CHAPTER 2

1122 Words
Nalungkot siya pero nung nakita niya akong nakatingin sa kanya, bigla siyang ngumiti at lumapit siya sa akin. "Anong nangyari?" tanong ni Dan. Nangingilid ang mga luha sa mata ko pero pinigilan ko. "Nadatnan kong nakahandusay na ang tatay ko kaya isinugod namin siya sa ospital. Ikaw?" Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Kamamatay lang ng asawa ko. Sana gumaling ang tatay mo, excuse me!" Umalis siya habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Sinubukan kong sundan siya pero tumango si Kent. "Hayaan mo siyang magdalamhati... hindi ganoon kadali ang pagkawala ng isang tao. Gusto niyang mapag-isa!" Umupo ako sa upuan at kumalam ang tiyan ko. Narinig ni Kent ang kalam ng sikmura ko na biglang ngumisi. "Kukuha ako ng makakain natin, anong gusto mong kainin?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya. "Ayoko pang kumain!" Umupo siya sa tabi ko. "Narinig kong kumakalam ang tiyan mo. Halika na Sarah, kailangan mong kumain at baka magkasakit ka. Hindi matutuwa ang tatay mo kapag nalaman niyang wala kang nilagay sa tiyan mo!" Sumandal ako sa balikat ni Kent sa bigat ng problema ko. "Tatay ko na lang ang mayroon ako, hindi ko alam kung magkakaroon pa ng saysay ang buhay ko kapag nawala siya. Idagdag mo pa ang napakalaking gastun dito sa hospital. Hindi ko alam kung paano magbayad!" "Maniwala ka sa isang himala Sarah... sa ngayon kailangan nating hawakan ang ating pananampalataya... at higit sa lahat, kailangan mong kumain!" "Any food will do!" nag aalangan kong sagot. "Sige salamat talaga!" tumayo siya. "Babalik ako agad pagkatapos kong bumili ng pagkain, please stay here!" Pinanood ko siyang maglakad hanggang sa mawala siya sa dami ng tao. Napatakip ako ng bibig ng may naramdaman akong humahaplos sa likod ko. Akala ko si Kent pero pagtingin ko, si Dan pala! Binigyan niya ako ng panyo. "We are on the same boat, Sarah. I really feel the gravity of your situation right now!" Tinanggap ko ang panyo at pinunasan ang mga luha ko bago ito bumagsak sa mukha ko. "Salamat Dan, condolence din sa asawa mo." "Siya ay talagang lumaban hanggang sa kanyang huling hininga. Ipinaglaban niya kami, ang kanyang pamilya, ngunit ang kanyang katawan ay sumuko pa rin sa kamatayan. Paano ko sasabihin sa aking tatlong taong gulang na anak na babae na nawala ang kanyang ina sa murang edad?" "Sa kahit na anong paraan mo sabihin, alam naman natin na iisa lang ang magiging reaksyon ng anak mo. Normal lang naman siguro na maging malungkot ang isang taong nawalan ng mahal sa buhay. Eventually, paglaki niya, mauunawaan niya ang bigat ng sitwasyon." "May point ka diyan. Saan ka pupunta nung niligtas mo ang buhay ko?" Napabuntong-hininga ako sa tanong ni Dan. "Nag-apply ako para magtrabaho pero, tulad noong mga nakaraang araw, na-reject na naman ako. Mahirap yata talagang maghanap ng trabaho para sa fresh graduate student. Mas gusto pa rin ng mga kumpanya ang may karanasan!" "Talaga? Bakit hindi mo sinabi kanina? Kung alam ko lang na naghahanap ka ng trabaho, siguradong tatanggapin kita on the spot!" Napangiti ako sa sinabi sa akin ni Dan. "Anong trabaho mo sir?" "I am a CEO," nilagay niya ang bibig niya sa tabi ng tenga ko. "Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko subalit isa akong bilyonaryo. Kung gusto mo, pwede kang magtrabaho para sa akin bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa pagligtas mo nang buhay ko kanina." "Talaga? Syempre, gusto kong magtrabaho sa company mo. By the way, isa-submit ko kaagad ang resume ko kapag nakapag print ako ng bago." "Walang problema. At saka, para mabayaran ko ang pagligtas mo sakin, babayaran ko hospital bill ng tatay mo para naman hindi ka na namomroblema." Nakita ko si Kent na naglalakad na may dalang pagkain. Napansin ko ang galit na ekspresyon ng mukha niya nang makita niya si Dan na nakaupo sa tabi ko. Lumingon si Dan at tinanong ako, "Boyfriend mo ba siya?" "Hindi pa sa ngayon... nililigawan ko na siya at alam kong sasagutin niya ako. May problema ba yun?" Sagot ni Kent na mayabang na boses. Sinaway ko si Kent dahil sa maangas na sagot niya kay Dan. "Hoy, ano bang problema mo, Kent!? Wala siyang ginawang masama sa akin. Kung tutuusin, gusto niya akong bigyan ng trabaho!" Napatingin sa akin si Dan. "That's totally fine, if he is against you working for me, hindi kita pipilitin!" Bahagya akong napakunot ng noo dahil ayokong palampasin ang pagkakataong ito. "Hindi! Gusto ko ang trabahong inaalok mo, Sir Dan!" Inabot ni Dan sa akin ang kanyang calling card. "I am giving you one week to decide. As per your father's hospital bill, consider it paid already!" Umalis si Dan at tinignan ako ni Kent sa mata. Halatang may bad blood siya kay Dan. "Yung lalaking yun ang niligtas ko kanina. I am sorry, but I badly need a job right now!" "Look, naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo, Sarah, pero pag nagkapera ako, mababayaran na natin ang hospital bill ng tatay mo." Hindi ako sumasang-ayon sa mungkahi ni Kent. Napakarami na niyang nagawa para sa akin at inabuso ko na ang kanyang kabaitan. "Please don't try to compete with him. Kahit anong mangyari, ikaw lang ang tao sa mundo na mamahalin ko. Pangako 'yan!" "Kung titigan ka niya kanina, alam kong may tumatakbo sa isip niya! Sorry, alam ko lang ang karakas ng mga taong kagaya niya, Sarah. Wag mo naman sana masamain ang pagprotekta ko sayo." Abot langit ang ngiti ko ng maramdaman ko ang pagmamahal sa akin ni Kent sa kanyang pagsasalita pero alam ko na kailangan kong maging praktikal sa buhay. "Part of loving someone is accepting what they choose in their lives. I promise to take care of myself." Hinalikan ko si Kent sa pisngi niya at binigyan siya ng mainit na yakap. "Wag ka na sana magselos baby boy. Wala naman akong ibang taong mamahalin kundi ikaw lang." Napatahimik naman si Kent at hinalikan niya ako sa noo. "Oo alam ko yun... by the way, kumain na tayo." Lumabas ang doktor at lumapit sa akin para magtanong. "Anak ka ni Mr. Robert, tama ba?" "Yes Doc, kumusta po siya?" kabado kong sabi. Kumunot ang noo niya at huminga ng malalim bago ihatid ang balita. "May malubhang brain damage ang tatay mo. Sa madaling salita, na-stroke siya. Baka matagalan bago siya magising." Sumandal ako sa balikat ni Kent na hinagod ang likod ko para icomfort ako. "Doc, ibig sabihin babayaran na natin ang hospital bill for the following days?" tanong ni Kent sa doktor. "Sa katunayan, babayaran niyo ang hospital bill at ang bawat araw ay 5000 pesos, hindi pa kasama ang mga gamot." "Ang sakit naman po nun sa bulsa. Paano kung ilipat natin siya sa pampublikong ospital?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD