^____^
*rings*
"Elowwww Zic!"
"Babe, sorry sorry. Sorry talaga. Hindi ako nakatawag sa 'yo kagabi."
"Bakit ba kasi hindi mo ko tinawagan?"
Nagpout ulit ako. Sana makita niya. :3
"I-i... forgot."
*ends call*
Hinagis ko ang phone ko sa kama. Medyo natakot din ako kasi muntik mahulog. Nagtalukbong ako ng kumot. Bahala nga siya! So kaya pala hindi siya makontak kasi nakalimutan niyang may date kami!? Diwow.
Nagring ulit ang phone. Na-on ko na ang ringtone kaya dinig ko na. Hmp. Bahala siya dyan.
Ay wait.
Baka biglang pumunta yan dito. Lagot ako. Sinagot ko ang tawag.
"Babe, sorry na kasi ----"
"Achu!! *sniffs*"
"May sakit ka?"
"Zic?"
"Oh?"
"Ang pangit mong boypren. :3"
Feel ko lang sabihin. :3 Hindi siya umimik.
"Achu!"
"That's it. I'm coming over."
"No!"
Sa bagay. Nakalusot nga siya sa ospital nun nang hindi nakikita nina mama. Pero iba ngayon, andito ako sa bahay namin.
"Magmeet nalang tayo pag magaling na ko."
"But----"
"No buts Zic. Request ko sayo ito bilang ikaw na may atraso."
"*sighs* Fine."
I ended the call. Sumalampak ako sa kama. Nakakawalang-gana naman. Napatingin ako sa lappy na nasa table. Ang tagal ko na ding hindi nag-oopen ng account. Hindi ako nag-iinstall ng messenger sa phone ko, kaya yang sss at messenger, sa lappy ko lang ako nag-aupdate. Maopen nga. Hmm... Wala namang ganap. Alam din nina Ree eh na halos sa text lang nila ako makakausap. Errr. Ang sakit ng ulo ko. Hanggang sa mapansin ko ang chat ni BlackAngel. 2 messages pero isa lang ang nababasa ko. Alam nyo na, mahiwagang teknik.
Hey.
Hindi ko na ni-seen. Yung isang message panigurado hey lang din yun. Nagchat si Lexon.
Lexon: Uy, masama daw pakiramdam mo?
Me: Oo eh. Pero lagnat lang naman. Makakapasok na ko bukas.
Lexon: Buti di ka pumasok.
Nang-aasar ba to? Magrereply na sana ako...
Lexon: Hot issue ka ngayon.
Biglang may tumawag sa phone ko. Si Casey. Tapos may nagmessage si Ree.
Hoy, girl. Sagutin mo tawag.
Bakit parang ayokong sagutin? Pakiramdam ko biglang nawala ang lagnat ko. Pinapakaba nila ako masyado! May ni-send na link si Lexon.
Headline: Heartthrob of WU spotted with his girlfriend
Hindi ko pa nabubuksan ay bigla na kong kinabahan. Yung pic namin... I opened the link. Bigla akong napunta sa main page ng WU.
The photo was taken yesterday. Some students caught this couple walking around the lobby and confirmed they were dating for a while now.
Asdfghjkl!!! Anong issue itong pinagkakalat nila?? I checked the comments.
Da nerve of that gurl! Mukhang di naman ganda!
Kung makajudge di naman kita ang mukha ko sa pic. Hmp.
Omg! Sino yng girl?? If I know, nagpilay-pilayan lng pra mapansin. Ang kapaaal!!
Nooooo!!! Not papa Drey! Hayup sino ba yan!? Humanda skn yan!
Si Alexa Peterson yan HRM. Same dept kmi.
Naawa lng c Drey sa knya. Di sya papatulan ni Drey no!?
ToT. Sino naman itong nagmention ng name ko!? Ang lalakas ng loob mga trolls naman. Pero... Huhuhu. Lilipat na ko ng university. Ireready ko nalang ang transfer form ko. Huhu. Yung pic, yung kagabi ito nung nasa lobby kami. Nakatalikod kaming dalawa pero halata ang mukha ni Drey. Eto yung sinuotan niya ko ng helmet.
