Napatingin siya sa mini skirt ko at inilabas ang dila niya. "Gusto sana kita maging babysitter ng anak ko."
Hindi ko pinansin ang malisyosong tingin niya sa legs ko, sa halip ay nagtanong ako, "Pero ang akala ko ba ay mayroon siyang yaya?"
"Oo, pero 60 years old na ang yaya niya, kaya kailangan na niyang mag-retire. In fact, almost 15 years na siyang nagtatrabaho sa amin. I need someone to look after my daughter who is family-oriented like you. Wag kang mag-alala, maayos naman akong makisama sa ibang tao."
"Una, gusto ko siyang makausap sir Dan, matagal na nyang kasama ang anak ninyo, kaya malamang mahirap mag-adjust. Kailangan kong matuto ng tamang diskarte para maalagaan siya."
"But her nanny will be leaving tomorrow evening. I don't think you can see each other, Sarah."
"Ganun ba? Sige mukhang wala na po akong magagawa. Siya nga pala, ano po ang pangalan ng anak ninyo?"
Ngumiti siya. "Salamat sa pagtitiwala sa akin, ang pangalan ng aking anak ay Ashley. Siya ay tatlong taong gulang at isang napakatalino at magandang babae!"
"Ashley? Napakagandang pangalan. Kailan po ako magsisimula?"
"Three days from now. You need to be with her 24/7 as I really can't do my responsibility as her father. Consider yourself her second mom!"
"Maraming salamat po sa pagbibigay ninyo ng trabaho sa akin," napatingin ako kaagad sa tatay ko, "Pero alam niyo naman po siguro ang kalagayan ng tatay ko, diba? Wala pong magbabantay sa kanya kapag wala ako."
"Huwag kang mag-alala, magha hired ako ng tao na pwedeng magbantay sa tatay mo sa hospital. Hangga't nagtatrabaho ka sa akin, hindi ako magdadalawang-isip na tumulong sa abot ng aking makakaya!"
Hindi ko napigilang umiyak. Sa wakas, isang sulyap ng pag-asa ang dumaan sa aking buhay.
Makalipas ang tatlong araw, maaga akong nagising dahil ito ang unang araw kong pagtatrabaho para sa anak ni Mr. Dan. Inimpake ko ang aking mga damit at lahat ng kailangan ko, at tiningnan ang aking bahay bago ko ito ni-lock. Tapos, bumisita ulit si Kent. Bumaba siya sa bike niya at tinignan ako ng seryoso. Alam ko na hindi siya sang-ayon sa desisyon kong ito.
Ramdam na ramdam ko ang bigat ng puso niya sa tuwing dumadampi ang paa niya sa lupa.
"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo? Iiwan mo ba ako na parang wala na akong kwenta sa buhay mo, Sarah?"
Huminga ako ng malalim. Ayokong masira ang good mood ko dahil baka madala ko ito sa aking trabaho.
Sinubukan kong ngumiti kay Kent. "Gusto ko sanang mag bike ride tayong dalawa kapag mayroon na tayong time. Okay lang ba 'yan sayo?"
Napalunok siya nang hindi niya pinansin ang tanong ko. "Inuulit ko sa huling pagkakataon, gusto kong manggaling mismo sa bibig mo. Handa mo ba akong iwan? Ang mga pangarap natin para sa isa't isa? Ang mga memories natin?"
Kumunot ang noo ko sa narinig ko mula kay Kent. "Maraming beses na nating napag-usapan 'to, 'di ba?"
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. "Magreklamo man ako o hindi, wala naman akong binatbat kahit kailan at echapwera na ako sa buhay mo."
Sa pagkakataong ito, pagod na ako sa kanyang drama at tapat na sinabi sa kanya ng matapos na kami sa ganitong eksena. "Ang tatay ko ay mas mahalaga kaysa sa iyo! Hindi ko kayang hayaang may mangyaring masama sa taong mahal ko. Alam mo namang ang tatay ko lang ang kamag-anak na mayroon ako!"
"Alam ko naman 'yun, Sarah. Sorry, alam mo naman siguro na mag-isa na lamang ako sa buhay, kaya wala akong matatawag na pamilya."
Nangilid ang luha sa mga mata ni Kent pero binigyan ko siya ng payo bago pa man bumagsak ang mga luha niya.
"Ako at ang tatay ko ang pamilya mo. Nakalimutan mo na ba iyon? Kahit na umalis ako sa lugar na ito ng ilang sandali, hindi ibig sabihin na nakalimutan na kita. Huwag mong kalimutan na maaari mo pa rin akong bisitahin o ang aking ama kung may namimiss ka sa amin!"
"Teka, at least bago ka umalis, ano na ba ang status ng relasyon natin?"
"Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon para mag-focus sa trabaho ko, tapos ibibigay ko sayo ang sagot ko!"
Kumunot ang noo niya. "Tangina! Paano kung bigla kang mainlove sa bilyonaryo na 'yun?"
"Bakit ka ba nagseselos, Kent? Hindi hamak na mas gwapo ka kay Sir Dan. Sa katunayan nga, gusto ko nang magpatira sayo at buntisin mo, kaso lang, hind pa pwedeng maging tayo."
Ngumiti si Kent, "Aasahan ko ang pangako mo, Juliana. Bibisitahin kita at ang tatay mo bukas ng umaga. Pangako ko na hindi ako manggugulo."
"Oo tama. Hindi ko kayang palampasin ang pagkakataong ito... Si Mr. Dan ay hindi lamang magbabayad ng mga bayarin sa ospital ng aking ama, magha-hired pa siya ng magbabantay sa kanya habang ako ay abala sa pag-aalaga sa kanyang anak."
Isang puting van ang huminto sa tabi ng bike ni Kent. Hinalikan ko siya sa labi na ikinagulat niya.
"Kailangan ko nang umalis. Sana ay silip silipin mo ang bahay kapag may free time ka."
Namula siya at ngumiti ng nakakaloko. "Good luck. Sana ay hindi na lang kiss sabay hug ang gagawin natin. Sige na, isasara ko na ang gate!"
Nagpalitan kami ng ngiti bago ako umalis.
Sumakay na ako sa front seat ng van, saka nagsimulang magmaneho ang driver. Makalipas ang ilang oras, huminto kami sa exclusive subdivision at halos nalaglag ang panga ko sa sahig nang makita ang napakalaking mansyon.
"Wow, ito ba talaga ang bahay ni Mr. Dan?" tanong ko sa driver.
"Oo. Si Mr. Dan ay isang multibillionaire na CEO, kaya hindi nakakapagtaka kung bakit mayroon siyang napakalaking mansyon. Maniwala ka man o hindi, dalawa lang sila ng anak niya ang pamilyang nakatira sa loob."
"I see. Isang karangalan po sa akin na makapag trabaho sa mansyon ni Mr. Dan. Napakaswerte ng susunod na asawa ni Mr. Dan sa kanya."
Hindi sumang-ayon ang driver. "Malabong mangyari ang bagay na 'yan, miss."
"At bakit ganyan ang tingin mo, Sir?"