"Alexa? Sorry, sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Okay ka lang?"
"A-ayos lang ako."
Tinulungan niya kong tumayo at inabot sa 'kin ang mga libro ko.
"Kamusta ka na? Sa university na 'to ka pala pumapasok?"
"Oo. Si Rianna nga pala, kaibigan ko. Rianna, s-si Zic," matipid kong sagot. Ngumiti naman siya kay Ree at kahit alam kong medyo badtrip tong si Ree, alam niya kasing siya yung naikukwento ko sa kanya, ay ngumiti pa rin siya para hindi mukhang rude. I feel---- hatred. Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya sa 'kin dati. Pa'no niya nga rin naman pala maaalala yun? Ilang taon na rin naman ang lumipas. Akala ko, nakalimutan ko na. Nakita ko lang siya, bumalik na lahat.
"Uuwi na ba kayo? Sasabay na lang din ako sa inyo."
Napatingin ako kay Ree. She's waiting for my reply.
"Sorry ah. May pupuntahan pa kasi kami ni Ree."
"Ganun ba? Sige, ok lang. Magkikita pa rin naman tayo eh. Sige, mauna na ko sa inyo. Mag-ingat kayo."
"Ikaw din," at sana hindi na tayo magkita. Ni pangalan nga niya hindi ko maatim na banggitin. Hayy, puso, bakit ang lakas na naman ng t***k mo? Tama na, please.
*****************************
"Uy! Sige na, pumayag ka na. Ang tagal na rin kasi nating hindi nagpeperform. Sige na naman oh."
"Sige, on one condition. Bigyan mo ko ng mabigat na dahilan kung bakit dapat akong sumali dyan."
Ano'ng pinag-uusapan namin? Pa'no itong baklang 'to kinukumbinsi akong sumali sa isang dance performance. Irerepresent daw namin ang Wilholm University for the upcoming SCUAA Meet. Aaminin kong marunong akong sumayaw pero hindi ako ganun kagaling.
"Passion Lex. May passion ka sa pagsasayaw at isa pa umalis ka naman sa comfort zone mo kahit saglit. Minsan lang ito."
Sa bagay may tama siya. Pagkatapos sa school umuuwi agad ako at hindi na ako sumasali sa mga activities ng Wilholm. Hindi tulad noon. Magandang way na rin siguro ito para madistract ako at malibang sa ibang bagay at hindi kung anu-ano ang naiisip.
"Sige na nga. Payag na 'ko. Kelan ba ang SCUAA Meet?"
"Two weeks from now."
"Hindi ba tayo kukulangin ng oras?"
"Hindi noh. Leave it to us dear. Dahil sa pumayag ka naman, bukas ang start ng praktis after class, sa gym ang venue."
"Ok." Hayy, I remembered something. I thought I already forgot all those memories.
*FLASHBACK*
"Ang galing mo kaya. Kaya nga, parang nagugustuhan na kita."
"Ano?" Parang may narinig ako. Pero ayoko namang mag-assume, baka nagkamali lang ako ng dinig.
"Ha? A-ah wala, basta 'wag kang titigil sa pagsasayaw. Ang galing mo kaya."
Dugdug. Weird. Naguluhan ako kung bakit nautal siya eh wala lang naman yata yung sinabi niya. Pero kung iisipin, ang weird ko rin kasi PARANG kinikilig ako kapag ganyan siya.
"Ok guys! Bilisan na natin ang paglilinis dito at nang makauwi na tayo."
"Okay!"
*END OF FLASHBACK*
"A-ah!" Ang clumsy ko ba oh ano? Aish, nabangga na naman ako. =___= Seriously? Sa susunod mag-iingat na talaga ako. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino na naman ang nabangga ko, may kataasan din kasi 'tong lalaking 'to.
"A-ah, sorry. Hehe."
"Drey! Ano ba 'yan? Andiyan ka lang pala! Grabe, kanina pa kita hinahanap. Tara na, hinihintay na nila tayo."
"Sorry din miss. Sige, alis na 'ko."
Dumbfounded, yun na siguro ang pinakatamang term sa nararamdaman ko ngayon. It was him. The person I always accidentally meet. The person I am always curious about. Nakakatawa lang isipin na nalaman ko ang pangalan niya kahit accidentally lang din. So Drey it is. Parang natuwa ako bigla na nakita ko siya, nasanay na rin kasi ako sa presence niya, at pakiramdam ko nawala na rin ang mga problema ko. Dagdag na rin yung kinausap na niya ko. Teka, yung tumawag sa kanya. Si Shira yun ah, yung sa NSTP, yeah yan ang Saturday class namin. So, sila nga talaga? Oh well.
"Thank you," wala lang. Feel ko lang sabihin. ^__^
********************