Ano nang gagawin ko? Nagring ulit ang phone ko.
"Hoy!! Ang tagal mong sumagot! Nakita mo na bang yung link!?"
"Oo."
"Sira ka talaga. Wala kang kinukwento sa amin! Bat magkasama kayo ni Drey ha?" -Casey
Dinig ko sa kabilang linya na nag-aagawan sila ng phone. Haist. Kahit kelan talaga.
"Nagkasalubong lang kami nun! Tapos siya nag-alok na iuwi ako."
"Diba? Sabi na sa inyo, likas na talaga kay Drey ang pagiging sweet. Nakuuu Lex! Yieeeee." -Ree
I rolled my eyes. Tinutukso pa ko eh naissue na nga ko. T.T
"Teka, alam na ba to ni Zic?" -Kira
"Mukhang hindi pa. Nagkausap palang kami kanina."
Paano ko ito ipapaliwanag sa kanya? I'm in so much trouble. Huhu
"Basta Lex wag ka na munang papasok bukas." -Casey
"Huh? Bakit?"
"Alam mo bang ikaw ang usapin ngayon ng mga studs? Kung ano-anong pinagsasabi nila sayo." -Casey
"Nakuuu, ang sasarap nilang sakalin." -Kira
"Kahit 3 days lang Lex." -Ree
"Ayoko! Ano ba kayo? Sobrang behind na ko sa lessons. Hindi pwedeng ganun. Bahala sila kung anong gusto nilang sabihin. Alam naman natin ang totoo."
"Pero Lex kasi----"
Biglang nagkagulo sa kanila kesyo andyan na daw ang prof.
"Hello Lex! Tawagan ka nalang namin mamaya ha? Bye!"
"Wai----"
Tsk. Binaba na. Anong gagawin ko?
5:06 pm.
"Nak nasa sala si Ree naghihintay sayo."
"Sige pa. Achu! Susunod na po."
"Yung gamot mo wag mong kalimutang inumin."
"Opo."
May lagnat lang ako pero di naman masakit ang katawan ko. Nakakahawa ba ito? Pero malakas naman ang immune system ni Ree. Kaya niya na yan. Hehe. Hindi ko na kinuha ang saklay. I kept leaping with my left foot. Bago pa ko magtungo sa sala ay pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng tinidor. Dali-dali akong nagpunta sa sala pagkatapos.
"Reee!!! ^____^"
"Adik ka Lex!! Asan saklay mo!?"
"*hingal* Nasa kwarto hihi. Cake ko?
:3"
"Oh eto (sabay abot sa akin) sira ka talaga."
"Thank youuu!!!"
Lalapit sana ako para i-hug siya pero bigla syang lumayo.
"Hoy Alexa! Ayokong umabsent sa klase layuan mo ako at baka mahawa pa ko sa lagnat mo!"
"Hug lang eh. Hmp"
"Umiiral talaga ang pagiging moody mo pag may sakit."
Naupo na ko sa sofa at binuksan ang box ng slice ng cake. Nilantak ko agad. *yum yum*
"Dahan-dahan naman Lex. By the way, sure ka na ba talaga? Na papasok ka na bukas?"
"Oo naman."
Sagot ko habang kumakain. I heard Ree sighs.
"Okay. Choice mo naman yun. Pero Lex, I'm warning you. Ihanda mo ang sarili mo. Sa totoo lang, hindi talaga maganda ang mga pinagsasabi ng mga studs sayo ngayon. Alam mo naman ang nangyari sayo noon."
Binaba ko na ang cake sa table. Naumay ako bigla, masyadong sweet.
"I know, Ree. Hindi ko makakalimutan yun."
Hinding-hindi. Sobrang tanda ko pa ang nangyari noon. Nagkaron ng rumors nung hayskul na kami daw ni Zic (and how I wished it was true) pero mas nanaig yung tsismis na ako daw ang lapit nang lapit sa kanya.
