"Love, what if next month na natin i-set ang kasal?" seryosong tanong ni Marco habang nakatingin sa daan at nagmamaneho. "Why? Ang bilis naman yata no’n?" saad ni Yvette. Kung tutuusin ay napakabilis nga naman noon lalo na at kaka-propose pa lamang nito. And to think na two weeks na lang ang sinsabi niyang next month. "E baka kasi magbago pa isip mo. Tapos iwan mo 'ko." sabi nito sabay halakhak nang malakas. "Tsk. Kahit kailan ka talaga. Puro ka kalokohan. Kala ko naman seryoso ka na gusto mo na akong maging Misis. Hmp..." saad nito sabay baling ng tingin sa bintana ng kotse. "Ito naman hindi mabiro. Joke lang ‘yon. Syempre naman gustong-gusto na kitang maging Mrs. Alfonso. Pero we planned to do it after a year pa so I'll stick to it." sabay kindat nito sa kasintahan. At isang malapad

