Isang hakbang pa ay huminto si Marco. Sa kabila ng pagtaboy ni Yvette sa binata ay nagagalak siya na huminto ito. Ano't ano man ang sabihin nito ay papayag agad siya. Sira ba siya? E mahal niya. I-deny man ng isipan niya pero ang puso niya ay hindi magsisinungaling. Nasobrahan na yata ang tama niya dito. "Okay, I will leave." sambit ni Marco nang huminto ito habang nakaharap sa pintuan ng kwarto ni Yvette at nakatalikod sa kanya. Tuluyan nang nalungkot ang puso ni Yvette. Inihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha na halos laglag ang balikat sa narinig. "Gano’n na lang ‘yon? Nasigawan lang siya. Itinaboy lang. Susuko na agad?" nakayukong sambit ng isip niya. Hindi niya kayang titigan ito palabas ng kwarto niya. Parang itinaboy niya ang isa sa pinakamahalagang kayamanan sa buhay n