Hanggang sa naging sila ni Lyssa, hindi matahi-tahimik ang mga walang katuturang kwento.
"See? Sabi sa inyo hindi sya gusto ni Zic."
"Malandi talagang babae. May pinopormahan na nga kasi si Zic, dikit pa nang dikit."
"Di na siya pinapansin ni Zic. Hahahahah buti nga sa kanya."
Nagbingi-bingihan ako sa mapanakit nilang salita. Hindi ako umimik. I pretended I did not know anything. Ininda ko lahat ng binabato nilang hindi maganda. Pero ngayon, ito na naman... Si Ree at ako lang ang nakakaalam na alam ko ang rumors na yun.
"Hindi ako makapaniwala na na-pull off mo ang mga nangyari noon. Itong news ngayon mas madaming nakakaalam."
Sigurado buong WU alam na ito. I still wonder kung sinong sira ang nagpakalat ng mali-maling issue.
"Hayaan nalang natin Ree. Just like old days. This happened before, lilipas din ito."
Inabutan ako ni Ree ng notes sa klase ngayon pati ang assignment namin. Umalis din siya agad.
---------------------------
6 a.m.
*yawns*
Nasa classroom na ko ngayon. Tingin ko maiintindihan nyo na kung bakit maaga akong pumasok. Ayoko nang mag-explain.
I plugged my earphones in and turned on the music. I placed my arms on the desk and my head on it. Zzzzzzz...
Now Playing: Monsters by Katie Sky
I see your monsters
I see your pain
Tell me your problems
I'll chase them away
I'll be your lighthouse
I'll make it okay
When I see your monsters
I'll stand there so brave
And chase them all away
A cup of coffee still steaming
Staring back at me, it's blacker than the night
I'm awake but still sleeping
I keep telling myself I'll be alright (I won't)
And I know it can't get worse than today
Sitting here and she's trying to rehearse what to say
See, she's in the bathroom hoping I'm not in earshot
While she's getting used to the sound of a teardrop (Splash)
It hits the tile
And I know it's been a while since you seen me
Smile and laugh like I used to
Naalimpungatan ako nang biglang may nag-alis ng earphone sa tenga ko. I opened my eyes.
"Good morning! ^_^"
"Mmm..."
Tumagilid ako para di siya makita at pumikit na ulit.
"Ang aga mo Lex ah."
"Lexon please. Patulugin mo muna ako."
"Okay."
Naramdaman kong tumabi siya sa akin at kinabit ang isang earphone sa kanya.
"Lex..."
"Mmmm..."
"Lex, gising na uy."
Napaayos ako nang upo. Napatingin ako sa gumising sa 'kin. Ree. Inikot ko ang tingin, medyo marami na kami at si Lexon andun na sa seat nya. Ginusot ko ang mga mata ko. Medyo inaantok pa ako.
"Anong oras ka nakapasok?"
"6"
"Ha?? Ang aga naman."
Nagkibit-balikat lang ako. Maya-maya pa'y dumating na ang prof namin. Habang nagdidiscuss ay nilabas ko ang phone ko.
No new message.
Napatingin ako sa kawalan. Nanaginip lang ba ako nung nakita ko si Zic sa hospital? Sinagot ko ba talaga siya? Bakit magbf/gf nga kami pero bakit parang...
hindi kami?
My thoughts broke my heart. Nabasa na kaya niya ang article? I know I need some explaining to do. Pero pano ko magagawa yun kung hindi kami nagkakausap? Family business na naman kaya? Ayoko na din muna siyang abalahin.
Nang matapos ang klase, napansin kong dumaan si Shira sa classroom kaya nagmadali akong tumayo at lumabas para abutan siya.
"Shira!"
*face palm* Agaw-atensyon pala yung ginawa ko.
"I-I need to talk to you."
She smiled pero di ko mabasa yung ngiti niya kung sincere o pagalit. Ang bibigat ng hakbang niya habang papalapit siya. She stood in front of me and I ----
I closed my eyes.
******************
puzzled_emo